CHAPTER THIRTY-THREE
DATE CREATED: June 7, 2016
MARIEL’S POV
“Try this, Wife. Best seller nila yan” Pinaglagay na naman ako ni Jeff ng pagkain sa plato ko. Halos mapuno nga ang plato ko sa kalalagay niya.
“Jeff, Tama na. Baka hindi ko na ito maubos. Ikaw naman kumain ngayon”
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. “ Bumabawi lang ako sa asawa ko. Ano masama doon?”
“Pero kumain ka rin. Sige na, Kain na.” Sa huli ay sumuko siya at kumain na.
“Kamusta Korea? Tapos na ba yung ginagawa mo doon?” Pagsisimula ko.
“M-malapit na pero babalik pa ako doon para tapusin ang dapat tapusin” Hindi siya makatingin sa akin na parang may tinatago siya. Siguro baka may iniisip lang.
“Bilisan mo na kumain para makapunta na tayo.” Pag iiba niya ng topic.
“Saan?”
Tumawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ko. “Secret, Later you will know.”
----
Buong byahe ay naka piring ang mata ko. Hindi ko alam kung saan ba ako dadalin ni Jeff. Ang dami kong gusto itanong sa kanya pero hindi ako maka-bwelo. Basta hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko na kaklaro ang lahat.
Naramdaman kong huminto ang sasakyan namin. Narinig kong tumunog ang pintuan ng kotse niya, makalipas ng ilang saglit ay may humawak sa kamay ko.
“Careful, Hawakan mo lang kamay ko.” Sabi ni Jeff. Tumango lang ako at sumunod kung saan niya hinihila ang kamay ko.
Tumigil siya at bintiwan ang kamay ko. “Ready?”
“Ay hindi pa. Kanina pa ako nakapiring.” Pamimilosopo ko. Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa labi ko.
“Pilosopo. Parusa mo yun. Tatanggalin ko na ah?” Nang matanggal na niya ang takip sa akin mata ay nanlaki ang mata ko.
“Ang ganda naman niyan! Teka nasaan ba tayo?” Nasa harapan kami ng isang maliit na simbahan pero hindi naman ito pahuhuli sa ganda. Ang mga puno at halaman ay mas nakakadagdag ng ganda dito.
“Kaya nga kita dinala dito eh. Ayokong sabihin kung nasaan tayo. ” Iniwan niya ako at umupo doon sa ilalim ng puno.
“Bakit naman? Damot naman nito. Sige na, Share naman!”
“Nope, Hindi pwede baka dalin mo dito si Kauru. Sa atin lang itong lugar na ito ”
“Paano mo naman nasabi na dadalin ko siya dito?”
“Because I know, Trust me alam ko lahat ng ginagawa mo.”
Napatingin ako sa kanya “Yeah, Alam ko lahat, Wife. Alam ko ang mga ginagawa mo sa mga panahon na wala ako.”
Edi ibig sabihin alam niya yung mga pinag-gagawa namin? “J-jeff…”
“Aamin ko, noong una nagalit ako kasi niloloko niyo ako patalikod. Gusto kong bumalik dito sa pilipinas at patayin ang kapatid ko...” Hindi ako makatingin sa kanya kasi alam ko naman na totoo iyon. Na pinagtataksilan ko siya sa likod niya. “… Pero narealized ko na ako pala ang unang nanloko patalikod. Na inaagaw ko ang taong mahal ng kapatid ko, hindi lang mahal ng kapatid ko kundi nagmamahalan silang dalawa. ” Narinig kong tumawa siya, yung pilit na tawa.
BINABASA MO ANG
My Hubby is a Professor?!
ChickLitHighest Rank Achieved: #7 in ChickLit (What's Hot) "I want you, that's it! All your flaws, mistakes, smiles, giggles, jokes, sarcasm. Everything, I Just.Want.You."