Chapter 22

196 7 2
                                    

Chapter 22

Yun Nga Kasi!

Sakto lang ang dating ko sa skul at dumeretso na ako sa classroom.

Pero nagtataka ako, 6:30 na, pero wala pa din 'yung mga kaklase ko. Dahil wala akong magawa sa klasrum, eh bumaba na lang ako ng building at tinignan ko na lang kung andun na si Maxine.

Pagbaba ko eh nakita ko si JC na nakatambay sa may bench. Nilapitan ko siya at nakitambay na lang din ako.

“Hey Jek!”

“JC!”

“Kanina ka pa nandito?”

“Ah, hindi, nasa taas ako, eh walang pa yung mga kaklase ko eh! Kaya bumaba na lang ako. Ikaw? Ba't ka nandito?”

“Ah, eh ang init kasi sa classroom eh.”

“Ah, nga pala nakita mo na si Maxine?”

“Wala pa yata siya eh, eh si Vin nakita mo na ba?”

“Nak ng! Na-miss mo agad!” pabiro kong sinabi sa kanya.

“Siyempre! Si Vin ko 'yun eh! Eh ikaw ba kasi, bakit ba kasi hindi mo pa ligawan si Maxine!”

“Eh ano kasi eh…”

“Look, gusto mo siya, gusto ka niya, then, ba't hindi mo pa kasi ligawan?”

“Di ako marunong eh!”

“Hay nako! You're so ewan! Mag-paturo ka kay Vin!”

“Sus, ba't naman ako magpapaturo dun, eh torpe din 'yun!”

“Torpe eh ba't naging kami?”

“Ewan ko sa inyo! Eh hindi ka naman niligawan nun ah! Sinagot mo lang siya eh!”

“Ay oo nga… Pero kahit na! Torpe!”

“Anong torpe?”

“Torpe! Torpe!”

“Torpe pala ha! Gusto mong kilitiin kita?” nilapitan ko siya ng bahagya.

“Subukan mo lang!”

“Hindi ko susubukan! Gagawin ko!”

Kiniliti ko siya sa leeg…

“Jek! Stop nakikiliti ako!” sabi niya habang natatawa.

“Wala! Hindi! Subukan ko pala ha!” hindi ako tumigil sa pangingiliti ko sa kanya.

Tawa naman siya ng tawa kahit na sinabi niya tigilan ko na siya.

Sa sobrang kulit at likot naming dalawa eh naguhol kami sa bench.

“Ouch!” daing ni JC.

Pag-dilat naming dalawa eh nasa semento na kami, nagkatitigan kami ng matagal hanggang napansin na nakadapa pala ako sa ibabaw niya.

“Ouch!”

Umaray muli si JC kaya agad ko siyang tinulungang tumayo, nilapitan ko siya…literal na malapit! At kinamusto ko kung okay lang siya.

“S-sorry JC, o-okay ka lang?”

Ramadam ko parehas kaming naka-dama ng konting ilang dahil hindi maka-tingin ng deretso sa isa't isa.

“M-m-masakit, n-nauntog y-y-yata ako!” sabay hawak sa bandang likod ng ulo niya.

Hinawakan 'yung parteng masakit at…

“Aray!”

“Ay sorry!”

Nagkatitigan kaming muli na parang bang may iba, Hanggang biglang may nagsalita galing sa likod ko…

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon