MHP?! CHAPTER TWENTY-ONE

8.1K 171 4
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

DATE CREATED:March 27, 2016

MARIEL'S POV

Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Gawain ko na sa umaga kapag nagigising ako ay titiningnan ko ang katabi kong matulog kaya mula sa pagkakatalikod ko ng higa ay humarap ako pero wala akong nakitang tao na natutulog na parang anghel kung matulog Ngayon ko lang napansin na nasa iba akong kwarto at hindi pala namin kwarto ito ni Jeff. Nagbabadyang umagos na naman ang aking luha. Nasanay na kasi ako na kapag ako ang unang nagigising ay pinagmamasadan ko ang mukha niya habang natutulog. Mapayapa at mala anghel ang mukha niya na kabaligtaran kapag gising siya. Pinunasan ko agad ang mata ko ng marinig kong magbukas ang pintuan ng kwarto.

"Uy Mariel, Tama na drama dyan. Hindi ka magiging artista. Tara na kain na tayo breakfast" Sabi ko ay susunod ako dahil mag-aayos muna ako ng sarili bago kumain. Naghilamos at nag-ayos muna ako sa katawan bago bumaba.

Habang papunta ako ay naririnig ko na ang mga ingay sa kusina. Pamilyar sa akin ang boses nito kaya tumakbo ako papunta doon "Why are you here?" Tanong ko.

"Bakit bahay mo to? Syempre nalaman naming nandito ka at overnight pa ah. Kaya kami sumugod! Hindi man lang kayo nang-aya! Tampo na ako!" Sabi ni Lyre habang kumakain.

"Yeah right! Gusto ko pa naman umalis kahapon. Bakit ka ba kasi dito natulog?" Sabay subo ni Lyra ng hotdog.

Wala silang alam tungkol sa pagsasama namin ni Jeff. Mas mabuti na konti lang ang may alam. Kaya pinili ko na si Linette nalang ang pagsabihan dahil alam kong uunawain niya ako at malaman niya din ang tunay na nangyari sa amin ni Kauru.

Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko, sabihin ko na ba ang totoo? Nang akmang magsasalita ako ay inakbayan ako ni Linette at medyo kinurot ang balikat na para ba niyang sinasabi na 'sumakay ka nalang' "Kasi kinulit ko siya dito matulog. Saka gusto ko muna masolo itong new friend natin eh kayo ilang beses na tayo nagsleep over aber? Pag bigyan niyo na kami! Don't worry next time tayo ng lahat at sa rest house pa namin sa Tagaytay." Sa huli ay sumuko na lang din ang kambal

"Ay oo nga pala mga best! Kakapost lang doon sa FB page natin ang papasok nalang sa Monday ay yung hindi pa nakakapagpasa ng project. Buti nalang nakapagpasa na ako." Sabi ni Lyre.

"Me too!" Sabi ni Lyra

"Me three!" Sabi ni Linette

Hindi ako makapagsalita ng 'Me four' dahil hindi pa ako nakakagawa ng project. Shizz naman eh! Research lang naman iyon pero hindi ko parin nagawa. Hay nako, Mariel! Lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang sinusuri ako. Nang hindi ako magsalita ay napa 'Ugh' nalang sila.

My Hubby is a Professor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon