Chapter 18

183 6 3
                                    

Chapter 18

Bastos daw?

Naupo ako na ako para sa almusal habang si Maxene at yung mga mga magulang niya eh nasa kusina at parang may pinaguusapan sila pero hindi ko maintindihan kung ano 'yun, kasi may part na mahina yung boses nila tapos biglang sisigaw, pero wala na akong paki doon, basta ang alam ko, nagugugtom na ako.
Ilang saglit lang eh lumabas na sila Maxine sa kusina, na para bang kinakabahan pero hindi ko nalang din pinansin, may dalang plato yung mommy niya na may lamang hotdog at itlog, 'yung maskulado naman niyang daddy ay may dalan kanin at juice.

Naupo sa tabi ko si Maxine habang yung mga magulang naman niya ay nakatayo pa din.

“Ah, baka gusto niyo pong maupo, gutom na po kasi ako eh” sabi ko sa mga magulang ni Maxine.

Nanlaki ang mga mata ni Mr. Perfecto sa sinabi ko at ipanalagay niya ang bitbit niya sa lamesa na para bang galit siya at napatingin na lang sa akin si Maxine na para bang nangangamba.

“Maxine! Stand! Sit on the other side of the table!” sigaw ng daddy niya at agad naman siyang sumunod.

“Ayaw niyo po ba talagang umupo? Kasi nagugutom na talaga ako eh!” nanlaki ang mga mata ng ni Mr. Perfecto at nagtinginan silang dalawa ni Mrs. Imelda.
Naupo silang dalawa at tumingin ako kay Maxine at nawiwirdohan ako sa mukha niya.

“Yun! Maka- -“

“Don't you have manners?” sabi sa akin ng tatay niya.

Kinalabit ko si Maxine at pabulong ko siyang tinanong, “Ano yung manners?”
Asal!” sagot naman niya.

“Ah, me- -“

Bago ko pa man ituloy ang sasabhin ko ay biglang nag-salita si Mr. Perfecto.

“No, we will talk in English!”

“Dad, no!”

“Why?” tanong niya kay Maxine. “What are saying again?” tanong naman niya sa akin.

“ah, mer- -“ ay English nga pala, “Yes, myself is have mannering, but only small.”

“What?” tanong sa akin ni Mr. Perfecto na para bang naguluhan siya sa sinabi ko.

“You is not understanded what me is saiding?”

Parang bang pinipilit niyang intindihin ang sinabi ko at…

“O-okay, BUT before we eat, let's pray first, in the name of the father and the son and the holy spirit amen.”

Nagsimula ng mag-dasal at naki-sign of the cross na lang ako at dahil English yung dasal nila eh hindi ko maintindihan kaya nakatitig na lang ako sa pagkain hanggang matapos silang magdasal,.

Naglalaway na ako kaya agad kong dinakma ang hotdog pagkatapos na pagkatapos nilang magdasal.

Pero bago ko pa man malantakan eh pinalo ng tatay niyang maskulado ang kamay ko at pinagalitan ako.

“Don't you really have manners?”

“Why are you again and again? I is said already that myself is having a mannering but only small. Why so palo-palo my hand? It's ouching!” sabay hawak sa kamay kon namula dahil sa palo ni Mr. Perfecto.

Nagsimula na nga kaming kumain pero sila na ang unang kumuha at ang kinain ko na lang ay 'yung tira nila, para tuloy ako pulubi. Pero pwede na din!

At habang kumakain kami ay nakitingin na lang sa akin si Maxine pati ang mommy niya at biglang kinausap ng daddy niya si Maxine.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon