CHAPTER TWENTY-FIVE
DATE CREATED:April 21, 2016
MARIEL’S POV
Mabilis na naisugod sa hospital si Jeff. Para akong unti-unting nauupos habang nakikita ko siya na nakapikit at walang malay.
"Ma’am dito nalang po kayo pwedeng maghintay sa pasyente. " Sabi ng nurse habang tinatanaw ko si Jeff. Nakayuko ako habang nagdarasal na sana maayos siya. Nagpaalam na din ang mga tumulong kay Jeff. Nagpasalamat ako sa kanila, Hindi ko alam ang gagawin kung wala si doon.
Lumabas ang doctor galling sa Emergency Room at lumapit sa akin. Tumayo naman ako at sinalubong siya. "Doc, Ano po lagay ng asawa ko? "
"Misis, Buti nalang po at nadala po agad ang asawa niyo. Stable na po siya. Ipapaayos ko lang ang kwarto niya para makita mo na siya. I’ll go ahead po" Ngumiti ako sa doctor at nagpasalamat. Thank you Lord at ayos siya.
Iniayos ko na ang mga kailangan niya at pati sa hospital nang makapasok ako sa kwarto niya. Buti na lamang ay hindi siya napuruhan baka kung nangyari iyon ay ako na ang pumatay sa sarili ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.
"I love you, Hubby. Wake up for me" Yumuko ako habang hawak hawak ang kamay niya. Nagising ako ng gumalaw ang kamay niya, biglang nagising ang diwa ko.
"Jeff?! " Tinawag ko siya pero unggol lang ang sagot niya. Unti-unting iminulat niya ang mata niya. Nginitian ko siya.
"Hi. Ano pakiramdam mo? Wait, I’ll call the doct--"
"Who are you? " Para akong nabato sa sinabi niya.
"Wag mo akong biruin ng ganyan, Jeff" Nagmadali akong pinindot ang button para pumunta ang doctor dito.
"Who the hell is joking? Where’s Aihara? "
Pumasok ang doctor at sinabi na nagkamalay na ang asawa ko. Sinabi ko din ang nangyayari ngayon.
"I think misis, He have selective amnesia. May natatandaan siya but sa sinasabi mo kanina is hindi ka kasama sa naalala niya. Maybe college days? Or mas matagal pa doon. "
"h-hindi po pwede iyon, Doc. Meron po bang gamut para mabalik po ang alaala niya? "
"Sorry po pero ang mismong pasyente ang mismong makakaalala noon. It depends on him kung kalian niya maaalala ang lahat. Pwedeng maalala niya pwedeng permanent nang hindi. All you can do is make him remember how you two met. How’s your marriage life parang ganoon pero huwag niyo naming biglain. " Nanlumo ako sa sinabi niya.
Bumalik na ako sa kwarto ni Jeff pagkatapos kausapin ang doctor. "What was the doctor said? Can I get out of here? " Isang cold na tao ang nasa harapan ko ngayon. Hindi siya yung Jeff na sobrang lambing magsalita pag ako ang kausap niya. Parang gustong kong maiyak sa tono ng salita niya.
"A-ah. Sabi niya bukas ka pa daw pwedeng i-discharge. Magpahinga ka muna daw ngayon. " Umupo na lang ako sa sofa at yumuko. Hindi ko mapigilang malungkot. Miss ko na agad ang Jeff na mabait, ang tawag sa akin…
"Wife. " Natingin ako sa kanya sabay tayo.
"Naalala mo na ako?! " Napangiti ako. Naalala niya na ako!
"No, Narinig ko kanina na sinabi ng doctor na Mrs. Costaniez. Sino pa ba ang babae dito at sino ba ang nagmamay-ari ng apilido iyon? " Inirapan niya ako at humiga.
Hindi ko nalang siya pinansin at umupo ulit. "Paano kita naging asawa? What I’ve remember was Aihara said she’s inlove with my bastard brother! Why did I end up with you? Tell me, Mrs. Costaniez"
BINABASA MO ANG
My Hubby is a Professor?!
ChickLitHighest Rank Achieved: #7 in ChickLit (What's Hot) "I want you, that's it! All your flaws, mistakes, smiles, giggles, jokes, sarcasm. Everything, I Just.Want.You."