CHAPTER THIRTY-TWO
DATE CREATED: June 4, 2016
MARIEL'S POV
"Oh paano? Uwi na tayo? Magsasara na sila at lahat naman nasakyan natin. " Sabi ko kay Kauru na halatang nag-enjoy sa mga sinakyan namin rides. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay narealized nalang namin na tanggapin nalang ang nakaraan at magpatuloy sa kasalukuyan. Kaya sabi niya pumunta nalang kami sa lala land para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
"Yep, Uwi na tayo. Alam ko pagod kana at paos sa kakasigaw. Haha. Halos mamutla ka kanina sa Rollercoaster! " Napahawak pa siya sa kanyang tyan habang tawa ng tawa. Hinampas ko nalang siya sa balikat.
"Tigilan mo ako, Kauru. Umuwi na tayo! Alas dyes na oh? " Gusto ko na din kasing matuloh dahil sa totoo lang masakit na katawan ko sa kasasakay kanina. Kung hindi ko lang nga nakitang sobrang saya si Kauru baka hindi na ako sumama at pumayag sa gusto niya.
"Fine.. " Inakbayan niya ako habang papalabas kami ng Lala land. ".. I miss this. Sa Japan ang daming ganto, mas maganda pa nga pero ni minsan hindi ko nagawang magsaya doon" Bigla niyang sabi habang naglalakad kami.
"Kaya bumawi ka ngayon. Okay? Bukas saan mo gusto? "
"Really? Bukas? " Parang hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Oo, kaya wag kanang makulit at pagplanuhan natin mamaya sa bahay. "
Kakauwi lang namin sa bahay ng bigla kaming salubungin ni Inang Belen. Ang pinaka head sa mga katulong nila Ma'am Ana "Nako Mariel.." Sabi niya sa akin.
"Bakit po Inang? May nangyari ba? "
"Eh kasi si Jeffrey kanina pa tumatawag dito sa bahay? Nasaan ba naman kasi ang cellphone mong bata ka?" Sermon niya sa akin.
"Bakit daw po? Nalowbat po kasi ako. "
Iniisip ko kung bakit ganoon nalang makasermon si Inang at bakit hinahanap ako ni Jeff. May lumapit na naman sa aming katulong "Inang Belen, Ito na naman si Sir! Hinahanap na naman si—Oh Ma'am Mariel?! Sir! Ito na po si Ma'am!" Mabilis na ipinasa sa akin ng katulong ang telepono. Si Kauru naman ay tahimik lang na parang nagmamasid lang sa mga susunod na mangyayare.
"Hello Jeff? Bak--"
[Anong bakit? Where's your goddamn phone?! Bakit ngayon kalang umuwi?!] Sigaw niya sabi sa akin.
Hindi naman ako hibang para sabihin na kasama ko si Kauru kanina. "Kasama ko sila Linnette. Nalowbat kasi cellphone ko. Pasesnsya na." Pagdadahilan ko.
[Diba may pinag-usapan tayo? 8 PM, Magfa-facetime tayo? Nakalimutan mo?] Napa-tampal ako sa aking noo. Shoot! Nakalimutan ko!
"Sorry talaga, Eto na aakyat na ako ng kwarto. Okay? "
[In 5 minutes dapat naka-online kana. My time is very important!] Ibinaba niya ang tawag. Nakaka-inis na talaga siya! Palaging mainit ulo niya at ako naman ang lucky winner na napagbubuntunan niya.
"Sige na, Kauru pumasok kana sa kwarto mo. Ako din, Kakausapin ko lang Kuya mo."
"Yeah. My Jealous f ucking brother. Tomorrow ah? You've promise?" Nagpa-awa pa ang mata ni Kauru kaya natawa nalang ako.
BINABASA MO ANG
My Hubby is a Professor?!
ChickLitHighest Rank Achieved: #7 in ChickLit (What's Hot) "I want you, that's it! All your flaws, mistakes, smiles, giggles, jokes, sarcasm. Everything, I Just.Want.You."