Chapter 9

241 9 2
                                    

Chapter 9

It Feels Good

Dahil narinig ko na ang putak ng nanay ko, alam ko na, na alas diyes na ng umaga. Bumangon ako sa higaan at tinignan ko ang cellphone kung may nagtext.

“Good Morning” bati mula kay Maxine.

“Good Morning din” reply ko naman.

Hay buhay! Umaga pa lang gravity na! Hanggang narinig ko ang nanay ko na pumasok sa kwarto ko at tinanong ako kung okay na daw ba ako at kung sasabay daw ba ako sa kaniya mag-simba.

“Ok na ko ma, mejo masakit na lang yung mga pasa pag-nahawakan atsaka hindi na po ako saabay magismba, mamaya na lang po akong hapon.”

“O sige, may pagkain dun sa ref, dadaan ako ng palengke may ipapabili k aba?

“Chichirya na lang saka softdrinks!”

“O sige aalis na ako, kung aalis na wala pa ako, i-lock mo na lang 'yung pinto dala ko naman yung susi eh.”

“Sige ma!”

“Alis na ako, i-lock mo ah!”

Tuluyan na ngang bumaba ang nanay ko at lumabas na ng bahay, ngayon, ako na lang mag-isa dito sa bahay at dapat akong mag-handa para mamaya. Dapat rumi-Richard Gutierrez ako mamaya pero siyempre dahil maaga pa naman ay mag-aalmusal muna ko at text-text kay Maxine.

Bumaba ako at binuksan ang ref, kinuha ang gatas at binuksan ko ang pagkaing nakatakip sa mesa at may sinangag, itlog, bacon at hotdog doon.

Habang kumakain ako ay tinext ko si Maxine.

“Kumain ka na?”

“Ah oo, nagpa-deliver na lang ako ng pizza para hindi naman laging bacon and egg ulam ko, ikaw?”

“Ah oo! Kumakain nga ako ngayon eh.”

“Ah Ok”

“Ready ka na mamaya?”

“Huh? Kailangan bang ready ready? We're just going to church.”

“Akala mo lang.”

“What? Anong akala ko lang?”

“Ah wala wala”

“Ok, by the way maliligo muna ako ah pupunta lang ako sa grocery to buy some food”

“Sige sige, maliligo na din ako pagkatapos kong kumain.”

“Maliligo agad? Eh 10:00 am pa lang ah! Excited lang?”

“Hindi naman, semi lang..”

“O sige I have to go! Bye! See you later”

“Bye ingat!”

Sabay halik sa screen ng cellphone ko.

Minadali ko ang pagkain ko at namili agad ng damit sa itaas, bandang 11:30, naligo na ako, syempre kailangan kong kuskusin ang lahat ng klase ng libag na nasa katawan ko.

Lumabas ako ng banyo ng mga 12:15 na! Pagharap ko sa salamin ay namumula-mula pa ang buong katawan ko kaya kampante akong walang libag na natira, sinuot ko na muna ang brief at boxer short's ko sabay  nagsuot muna ako ng sanding puti at nagshort ako na kulay orange na above the knee, di ko alam tawag dun eh, sabay itinupi ko ng pa-three-forths yung long sleeves ko na light blue at sinuot ang sapatos ko na kulay black, hindi ko din alam tawag dun eh.  

1:00 na at di ko alam kung anong itsura ko, ginaya ko lang sa t.v. tong suot ko eh, pero pabayaan mo na, dito na ako sa pinakamahirap sa lahat, ang pag-aayos ng buhok.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon