Chapter 2
Epic English
“Kuya! Bata pa ako! Parang awa mo na!”
Sabi na nga ba eh, di ako nag-kamali, hindi na nga kami makaka-abot sa skul nito ng buhay eh! Eh halos lilipad na kami sa sobrang bilis magpatakbo ni kuya eh. Okay lang sana kung yun lang eh, eh kaso kasabay nung paghampas ng hangin sa mukha ko eh yung amoy ng bibig ni kuya! Nadadala ng hangin! Pwede naman siguro mag-drive ng hindi naka-nga-nga eh no!
“Eh kailangan boy! Male-late na kayo, malayo-layo pa yung skwelahan dito!” sagot sakin ni manong na may kasama pang mas malakas na amoy.
Please lang kuya tama na! Di ko kaya! Anlakas ng pwersa ng hininga mo eh!
Di pa man kami nangangalahati sa daan papunta sa skul eh nangyari nga yung sa isa ko pang kinatatakutan, sa sobrang bilis magpatakbo ni kuya eh nagka-problema kami sa makina.
“Anak ng! Pano yan? Mukhang di tayo makakapasok sa first subject natin ah!” sigaw ko kila Maxine habang kumakamot ng ulo.
“Kailangan 'tong ayusin!” reklamo ni kuya.
“Edi ipa-ayos niyo po! Lalakarin na lang namin kahit school is far pa from dito.” Punto ni Maxine.
“Ha, oh sige, pero kailangan ko ng katulong para itulak 'to papunta sa talyer.” Sagot ni manong na parang sinasabi niya na ako yung kasama niyang mag-tulak nung tricycle.
“Wag ako ah! Tignan niyo naman kung gaano ko kapatpat” mabilis kong tinanggi na ako ang magtutulak.
“Oo nga, you na lang PJ, you're so strong naman eh” rekomenda ni Maxine.
“Huh? Eh ba't ako? Siya na lang! Nakisakay lang naman 'yan eh!” sagot niya may kasabay na masamang tingin sakin."
“Umayos ka nga PJ! Don't be like that!” sermon ni Maxine kay PJ
Yown! Buti na lang, aangal ka pang unggoy ka ah! Ma-so-solo ko si Maxine! Walang asungot! Buti na lang pala mabilis mag-patakbo si kuya! Sana lagi na lang siyang masiraan.
“Kuya una na kami ah! Babe sunod ka agad ah! Love you!” sabay flying kiss ni Maxine kay unggoy.
“Come on Jek-jek!”
Ay $#&! Yari, spokening in English pala to! Patay tayo jan! Bahala na!
Di pa man kami, nakakalayo eh narinig kong kinakausap ni unggoy si kuya, “Ah, eto lang pala yung sira, may screw driver po ba kayo jan? Ako na lang po mag-aayos”
At nagpasikat pa 'tong si unggoy! Buti na lang di narinig ni Maxine yung pagpapakitang gilas nung unggoy na yun!
At habang naglalakad kami…
By the way, Jek-jek right?...” tinawag niya ang pangalan ko.
“Oo..”
Ay! Spokening in English nga pala dapat.
“Yah! Yah!” linaw ko.
“How old are you” sabi niya
“Ah, Yah! I is 16 years olds”
Sa pagsagot ko eh nangulubot yung mukha niya na parang may mali sa sinabi ko.
“What year are you na?” tanong niya
“I is already 4th year already, and what is you now?
“Huh?” tanong niya sakin na para bang may mali talaga sa pinagsasasabi ko, tama naman yung sinasabi ko diba?
“I say, what year is you now” Kinlaro ko
Ah! You mean, what year am I now?”
“Yah! That is what I says”