Chapter 8

259 7 1
                                    

Chapter 8

Halloween Money, Boom!

“Ma! Ma!” sigaw ko mula sa tapat ng bahay namin.

Ilang segundo lang ay lumabas na ang nanay ko at siyempre na-shockness siya sa nangyari sakin.

“Ma! Patulong!”

“Jusko! Ilang santo ba ang dapat kong tawagin! Anong nangyari sa'yo?”

Bigla kong naalala ang nangyari sa aming dalawa ni Maxine kanina at pakiramdam ko ay mas lutang pa ako sa mga nakarugby at naka-singhot ng katol. Habang inaalalayan ako ng nanay ko papasok sa kwarto ko ay nakatulala ako at nakangiti, 'yung tipong parang may tungkod yung bibig ko at di komagawang isara ang bibig ko mula sa pagkakangiti.

“Ano ba kasing nangyari sa'yo?”

“LANGIT!”

“Huh? Anong langit? Ano ngang nangyari?

“ANGEL!”

Dahil nga wala ako sa sarili ay para akong isang batang maliit na droga, tumturo sa kung saan-saan at hanggang ngayon ay naka-ngiti pa din ako.

“Ano ba kasing nangyari sa'yo!”

Pagpasok ko kwarto ay sumalubong sa amin ang malaking salamin sa loob ng kwarto ko at nakita ko ang mukha ko at mukha ng nanay ko sa salamin, naputol ang moment ko, nagulat ako sa nakita sa salamin at napasigaw ako ng…

“AY “&$! “’! mga rugby boy!”

Napaatras ako ng kaonti buti na lang ay naka-alalay ang rugby girl este 'yung nanay ko.

“Anong rugby boy ka jan? Ano ba yang pinagsasabi mo? Teka kukuha muna ako ng yelo para sa mga pasa mo.”

Iniupo niya ako sa kama at bumaba saglit para kumuha ng yelo, naka-ngiti pa din ako sa mga oras na 'yun, tulala at nase-semi monggoloyd na ako, imaginine mo na lang.

Nanumbalik ako sa ulirat ng biglang nagring 'yung cellphone ko at nakita ko na tumatawag si Chie, ang kaklase ko na parang bespren ko na din, siguro sa buong campus, siya ang may pinaka-malalang boses sa pagkanta, pwes masasabi ko na din na siya ang pinaka-isip bata sa'ming magto-tropa.

Bago pa man niya ibaba ang tawag ay sinagot ko na ito.

“Pare balita ko binugbog ka daw”

“Oo pre, pero bayaan mo na!”

“Nga pala pre, punta kayo ni Vin dito sa bahay bukas, may trip tayo! Sabado naman eh!”

“Sige sige, malupit ba yan? Baka pairalin mo nanaman kakornihan mo!”

“Oo naman pare, hindi ah! Mature na ako no!”

“Sige kita na lang tayo bukas”

“Sige sige!”

“Sige!”

“Good night pre!”

“Good night din pare!”

“I love you pare!”

“I lo- -“bago ko man maituloy ang sasabihin ko, “Teka! Gago! Anong I love you! Matulog ka na nga! Hayup ka!”

Sabay tumawa siya ng malakas at agad na ibinaba ang cellphone, nga pala di ko nabanggit, si Chie nga pala ang pinaghihinalaang bakla sa tropa.

Di pa man nakaka-akyat uli si mama ay natulog na lang ako at baka sakaling mapanaginipan ko ng ilang milyong beses mamamaya ang nangyari kanina isa pa, sabi ni Chie may malupit daw na mangyayari bukas, kaya nahiga na ako at natulog, hindi ko na alam kung anu-ano ang pinag-gagagawa ng nanay ko sa mga sugat at pasa ko.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon