Chapter 15

224 4 3
                                    

Chapter 15

Grow Old With You

Kinabukasan ay magkakasama kami nila Chie at Vin, pauwi na kaming tatlo ng makasalubong namin si Maxine sa may gate ng skul.

“Pauwi ka na ba?” tanong ko sa kanya.

“Ah oo, kayo?”

Bago pa man ako makasagot kay Maxine ay nakita namin si Chie at Vin na ginagaya nila kami.

“Pauwi ka na ba?”

“Ah oo, kayo?”

“Tumigil nga kayo! Mga unggoy! Manggagaya na nga lang kayo, ang O.A. pa!” binatukan ko sila at natawa na lang si Maxine sa amin.

 “Nga pala! Yung ibibigay ko sa'yo!”

“Ay oo nga pala! Ano nga pala 'yung ibibigay mo?!

“Ferrero, dala nila mommy”

“Pare! Ferrero! Diba kotse yun? Big time pala daddy mo Maxine eh!” sabi ni Chie.

“Oo nga pare! Diba yun yung mabilis na kotse! Peram ako minsan ah!”

“Mga bugok! Ferrari yun! Ferrero yung sinasabi ni Maxine!”

“Ah Ferrari ba tawag dun? Ferrero?” sabi ni Chie.

“Oo Ferrero hindi Ferrari mga bugok!”

“Maka-bugok ka naman! Ano ba yung Ferrero? Alam mob a?”

“Hindi din eh! Ano ba yun Maxine?”

“Puro kayo kalokohan” bahagya siyang natawa, “Ferrero! Ferrero Rocher! Chocolate yun!” sabay dukot sa bag niya, “Eto oh!” at iniabot agad sa akin.

“Akala ko pa naman magkaka-broom-broom ka na!” sabi ni Chie.

“Penge na lang kami ni Chie niyan! Mukhang masarap eh!” hirit ni Vin.

“Akin 'to! Tumahimik kayo!”

“Andamot naman nito, no Chie?”

“Nakakatuwa kayong tatlo eh no?” sabi ni Maxine habang tumatawa.

“Ganito talaga kami bata pa lang kami!”

“Oo nga!” sabay na sinabi nila Chie at Vin, “At dahil jan, penge kami.”

“Tumahimik kayo jan! Tara na nga! Umuwi na tayo! Oh! Akin na yang bitbit mo Maxine!”

At muli, nahuli nanaman namin ni Maxine silang dalawa na ginagaya kami.

 “Akin na yang bitbit mo”

“Eto oh, mwah mwah tsup tsup!”

Binatukan ko silang dalawa at umuwi na kaming apat ng magkakasabay pero habang naglalakad kami ay tawa kami ng tawa ni Maxine dahil sa kalokohan nung dalawa.

(At dahil jan ay hahakbang na tayo sa biyernes ng gabi)

Alas nuebe na ng gabi at nasa camping na ng girl scout si Maxine, hindi ako mapakali sa bahay kaya lumabas ako ng bahay at pumunta sa bahay nila Vin, pero bago pa man ako makarating sa bahay nila ay nakasalubong ko na agad siya.

“Oh pre saan ka pupunta? Pupunta dapat ako sa inyo eh!”

“Ganun ba? Eh pupuntahan nga dapat din kita eh!”

“Bakit?”

“Nagtext kasi sa akin si JC”

“Sinong JC?”

“Yung kaibigan ni Maxine! Kasama siya ngayon dun sa camping ng girl scout eh!”

“Nasa girl scout camping? Nagtext? Eh diba bawal ang cellphone dun?”     

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon