MHP?! CHAPTER ELEVEN

9.3K 207 3
                                    

CHAPTER ELEVEN

DATE CREATED:November 7,2015

MARIEL'S POV

Hindi parin ako maka- get over sa ginawa sa akin ni Jeff? Bakit niya ako hinalikan ng basta basta? Saka ano yung bibilan niya ako ng garden?

"Why di--"

"Hindi ko alam. Kaya wag ka nang magtanong. Tara na, balik na tayo?" Kinuha niya ang kamay ko at ikinawit sa braso niya. Pagka-upo ko naririnig ko parin ang hiyawan at palakpakan.

Sa buong wedding program ay kay Kauru ako nakatingin. Siya din ay minsan nakatingin sa akin pero naaagaw ito ni Aihara na walang ginawa kundi ay bigyan ako ng mga nakamamatay na tingin. Nalibang naman ako sa program ng kasal namin kaya nabawas-bawasan ang kalungkutan ko.

Oras na para umalis kami para sa honeymoon namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhatin.

"Ay kabayo! Ano ba?! Hindi ka naman nagpapasabi!" Jusko akala ko aatakihin ako! Natawa naman si Jeff sa sinabi ko.

"Gwapo ko namang kabayo! Tara na, ngumiti ka sa kanila at kumaway para maka-alis na tayo." Bulong niya sa akin. Kaya pala niya ako binuhat may agenda. Hmmp!

Nakasakay na kami sa kotse nang mag reklamo siya "Ang bigat mo pala! Ano ba kinakain mo? Pagkain ng baboy?" Hinampas ko siya sa braso para tyansing narin. Ang tigas talaga ng biceps niya! Nako!

"Ang sama mo! Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa heaven na nag ngangalang, Sogo" Nanlaki ang mata ko at sinampal ko siya sa pingi.

"Aray! Sh*t..!" Hinimas-himas niya ang pisngi niya. Pumunta pa siya sa pinaka-gilid ng sasakyan. Nakita ko ding sobrang pula nito. "..Tang! Magkakapasa ako nito!"

Naguilty naman ako kaya lumapit ako sa kanya "Uy, Okay ka lang?.." Mas lumapit pa ako sa kanya para makita kung gaano ka pula. "Ikaw naman kasi eh! Sorry na--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng halikan na naman niya ako.

Sh*t! Bakit ba panay halik nito?! Itutulak ko sana siya ng ikulong niya sa pamamagitan ng paghawak niya sa bewang ko.

Nasilaw ako sa flash ng camera niya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Pagkatapos niyang makuhan ay binitawan na niya ako. "B-bakit mo?--"

"Nice shot haha. Feeling mo no? Alam kong papasundan tayo nila Mamita kaya ako na mismo ang magu-update sa kanya tungkol sa honeymoon natin" Kaya pala. Akala ko feel na feel niya ang labi ko eh. Pero God! He's a good kisser! Ang lambot pa ng labi niya! Tapos pag hinalikan ka niya parang hinihila niya ang kaluluwa mo. Ang sarap niyang...

"Hoy tulo laway kana diyan! Ini-imagine mo parin ba ang halik ko? Move on na!" Tumawa na naman siya. Hindi ko alam kung mahal niya ba talaga yung Aihara na iyon, Eh sa tawa niya ngayon ay parang walang heartbreak na pinag-daanan eh. Hindi ko na lang siya pinansin, lumayo ako sa kanya at umayos ng upo.

Siya naman ang nagpapansin ngayon. Kinalabit niya ang balikat ko. "Uy, Mariel? Sorry na, Ito naman pikon agad!.." Natatawa niyang sabi. Hindi ko parin siya pinansin. Kinalabit na naman niya ako "..Uy Mariel, Sa isang resort tayo pupunta. Two days and One night lang tayo kasi tapos na ang one week leave ko, ikaw sabi ko doon sa mga prof mo may sakit ka baka mag hinala iyon pag hindi ka pa pumasok ng lunes. Bati na tayo" Hindi ko parin siya pinansin. Pagod ako huwag siyang epal.

"I'll kiss you again pag hindi mo ako pinansin!" Doon niya lang nakuha ang atensyon ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nako, Mapapatay kita Jeffrey pag hinalikan mo na naman ako! Sige na, bati na kung bati! Lumayo ka! Doon!" Hindi parin maalis sa mukha niya ang ngiting tagumpay niya habang lumalayo sa akin.

My Hubby is a Professor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon