Chapter 17

194 5 1
                                    

Chapter 17

Meeting Perfecto and Imelda

Lahat na ginawa ko! Lahat na! Ano pa bang kailangan kong gawin? Pagod na pagod na ako! Hindi ko na kaya! Sinampal ko na sarili, inuntog ko na 'tong ulo ko sa poste! Ano pa ba?!

Akala mo naman kung anong pinagdadrama ko? Hindi lang ako makatulog!

Kahit anong gawin ko eh hindi na ako.

Napa-tingin ako sa relo ko at mag-aalas singko na ng umaga at wala pa din ako kahit ni isang minuto na tulog. Nakatunganga na lang ako sa may kalsada at nagwi-wish na sana ay makatulog na ako kahit saglit lang, kahit na anong paraan basta lang maka-tulog ako!

Maya-maya ay nagulat ako at nakita ko ang truck ng basura na mejo napaaga yata ang pangongolekta ng basura. At mukhang pinandigan nga yung dasal ko ng todo na “kahit sa anong paraan basta lang maka-tulog ako”

Sa lahat ng posibleng mangyari eh ba't eto pa? pumarada sa mismong harapan ko yung truck na talaga uma-alingasaw na na yung baho.

Nanununtok ng ilong yung amoy at tumatambay pa sa tutchang ko! Ngayon naman, kahit anong takip ko sa ilong ko eh naamoy ko pa din, pinasakan ko na ng maliit ng bato yung ilong ko pero mabaho pa din talaga! Hanggang napagisip-isip ko na ito na yung pagkakataon para maka-tulog ako, tinanggal ko ang nakatakip sa ilong ko at nagpaka-adik ako sa amoy ng truck ng basura at sininghot lahat ng kaya kong singhutin, di ko namalayan na pinagtitinginan na pala ako ng mga basurero at para bang nawi-wirdohan sila sa akin hanggang may nagsalita na isa.

“Boy katol na lang! Wag na 'to!” at sabay-sabay silang nagtawan pero hindi ko nalang pinansin.

Maya-maya ay nakaramdam na ako ng hilo at bigla na lang akong naka-tulog.

Nanaginip ako na nasa isang wirdong lugar ako, may mga puno na nasa ugat yung dahon, kapag umutot ka daw eh glow in the dark yung utot mo. Nakita ko daw si Maxine doon na naka-gown na pula tapos hinabol ko daw siya, bigla siya nawala tapos nakakita daw ako ng bahay na sobrang laki na halos kasing laki ko lang daw yung doorknob na naka lagay sa may ilalim nung pinto, binuksan ko daw 'yun tapos bangin daw pala yung loob nun at nahulog ako, naramdaman ko na nagpupumiglas daw ako hanggang nagising ako at napamura.

“#%&” %&!”

Tapos may biglang nagtilian yung mga babaeng nakapalibot sa akin.

“Ginulat mo kami!” sabi nung isa.

“S-sorry, binangungot ako eh!”

“Diba siya 'yung Jek-jek?” tanong niya sa isa niyang kasama.

“Ewan ko! Tanungin mo!” sabi naman nung isa.

“Kuya ikaw ba 'yung Jek-jek?”

“O-opo! Bakit?”

At sabay-sabay silang nag-tilian.

Grabe! Ang dinasal ko lang eh makatulog ako, pero wala akong sinabing bigyan din ako ng alarm clock!

Napa-takip na lang ako ng tenga at tumayo ako hanggang nagsalita ang isa sa kanila.

“Oh my God kuya! Super kilig kami sa inyo kagabi?!” at sabay sabay kinilig.

“Huh? Kagabi? Teka paano niyo ba ako nakilala?”

“Ano ka ba kuya! Kagabi diba kinantahan niyo sila JC and si Maxine nung kasama mo! And it is super kilig to the level 99999!” at patuloy pa din silang kinikilig.

Pagtingin ko sa relo ko ay 6: 25 pa lang ng umaga. Hanggang ngayon ko lang napagtanto na girl scout sila pero tinanong ko pa rin sila.

“G-girl Scouts kayo?”

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon