MHP?! SPECIAL [When She Came Back]

6K 99 38
                                    

SPECIAL CHAPTER #2 [WHEN SHE CAME BACK]

DATE CREATED: December 5, 2017

Thanks at may nakakaalala pa pala sa akin, Hello kila @missshityshit at @AutumnalNostalgia.

2/3 na tayo ng special update. Meaning malapit na talaga magsara ang kwento ni Jeff at Mariel, FOR NOW.

MARIEL'S POV

Nagising ako na wala na akong katabi sa kama. Napahilamos ako ng mukha. This is the first time na hindi niya ako hinintay na magising bago siya umalis sa kama. He must be so upset dahil sa mga sinabi ko sa kanya kagabi. Masyado kasi akong nataranta, ayoko lang naman na maghinala siya sa akin. Pero ano nga ba ang nangyayari ngayon?

Bumaba ako para tingnan kung nakakain na ang mga bata. “Kids, kain lang kayo. Ikaw Airine, You're too young para mag diet. I will not allow that.”

“B-but Dada!”

“No buts!” Napansin niya nasa bukana ako ng kusina. Tumikhim siya bago tumayo.

“I'll go ahead. Pakabait kayo ah? I love you.” Hinalikan niya ang dalawang bata at kinuha na ang coat na nakapatong sa upuan.

“Bye Hu--” I was about to hug him ng lagpasan lang niya ako. Babalik na naman ba kami sa gantong sakit?

Napayuko ako. Kasalanan mo, Mariel. Nagsinungaling ka sa lalaking mahal mo. Lumapit nalang ako sa mga bata at sinaluhan silang kumain.

“Ma'am, may gusto pong kumausap sa inyo. Daniel daw po.” Natigilan ako at agad agad na umalis sa lamesa at nagpakalayo layo.

“Good Morning gorgeous.” Bati ng baritong boses. Nangiti ako.

“Good Morning handsome.”

“So are you ready? Miss na kita.”

“Pwede ba Daniel. Mamaya nalang okay? Sige na baka hinahanap na ako ng anak namin.”

“Sila Airine at Macky? Bakit hindi mo nalang sila isama para makilala na nila ako. Matagal ko na silang gusto makita.” Natawa naman ako. Matagal na niyang iniungot sa akin iyon noong nasa ibang bansa pa ako para ipagamot nila Papa.

“Ako din I can't wait. Alam ko magugustuhan ka nila.”

THIRD PERSON'S POV

Hindi naman talaga papasok si Jeff sa opisina. Gusto niyang batiin ang asawa. Hindi niya dapat tinaasan ang boses si Mariel. Babawi siya dito ngayon. Hindi siya papayag na maunsyami ang kanilang kasal. Hinding-hindi na. Kaya susuyuin niya ito ulit.

Una siyang bumaba sa isang flower shop. Umorder siya ng mga bulaklak. Balak ko siya idate ngayon.

One week before Christmas pero hindi pa okay ang lahat sa kasal nila. Siya lang ang palaging nangungulit dito na ayusin ang kasal nila pero palaging saad ng dalaga ay sa susunod nalang o kaya ay abala siya. Iniintindi nalang ito ng lalaki.

Inalis niya sa isip niya na ayaw na siyang pakasalan ng babaeng mahal niya. Wala naman itong lalaki upang ayaw magpakasal sa kanya. Saka may anak na sila kaya alam niyang may hawak siya kahit umayaw pa ito.

Ang daming nagbago sa babae simula ng dumating ito galing sa ibang bansa upang magpagaling. Ngunit sa panlabas lang naman dahil ito parin ang Mariel na masiyahin at mapagmahal na lubos niya hinangaan noon pa man sa dalaga. Gusto man niyang pag-usapan ang mga karanasan nito sa ibang bansa ngunit inililihis nito ng dalaga ang usapan.

Ano ba talaga ang nangyari sa kanya noong nawalay sila sa isa't isa?

Ano nga ba ang nangyari sa loob ng dalawang taon na magkahiwalay sila?

My Hubby is a Professor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon