Prologue (On Going)

3.2K 46 21
                                    

           Sa totoo lang, di ko talaga alam kung paano 'to uumpisahan. Ayoko mang magmukhang ewan tong gagawin ko pero mukhang doon din 'to mauuwi.

           Nag-eexpect ka ba ng mala-Shakespear na tagalog version? Oh di kaya naman eh kasing astig ng love story ng isang bampira at ng girlfriend niyang tatlong beses lang yata ngumiti sa buong buhay niya?

           Kung 'yun ang iniisip mo, appear naman jan… kaso mali ka.

           Ito ay kwento lamang ng isang lalaking di ko alam kung madalas lang talagang mapagtripan ng panahon o sadyang pinanganak na talaga siya para maging tanga. Na sa di inaasahang lugar, pangyayari at panahon ay mare-realize niya na, “BUTI NA LANG TANGA AKO”.

           Sa kwentong ito eh ipagapapalagay ko na lang na ako ang bida; na madalas mang magpatawa, matawa at mapagtawanan ay sa di inaasahang pangyayari ay daratnan din pala ng lambing ng panahon at maranasang mamula ang pisngi, ngumiti na abot sa anit at kiligin, ang lambing ng panahon kung saan ay matututong ngumiti mag-isa, matututong mag-alaga, matututong mag-alala at matututong magmahal.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon