MHP?! CHAPTER FIFTY-ONE

5.5K 130 36
                                    

CHAPTER FIFTY-ONE

DATE CREATED: August 14, 2016

Hello, salamat sa mga nagcomment na na fe-feel din nila ang feels ko sa programming at sumusupport sa akin.

MARIEL’S POV

“What?! No,no, Jeff! Wala kang karapatan na manduhan ako sa mga bagay lalo na sa anak ko!” Sinundan ko siya ng iniwanan niya ako sa kusina. Patuloy pa din siya sa paglalakad habang nakaderetso ng tingin.

“Anak natin, Mariel. May kaparatan ako sa kanila! Kaya kung ayaw mo, ikaw lang ang babalik sa Japan. Pero ang mga bata? Malabo, malabong kagaya mo.”

Pumasok siya sa kwarto niya na dati naming kwarto, sinundan ko siya. Hindi matatapos ang pag-uusap na ito na hindi ako nanalo. “Oo, may karapatan ka. Tanggap ko na, pero nasa Japan ang buhay nila! Nandoon ang buhay namin, pinapayagan naman kitang makita sila at kilalanin ka nila na ama kahit bukas pa, aaminin ko sa kanila na ikaw ang ama nila. Pero walang hantungan sa paglipat! I will not allowed that!” Hindi ko pa o siya sinasabi sa kambal kung bakit sila kinuha ni Jeff kanina. Ang alam lang nila ay gusto lang silang ipasyal ng tito nila.

“Six years, Mariel? Ine-expect mo na pakikinggan pa kita? Lagi nalang ba ako ang iintindi? I don’t need you kung ayaw mong lumipat, kaya lang naman kita iisama ay para hindi maguluhan ang bata sa pagbabago ng paligid nila pero maybe one year, ipakilala ko si Cammille. As my wife, siguro naman matatanggap nila si Cammille.” Naiinis na ako sa sinasabi niya na parang plinano na niya ang lahat ng mangyayari sa buhay ng kambal, at plano talaga niya akong palitan?

“I will not allow that! Ibabalik pa ba natin ang nakaraan? Sige kung ‘yan ang gusto mo, Six years ago, busy ka sa negosyo nila Mama Ana, palagi kang wala sa bahay, inintindi kita. Noong nagsinungaling ka sa akin kung nasaan ka, inintindi kita. Yung magkaroon ka ng anak kay Cammille, inintindi kita. Sabi ko pa sa kanya na kaya natin buhayin ang bata. Pero ang hindi ko matanggap? Yung hindi totoo ang kasal natin,..” Parang bumalik na naman sa akin ang mga panahon na unti-unti kong nalalaman ang lahat.

May tumulong butil ng luha sa mata ko habang nakatingin sa kanya, nakita kong lumambot ang mukha niya. lalapitan niya sana ako pero lumayo ako. Ako na nga nagpunas nito. “..Yung niloko mo ako sa aspeto na iyon? Yun ang hindi ko maintindihan, gusto kitang intindihin din doon pero..” Kinagat ko ang ipang-ibabang labi ko masyado pa palang masakit, parang kahapon lang ang ang nararamdaman ko. “..Yung lokohin mo ako patalikod, ang sakit noon! Yung magkaroon ka ng anak habang nagsasama pa tayo? At hindi pa pala tayo kasal. Para mo nang pinatay ang anak natin. Binigo mo sila, kaya may karapatan ka pa ba sa kanila?”

“Teka, anong anak?..” Mabilis siyang lumapit sa akin, hindi ko na napigilan at nayakap niya ako ng mahigpit. Nagpumiglas ako sa yakap niya pero para itong bakal na ayaw ng maalis sa akin.

May kumatok sa pintuan. “Sir, nandito daw po ang kapatid niyo. Kauru at Aihara ang pangalan.” Nakita ko ang pagtataka niya kung bakit nandito ang dalawa.

Lumawag din ang yakap niya, kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makawala sa kanya at nagtagumpay naman ako. “Tandaan mo ‘to Jeff, May lamat na ang pagsasama natin. ‘wag na nating balikan ang nakaraan. Masaya kana sa piling ni Cammille at ng anak niyo, ako naman sa piling ng anak natin. Kaya please, ibigay mo na sila sa akin.” Iniayos ko ang damit ko at pinunsan ang luha ko pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

My Hubby is a Professor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon