Chapter 3

354 11 1
                                    

Chapter 3

Uto-uto

Ugh! Mejo masakit din pala sa katawan kapag nahulog ka sa tricycle!

Siguro mga pagka-lipas ng pitong oras ay nagising na 'ko, naka higa pa din ako sa may clinic pero napansin ko na wala yung si unggoy na si PJ at ang tao na lang sa clinic ay ako at isang teacher na naka blue.

“Uhm, ma'am?”

“Oh, hello! Ako si Ms. Lucas, pumasok na sa klase yung nagbabantay sa'yo kanina, nahulog ka daw sa tricycle? Ba't ka naman nahulog sa tricycle? Okay ka na ba?” balita sakin ni Ms. Lucas

“Ah ma'am mahabang kwento po eh, pero mejo okay na po ako, mejo masakit na lang po ng onti likod ko”sagot ko sa kanya habang iniinda ko ang sakit ng likod ko.

“Oh, sigurado ka?”

“Opo ma'am, ah ma'am, pwede na po ba kong pumasok?”   

Natawa siya ng kaonti sa tanong ko sabay, “actually anak kaka-ring lang ng bell para sa uwian eh, sige lang mag-pahinga ka lang jan, mamaya pa naman ako uuwi eh”

“Ah, okay po”

Babalik na sana ako sa pag-pahinga ko ng may bigla akong naalala.

Ay #&$! “'! may usapan pala kami ni Maxine! Bwiset!

Wala ng anu-ano at dinampot ko agad ang bag ko at bumangon sabay takbo agad palabas ng clinic, sa kasamaang palad, nakalimutan kong na salamin nga pala  ang divider ng clinic kaya imbis na makalabas agad ako sa pinto eh sumoplak sa mukha ko yung salamin na nag-dagdag pa ng sakin ng ulo ko.

“Oh! Anong nangyari sa'yo!” wika ni Ms. Lucas

“Wala po ma'am, wala po!” sagot ko naman

Lumabas na ako agad ng clinic at sinigurado sa pintuan talaga ako dadaan. Pagkalabas ko ay hinanap ko agad si Maxine, nagtanong-tanong ako sa mga 3rd year pero ni-isa eh wala manlang pumansin sa'kin. lang minuto lang ang nakalipas ay nakita ko na si Maxine na naglalakad at maraming kasamang babae at ilang lalaki na palagay ko eh kaklase din niya.

Di talaga patas 'tong mundong 'to eh, bwiset, kapag pangit, walang papansin sa'yo kahit lagi ka nilang nakikita, pero pag artistahin eh nako, kakapasok lang ng klase eh bespren na agad lahat. Ba't ganun?

“Maxine! Maxine!” tinawag ko siya sa di kalayuang covered court.

“Hey Jek! Wait lang guys ah” paalam niya sa mga kasama niya sabay lumapit sakin, “Okay ka na?”

“Ah, oo! Medyo masakit lang yung likod at ulo kasi nauntog ako sa salamin sa may clinic eh!”

“Ah okay”

“Nga pala, anong oras ako pupunta sa bahay niyo?”

“Ay no! We're not going in our house, doon tayo sa condo, ito yung pangalan nung condo pati 'yung room number” sabay abot sa akin nung kapirasong papel na kung saan nakalagay yung pangalan ng condo at room number.

Ah sige sige, anong oras ako pupunta?”

“Just go there after you've changed your clothes and after took a rest.”

“Ah si- -“

Bago ko pa man ituloy ang sasabihin ko, “Bye Jek, see you there!” at agad siyang pumanik papunta sa mga kaibigan niya at habang pinapanood ko siya na bumalik sa mga kasama niya eh nakita ko rin si PJ na maraming kasamang lalaki at parang sobrang saya nila, nakita ko na nakita ni PJ si Maxine pero ni hindi man lang niya ito pinansin o kinumusta man lang.

Sira ulo 'to ah! Kung ako Boypren nito ni Maxine naku, baka maubos boses ko kaka-kumusta sa kanya.

Di ko na lang gaano pinansin yung nangyari at umuwi na lang ako agad sa bahay para makapag-bihis at makapag-pahinga agad para maka-punta ako agad kay Maxine my darling love so sweet.

Wala pang bente minutos ay nakarating na ako agad sa bahay at pag-tapak na pag-tapak ko sa bahay ay hinubad ko agad ang sapatos at mejas kong di ko rin maipaliwanag ang amoy.

Di pa man ako nakaka-akyat ng hagdan ay bumungad agad sa akin ang nanay kong naka-kunot ang mukha at agad akong inutusan.

“Buti naman dumating ka pa, bilisan mo magbihis at kuskusin mo yung inidoro, barado 'yun kanina eh, kaya sobrang dumi ngayon! Bilisan mo!” 

“Ma! Ikaw na lang! Aalis ako eh”

“Inuutusan mo ko?” sabay dampot ng patpat

“Eh aalis nga ko eh! Atsaka tignan mo yang braso mo ma, mas mabigat pa ata sa 'kin yan eh, ikaw nalang! Maglinis nun! Para kahit 'di ka mag-aerobics ng isang buwan, tignan mo ma, sumeseksi ka na, mas seseksi ka 'pag ikaw nag-kuskus noon!” sabay ngumiti ako sa kanya na para bang nangungumbinsi.

Pero siyempre joke lang 'yun, parang wala ngang kwenta pag-e-aerobics niya eh, pa'no ba naman, mag-e-aerobics sila ng mga kaibigan niya sa park pero may dalang kaserola atsaka dalawang 1.5 na softdrinks! ANO 'YUN!

 Nag-isip ng matagal si mama na para bang na-uuto ko na siya.

Anong dasal ko ngayon? ITO! “Sana uto-uto ka, san auto-uto ka!

Matapos ang matagal niyang pag-iisip ay bigla siyang humirit, “Talaga? Sumeseksi ako?”

“Ah oo! Oo!” u-mo-o na lang ako kahit medyo labag sa loob ko 'yung pinagsasa-sabi ko.

“Oh sige sige basta 'wag kang mag-papa-gabi masyado ah!”

WAAAH! Uto-uto nga siya!

'Pag payag na 'pag payag niya ay dumeretso agad ako sa kwarto nag-bihis pero di na ko nag-pahinga, nagpa-gwapo ng onti pero ngayon, nagsipilyo na 'ko at wala ng patumpik-tumpik ay lumabas na ako ng bahay at binuklat yung papel na binigay niya sa akin.

Talagang ginuhitan niya pa ah, 'kala niya naman 'di ako marunong magbasa ng numero?

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon