Chapter 12
What A Monday
Kinabukasan pagpasok ko ay akala ko late na ko buti na lang umabot ako!
BUZZER BEATER!
Pumunta ako agad sa pila ng section ko, katabi ko siyempre ang mga kaibigan ko, si Chie at si Vin.
Iniligay naman ang kanang kamay namin sa kanang dibdib para kumanta ng lupang hinirang. Di namin inaakala ni Vin na hyper ngayon si Chie. Sa lahat ng estudyante sa buong campus na nasa flag ceremony ay siya ang may pinaka malakas na boses at di lang yun, feel na feel niya pa, yung tipong may onting action pa siya. At kung maaalala mo yung sinabi ko sa inyo nung nakaraan, siya ang may pinaka malalang boses sa buong skul.
Sa totoo lang eh kami na Vin ang nahihiya sa kanya, pinagtitinginan na siya ng mga tao pero patuloy pa din siya sa pagbirit ay mas lumala na ang actions niya. Ano pa nga ba ang gianwa namin ni Vin? Edi tinakpan namin ang bibig ni Chie ay hinawakan ang kamay niya para lang matigilan siya. Pero huli na yata ang lahat.
Pagkatapos ng Lupang Hinirang ay nakakahiyang sabihin man pero tinawag kaming tatlo sa stage ng music teache.
“Good Morning sa lahat! Pwede ko bang tawagin ang ating mga magigiting na singers from section… anong section yun?” sabay turo sa amin.
“St. Luke po ma'am” sabay sabay na sumagot ang mga kapwa namin 4th year na parang natatawa sila.
Nung una ay nagmamaang-maangan pa kami Vin habang si Chie naman ay parang gustong-gusto pa niya ang nangyayari samantalang kami ni Vin ay di na namin alam ang gagawin .
“Hoy tayo daw tara!” excited na salita ni Chie at hinila niya pa kami papuntang stage.
“Ang kakapal talaga ng mukha! Palakpakan natin!” sabi ng principal na mejo galit.
May magagawa pa nga ba kami? Edi umakyat na lang kami sa stage at di na talaga namin alam ni Vin ang gagawin kaya nakayuko na lang kaming dalawa at itong si
Chie naman, HAYUP! Tuwang-tuwa pa sa nangyayari na para bang di niya alam kung anong kahihiyana ng kakaharapin naming tatlo.
“Maaari ko po bang malaman ang mga pangalan ng mga magigigting nating singers?”
“Ako po- -“
Bago pa man ituloy ni Chie ang isa pang kahihiyan ay pasimple ko siyang siniko at binulunga.
“Hayup ka! Nakakahiya na!”
“Anong nakakahiya, ma'am nahihiya daw po siya.” Pasigaw na sagot ni Chie na halos narinig ng lahat. Napailing na lang kaming dalawa ni Vin at pinabayaan na lang kung ano man ang mangyayayri?
“Ako po si Archie Villas, sila naman po si Kevin Teng at si Jake Bino”
Di na maganda 'to!
“So mister Archie, Kevin and… Jake right? Pwede bang awitin niyo muli sa amin ang Lupang Hinirang na pa- -“
Di pa man tapos magsimula ang principal ay inagaw na agad ni Chie ang mic. (Akala niya siguro sikat na siya)
Ayan na nga! Kumanta na si Chie at para bang ito na ang pinaka malalang kanta na napakinggan ko sa lahat, gaya ng sa kanina ay may actions pa siya at lahat ng tao ay nakatakip na ang teka sa sobrang pangit ng boses ni Chie.
Pagkatapos niyang kumanta ay para bang nakaramdama ang lahat na para bang kakatapos lang ng bagyo.
“Ikaw nap o Mr. Jake”
Hiyang-hiya man ako, ay wala akong nagawa, kinuha ko ang mic at kumanta, umpisa pa lang ay wala na akong tinamaan kahit isang tono, pagtingin ko sa mga tao ay nakita ko si Maxine na nanood sa akin at tawa siya ng tawa.