CHAPTER FORTY-ONE
DATE CREATED: July 6, 2016
Thank you again dahil nabeat ang na naman natin ang highest achieved rank ng MHP?! From #13 to #11! Salamat talaga. Nakakaiyak choss haha.
MARIEL’S POV
Mabilis na lumipas ang araw at hindi ko namalayan na araw na pala ng kasal namin. Panay kuha sila ng litrato sa akin na dapat ay masaya ako pero hindi ko magawa. Masyado na akong durog.
‘Please Mariel, ibigay mo na siya sa akin’ paulit-ulit na nag e-echo sa isip ko.
“Miss Mariel pakidilat lang po ang mata at tingin sa taas.” Sabi sa akin ng make-up artist sa akin. Sinunod ko naman ito.
‘Makakaya mo bang wala itong kilalaning ama? Mariel, alam mo na ang katotohan! Magbubulag-bulagan ka pa ba?!’
“Nako Miss Mariel! Huwag po kayong umiyak! Nako, magugulo ang make-up niyo mamaya na lang po kayo umiyak sa kasal niyo. Shiena! Tissue! ” Natatarantang sabi niya. Hindi ko mapigilan, ang sakit na.
“Anak, alam ko masaya ka pero pigilan mo ang luha mo. Siguro ayaw mo namang maging pangit pag naglalakad ka papuntang altar? Smile, mas gumanda ka. Nako, nagmana ka talaga sa akin. Magkamukha tayo.” Niyakap ako ng Inay ko galing sa likod habang nakatingin lang ako sa salamin.
Mas bumilis ang paglabas ng luha ko. Tama na, Inay. Wala ka bang balak sabihin sa akin ang totoo? Mas nasasaktan ako kapag nagsisinungaling ka sa akin ng harp-harapan. Tama na. “Ay nako Sir! Hindi nga pwede! Hindi mo ba alam iyong pamahiin? ” Natigil sa pagdra-drama ang Inay ng may nagkakagulo sa labas ng kwarto.
“I don’t believe in those. 2016 na ngayon, uso pa ba iyon? ” Narinig kong sabi ng isang lalaki sabay bukas ng pintuan. Narinig kong napasinghap si Inay at dali-daling pumunta kay Jeff.
“Nako naman Jeff! Bawal makita ang bride bago ang kasal nila! Pumunta kana sa simbahan at doon mo nalang siya makikita. Bilis! Sige ka baka hind—“
“Hindi matuloy ang kasal? Inay Celine, Isang oras nalang ikakasal na kami ng anak niyo. May makakapigil pa ba doon?..” Tumawa ito ng marahan “.. and I already saw her. Ano pa ang dahilan kung aalis pa ako? ” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
BINABASA MO ANG
My Hubby is a Professor?!
ChickLitHighest Rank Achieved: #7 in ChickLit (What's Hot) "I want you, that's it! All your flaws, mistakes, smiles, giggles, jokes, sarcasm. Everything, I Just.Want.You."