Chapter 20

204 3 0
                                    

Chapter 20

Selos Time!

Kinabukasan, lunes, pumasok ako at 'yun na yata ang pinaka-maaga kong pasok sa buong buhay ko, yung tipong pag-pasok ko ng skul eh humihikab pa si manong guard.

Epekto siguro 'yun nung nangyari kahapon.

Mukha akong tanga sa loob ng school, ako lang mag-isa pero naka-ngiti ako, lahat ng janitor na napapadaan sa akin eh 'yung iba tinitignan lang ako, 'yung iba naman eh umiiba ng daan, akala siguro nila nababaliw na ako.

Eh ikaw kaya makatabi mo crush mo sa pagtulog, naka-yakap pa sa'yo at bukod sa lahat eh nag I Love You pa! Hindi ka kaya mabaliw?

Ilang oras ang nakalipas ay nagsidatingan na yung mga skulmates ko, oo, ilang oras! Ganun ako kaaga!

Pero nung nakita ko na si Chie, sinimulan ko ng magtago! Iwas pusoy na ako dre!

Nakipila ako sa mga 3rd year, dun sa may section nila Maxine at paglingon ko sa kanan eh katabi ko pala si JC.

“Oh! JC! Andito ka pala!”

“Ikaw dapat ang tanungin ko niyan! Ba't nandito ka? Eh pila 'to ng 3rd year!”

“Huh? Wala! Mejo lumayo lang ako kay Chie ngayong flag ceremony, baka malasin nanaman ako eh.”

“Oo nga, naalala ko yung nangyari nung nakaraan, alam mo para kayong tanga nun! Lalo na si Vin!” sabay tawa na may halong kilig.

“Wushu! Kinilig amp! Gulat kayo nung camping no!”

“Tungeks! Ba't naman ako magugulat eh ako 'yung nagtext sa inyo?”

“Oo nga no!”

“Nga pala, nakita mo na si Vin?”

“Dami mo pang segwey, dun din pala mauuwi!”

“Nakita mo na nga ba?” sabay kurot sa akin.

“Aray! Kasama niya si Chie!”

“Ah ganun ba?”

“Baka naman pagselosan mo pa si Chie ah!”

“Loko!” at sabay kaming tumawa.

Nagkulitan at nagtawanan kaming dalawa ni JC na para bang super close namin.

Sa sobrang kulit at tuwa namin ay hindi namin namalayan na tapos na pala 'yung flag ceremony at nagpapasukan na sa kwarto yung mga estudyante.

Sabay kaming lumabas ng covered court, nagkikilitian kami at nagtatawanan hanggang nakasalubong namin si Vin.

“Uy pre ikaw pala!” bati ko sa kanya.

“Ah, kasama mo pala si JC”

“Baby!” sabi naman ni JC kay Vin na mejo natatawa-tawa pa siya.

“Ka-kanina pa kayo mag-k-kasama?”

“Oo kanina pa, simula pa lang ng program.” Sagot ko naman.

“Ano baby let's go na?” lumapit siya kay Vin niyakap ito sabay hawak ng kamay at nagpaalam na siya sa akin, “Bye Jek! See you later let's go baby!”

“Tara baby” sang-ayon naman ni Vin at may pahabol pang mejo masamang tingin sa akin? Ewan, ang hirap ipaliwanag nung tingin niya pero pinabayaan ko na lang.

Tumalikod ako para pumunta sa building namin ng nakita ko si Maxine na nasa gate at naka-tingin sa akin pero ng nakita niya na nakita kong nakatingin siya eh biglang iniba niya yung tingin niya at nagsulat bigla.

Sa guard house? Nagsulat? Ano yun?

Maya-maya ay napagtanto ko na lang ay baka na-late siya at pinagsusulat si ng “I will not be late again” sa sampung papel na back to back, yun kasi ang naka-sanayang parusa sa mga late.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon