MHP?! CHAPTER EIGHT

9.2K 185 2
                                    

CHAPTER EIGHT

DATE CREATED :October 19, 2015

THIRD PERSON'S POV

Nagkalat ang mga damit ni Jeff sa kwarto niya. Hindi niya alam ang kanyang isusuot dahil ngayon ang araw na hihingin niya ang kamay ni Aihara para magpakasal. Ilang beses na din siya panay wisik ng pabango sa buo niyang katawan. Habang abala siya sa pagpili ay may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.

"Come in!" Sabi niya. Pumasok ang kanyang ina na si Anna. Nilibot ng ina ang tingin niya sa kwarto  ng anak at nakita niya ang mga nagkalat ng mga damit.

"At saan ka naman pupunta at parang gayak na gayak ka?" Tanong ng kanyang ina.

"Ah..Eh.. Sa kasal ng ka faculty ko,Ma. Alam mo na dapat medyo formal." Palusot niya. Nag usap na kasi sila tungkol kay Aihara na lulubayan na niya ito hanggang matapos ang pagpapanggap nila ni Mariel. Kaya hindi alam ng kanyang ina ang plano niya. Siguro pag papayag na ang kanyang ina  sa gusto niya pag napapayag niya ang dalaga na magpakasal sa kanya.

"Ah Jeff, Dapat inaasikaso niyo dapat ang kasal niyo. Si Mariel dapat comfortable na sayo. Syempre baka mahalata ni Mamita mo na fix marriage lang kasal niyo." Paalala ng ina sa kanya.

"Sige Po Ma, Pagkatapos ng pupuntahan ko. Ako mismo mag-aayos ng kasal namin." Sa isip ng binata ay hindi naman si Mariel ang kanyang bride kundi si Aihara.

"Okay, I have to go son. May inaasikaso pa ako. Ingat!" Hinalikan siya ng ina bago ito umalis. Bumalik na naman siya sa pagpili ng damit. Nang may kumatok na naman sa pintuan niya. Pumasok ito.

"Jeff, Sama na kasi ako? Hindi naman ako magpapakita eh! Please gusto ko lang siya makita!" Hindi kasi niya hinayaang sumama ito sa kanya. Bukod sa baka makaistorbo ito sa gagawin niyang proposal ay baka magkagulo dahil...

"Hoy! Ano tulaley ka diyan? Do you find me attractive?" Nag pose na mapang akit si Mariel sa harap ni Jeff. Natawa naman ang binata sa inasal ng dalaga.

"Aba, Bakit ka tumatawa?"

"Mukha ka kasing baliw! Basta hindi pwede sumama!" Bumalik na sa pagpili ang binata.

"But--"

"No buts Mariel! This is my proposal and I want it to be special! Na kami lang dalawa. Please Mariel, Not now." Nahinto naman ang dalaga sa pagkulit niya. Naunawaan niya ang gusto ng binata kaya umalis na siya sa kwarto nito

KAURU'S POV

Pang-ilan ko na ba itong bote, Pero hindi ko parin makalimutan ang nagawa ko kay Mariel? Pag naaalala ko ang mga luha na pumatak galing kay Mariel gusto ko ng basagin ang mukha ko! Nakaka-gago! Bakit mo nagawa sa kanya iyon? Bakit hindi ko sinabi? Natigil lang ako sa pa-iisip ng may humawak sa braso ko. Hindi ko na tiningnan ang humawak  sa akin dahil sa pabango pa lang niya alam kong siya na iyon.

"Aru, ano ba? Ayaw mo bang umuwi na? it's already two in the morning na!" Hindi ko na siya pinansin  at uminom ako ulit. Bakit ba ayaw ako tigilan ng babaeng ito?! Patuloy lang ako sa pagsalin ng alak sa kopita ko ng agawin niya ang bote ko. Tinapon ko ang kopita sa sahig na dahilan upang magkalat ang bubog sa sahig napatingin din ang ibang tao.

"Aru, Why di--"

"Don't call me Aru! I'm not your Aru anymore! Ilang beses ko bang sinabi sayo na hindi kita mahal?! Nagmu-mukha ka nang tanga!" Kahit gusto kong bawiin iyon pero hindi ko na nagawa dahil parang nawala bigla ang dila ko. Narinig kong humihikbi siya.

"I'm Sorry Aihara." Nilapitan ko siya pero humakbang siya papalayo sa akin.

"NO ARU! Or should I say Kauru? Don't say sorry to me! You will be sorry sa ginawa mo sa kin! I'm not giving up on us.." Kinuha na ang pouch niya sa table at umalis pero huminto siya at tumingin uli sa kin at ngumisi sa akin. "..Oh by the way! We're getting married! Hiwalayan mo na siya o gusto mo ako pa ang magsabi? Haha!" Ano? Kami? Ikakasal? No way! Hindi na ako mako-control ni Papa!

My Hubby is a Professor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon