MHP?! CHAPTER FORTY

5.4K 120 7
                                    

CHAPTER FORTY

DATE CREATED: JULY 02, 2016

MARIEL'S POV

"Anong oras para malaman ko? " Tiningnan ko ulit ang larawan. Isang larawan ng mag-ama na masaya at naka-karga ang batang babae. Hindi maari..

"You're a Villafuerte. You are Richard Villafuerte's long lost daughter." Saad sa akin ni Kauru.

Napigil ang hininga niya. Totoo ba ang nangyayari sa buhay niya? "B-bakit mo alam? Bakit mo alam na hindi ako anak nila Inay? "

"Kasi nakita ko ang larawan na iyan sa bahay ni Richard Villafuerte, kasosyo namin sa Japan. We had dinner meeting in their house. Noong una akala ko kamukha mo lang, pero hindi dahil nawawala raw ang anak nila. Sinabi ko sa kanila na kamukha mo ang bata. Your mother, Emelda Villafuerte started to cry nang sabihin ko na ganoon nga. Sabi niya dalin ko ang anak nila sa Japan. Isa rin ito sa dahilan kaya nakauwi ako, walang magagawa ang papa dahil request iyon ng kumpare niya..." Tiningnan niya ako na puno ng pag-aalala.  "... Okay ka lang? " Untag niya.

Humagulgol ako at niyakap siya "Sa wakas may nakaka-intindi na sa akin. Kauru, ang sakit! Alam mo ba hindi nila sinabi sa akin! Kung hindi ko pa sila narinig na nag aaway malamang ay niloloko parin nila ako. " Naramdaman kong niyakap din niya ako.

"Hush, sige lang Mariel. Iiyak mo lang. I'm here, we're here, kami ni Ara. " Ayoko sa lahat ang inaalo ako. Kasi feeling ko ang hina ko pero sa panahon na ito kailangan ko. Hinang-hina na ako.

"Lahat sila niloko ako. Trip nilang gawin akong tanga palagi! Nagtiwala ako pero wala, niloko rin nila ako. "

"Hindi naman kasi ganoon Mariel, meron lang talagang mga bagay na kailangan mong magsinungaling para hindi masaktan ang taong mahal natin. It's called white lies. Makakaya mo 'yan Mariel. " Buti nalang at nandyan si Kauru. Baka kung walang Kauri na nasa tabi ko ngayon baka nasa mental na ako. Hulog talaga ng langit siya sa akin.

"Kahit na, pagsisinungaling pa rin iyon. Mas nasaktan pa nga ako eh. Karapatan kong malaman iyon kasi involved ako doon. Akala ko nga hindi ako lolokohin ni Jeff kasi s-sinabi niyang m-magpakasal kami ulit pero nakita ko kahalikan niya ang Cammille na iyon! Dapat pa ba akong magtiwala sa tao? "

"Then come with us, sa Japan. You're parents are waiting there. Pero once na pumunta ka doon, there's no turning back. Iiwan mo ang kapatid ko at ang buhay mo dito. Ang tanong ko, makakaya mo bang makita ang kuya ko na may pamilya na at hindi ikaw ang asawa niya? Makakaya mo bang hiwalayan si Kuya? "

"No! " Mas nauna pang sumagot ang puso ko kesa sa utak ko. Hindi ko maimagine na may sarili na siyang pamilya at hindi ako kasama doon. Tumawa naman siya ng mahina.

"I know, hindi natin alam ang nangyari bago ka pumasok doon. Don't blame it all to my brother. All you need is to hear my brother's explanation pagkatapos mong pakinggan ang sasabihin niya doon mo isipin kung sasama ka sa Japan o hindi. Ayokong magsisi ka dahil sa padalosdalos na desisyon."

"Paano pag nagsisinungaling siya? "

"Then you are welcome na sumama sa Japan. Kalimutan ang lahat. Hindi kita pipilitin sa magulang mo. Pero kay Kuya, alam ko may explanation siya doon. " Bumuntong hininga ako, tama siya. Hindi habangbuhay na makakapagtago ako kay Jeff.

Pagkatapos ng masinsinan naming pag-uusap ay nagpa-alam muna siyang magpapahinga. Pumasok na rin ako sa aking kwarto at nag dial sa telepono.

[Wife? Is that you?..] Bakas sa boses nito ang pangungulila. Ako rin Jeff miss na kita pero hindi ko lang matanggap na nagawa mong mangaliwa habang nasa ibang lugar ako. [..I’m sorry. Please, come back to me. I promise, I’ll make it up to you.] Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita.

My Hubby is a Professor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon