Chapter 13

256 7 3
                                    

Chapter 13

Fun Run? Pwede Na Rin!

   Habang nag-jojogging papunta sa school ay kinausap ko si Maxine para di naman masyado boring pero hindi ako nakatingin sa kanya bukod sa baka sabihin nanaman niya na tinititigan ko siya eh baka mabunggo nanaman ako sa poste, madilim pa naman, alam mo naman, tanga ako.

“Maxine, sorry nung sa isang araw ah! Napagkalaman ko na yaya mo 'yung mama mo, sorry ah pero alam mo kasi ang layo ng itsura niyo eh wag kang magagalit pero 'yun kasi yung totoo eh…”

Tinignan ko siya pero di siya nakatingin sakin, pero inisip ko na lang na baka nakikinig lang siya sa akin kayapinagpatuloy ko ang sinasabi ko…

“Nga pala buti na lang di ka nagkasakit! Napagalitan k aba kagabi? Uhhm, Max may sasabihin kasi ako sa'yo eh, alam mo nung unang araw pa lang kita nakita eh nagkagusto na ako agad sa'yo pero inisip ko na lang na baka nadala lang ako sa kagandahan mo kaya di ko agad nasabi sayo, isa pa kakakilala lang natin, pero ngayon masasabi ko na talaga, gusto kita, kinikilig ako everytime na makita kita o kahit tuwing magkita manlang tayo, di mo alam kung gaano ako kasaya pag nakikita kita kaya nga laging kong hinihiling na sana lagi na lang kitang kasama para lagi akong masaya at mapasaya din kita at maprotektahan kung guluhin ka man ni PJ, Maxine muli kong sasabihin, may gusto ako sa'yo at parang mahal na kita, mahal na kita higit pa sa sarili ko, ikaw may nararamdaman ka ba para sa akin?”

Tumingin ako sa kanya na para bang nag-aasam ako ng magandang sagot nang biglang narinig ko siyang kumanta ng “Call Me Maybe” at nagtaka ako bigla ng may nakita akong naka-pasak sa tenga niya na wire hanggang napagtanto ko na ito ay headset pala.

           Gaya nga ng sinabi ko kanina ay hindi ko nililingat ang mata sa daan dahil baka mabangga ako pero dahil tumingin k okay Maxine ay hindi ko napansin na may papalapit pala sa akin na poste at ng pag-harap ko ay sakto na nabangga ako. Habang si Maxine ay tuloy-tuloy pa din sa pag-jogging.

“Hoy! Tulungan mo ako!” sumigaw ako pero hindi niya ata ako narinig.

“TULOOOOOOONG!” sigaw ko na inilabas ko halos lahat ng lakas ko. Tinanggal niya ang headset niya at tumingin siya sa kaliwa, kanan at sa likod.

“Anong ginagawa mo jan?” sabay takbo siya papalapit sa akin.

“Kanina pa kita tinatawag at kinakausap eh.”

“Huh? Anong sabi mo? Sorry naka headphones ako eh.”

“%$! “’! Sabi na nga ba eh! Hindi niya ako naririnig eh!

 “Wala ka talagang narinig?” tanong ko sa kanya habang inaalalayan niya akong tumayo.

“Wala nga eh, ano ba yung sinabi mo?”

“Wala talaga kahit konti?”

“Ay oo meron!” napangiti ako ng onti.

“Ano?”

“Yung sumigaw ka ng tulong”

Sa dami ng maririnig yun pa?!

“Hindi yun!”

“Eh ano ba kasi yung sinabi mo sa akin?”

Siguro ay dulot na din ng ka-bwisitan at init ng ulo ay nabigla ako at sinabi ko ang dapat niyang marinig.

“ANG SABI KO GUSTO KITA! ANG SABI KO PARANG MAHAL NA ATA KITA!” bago pa man siya makahirit ay hindi ko sinasadyang hinalikan ko siya at nagulat siya. Itinulak niya ako tumakbo bigla.

“Max! Sorry!” sigaw ko sa kanya.

Pero hindi niya ako pinansin at dumerederetso siya hanggang sa mismong funrun.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon