Chapter 11
Patay!!!
“Where are we going ba kasi?”
“Please! No Spokening in English!”
“Eh, saan ba kasi talaga tayo pupunta? Gabi na oh!”
“Easy ka lang!” sabay ngiti sa kanya.
Dinala ko siya sa di kalayuang maliit na tindahan ng fishball, isaw etc.
“Anong gagawin natin dito?”
“Kakain! Ano ba sa tingin mo? Sige kuha ka na!”
Kumuha siya ng stick at tumutusok siya ng fishball kaya lang napansin ko na di niya matusok sa stick yung fishball.
“Di ka marunong tumusok no?”
“Kaya ko'to!”
Edi pinabayaan ko siya.
“Kuya dalawang isaw nga po.”
Hanggang inabot na siya ng siyam-siyam at wala pa din siyang natutusok kahit isa.
“Pinapahirapan mo sarili mo eh” sinabi ko sa kanya na natatawa ako.
“Hingi! Kaya ko 'to!”
“Sus! Baka magsara na sila kuya at lahat di ka pa din nakaka-kuha! Halika tulungan kita, ganito.”
Hinawakan ko ang kamay niya para tulungan siya at nagkatinginan kami. Napangiti na lang kami pareho at itinuloy ang pagturo ko sa kanya.
“Ganito, para mas madalian ka, igilid mo yung fishball atsaka mo tusukin (hawak ko pa din ang kamay niya) tapos, saglit ano gusto mo, matamis o maanghang?”
“Matamis”
“O edi isawsaw mo dito sa kulay brown na sawsawan tapos yan na!”
Kinuha ko ang stick sa kamay niya at ako ang nagsubo ng fishball sa kanya. Okay na sana, kaya lang… “Aray ang init ang init!”
“Ay sorry! Kuya! Kuya isang gulaman nga po!”
Inabot ko sa kanya ang gulaman at ininom niya.
“Aray ko! May galit ka yata sa'kin eh!”
“Sorry! Nakalimutan ko!”
“Joke lang” sabay tawa kaming dalawa.
“Sige nga isa pa, kumuha ka ulit ng fishball pero di kita tutulungan ha!”
“Panis! See?”
“Oh yan! Marunong ka na pala eh!”
“Ang sarap pala ng street food!”
Yun na nga, kumain kami at sobrang sweet namin na parang mag-syota kami, yung tipong nagsusubuan kami at nagtatawanan ng walang dahilan kahit na pinagtitinginan na kami.
Matapos ang ilang minuto ay natapos kaming kumain at sa di inaasahang pagkakataon ay biglang umulan. Sumilong kami sa kalapit na tindahan at…
“Tara na uwi na tayo umuulan na!” anayaya niya sa'kin.
Nakalimutan kong sabihin sa kanya na naubos yung pera ko sa pagkain namin.
“Max, sorry, pero naubos yung pera ko dun sa pagkain eh, may per ka ba jan? Sorry ah”
“Huh? Eh iniwan ko yung wallet ko sa condo! Paano tayo niyan?”
May naisip akong paraan pero di ko alam kung game siya, pero bahala na! Lumabas ako sa silong at naligo ako sa ulan.
“Anong ginagawa mo?”
“Naliligo sa ulan! Tara! Anlamig oh! Ang sarap!”
“No way!”
“Sige na!”
Hinila ko siya at nung una ay pa-ayaw-ayaw pa siya pero nung tumagal ay nag –enjoy din siya.
Nagtampisaw at naglaro kami sa ulan na para bang bata. Kaya lang nung nakakita siya ng daga sa imburnal ay natakot, napatili at napayakap siya sa akin ng hindi sinasadya.
Natawa kaming pareho at may sinabi siya sa akin.
“Thank you ah!”
“Para saan?”
“Kasi 'yung mga di ko naranasan nung bata pa ako eh nagawa ko ngayon. 'Yung akala ko noon na baduy eh it's fun pala, and of course sa ilang araw nating magkakilala eh you've helped me for a few times na kaya thank you!”
“Ah, don't minding that! It okay lang!”
“Baka, don't mind that, it's okay?”
“That is just what me is said!”
Natawa na lang siya at ako naman ay natawa na lang din. Pag-lingon ko sa kanan ay may nakita akong alulod na sira.
“Gusto mo mag-shower?”
“Shower?”
“Oo! Halika!”
Dinala ko siya sa ilalim ng alulod at pinaligo ko siya sa bumabagsak na tubig galing sa alulod!
“Ang sarap!”
“Ang sarap diba? Ganyan lagi kong ginagawa nung bata ako eh.
“Halika!” hinila niya ako sa may alulod ay dalawa kaming naligo sa ilalim nito at kailangan naming mejo magdikit para magkasya kami, nagkatitigan kami at nagkangitian.
Dahil gusto kong makipaglaro sa kanya eh dumampot ako ng putik at pinahid sa mukha niya.
“Ughhh!”
Noong una ay nainis siya pero sinakyan niya na lang din, kumuha din siya ng putik at hinabol ako. Ang saya namin sobra na di naman namalayan na 10:00 pm na pala, hinatid ko siya sa bahay nila dahil sabi niya bukas na lang daw siya pupunta sa condo nila.
Pagdating namin sa tapat ng bahay nila ay tumila na ang ulan at nagpaalam ako, pagbukas niya ng pinto ay bumungad ang isang babae na mejo may edad na.
“Hello po, good evening po! Kayo po ba ang yaya ni Maxine?”
“Mom!” sabi ni Maxine na may halong gulat.
“Mom? M-mo-mm-y mo siya” linaw ko na halatang napahiya ako. “
“Oo, ako ang mommy niya” mejo galit na sagot ng mommy niya.
“Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinihintay ng daddy mo! At bakit basang-basa ka?”
“Nag-simba lang po kami”
“Nag-simba? Anong ginawa niyo? Nag-swimming sa holy water? And who is this guy? Boyfriend mo?”
“Ay! No mom! This is Jek-jek my friend, jek-jek mom ko.”
“Good evening po ma'am, s-sorry p-po, ak-kala k-ko po kasi ka-kayo yung yaya n-ni M-ma-maxine eh.”
Tae baka maihi nanaman ako sa sobrang nerbyos, pero okay lang siguro, basa naman ako eh, hindi yun mahahalata kung magkataon man.
“Pwes, halina't maligo at magpalit ng damit, kanina pa kami nag-aantay sa loob.”
Nakapasok na si Maxine at ng ako na ang papasok ay biglang isinara ang pinto ng nanay niya at humampas sa ilong ko ang pinto sabay sigaw ng mommy niya…
“Hindi ka kasali!”
“Okay po! S-sorry po ulit! Go-od Night p-po!” sigaw ko naman na may halong nerbyos at kaba, tumakbo na ako pauwi at nagdahan-dahan pa-akyat ng kwarto ko para di ako mapagalitan.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay naalala ko na yung cellphone ko eh nasa bulsa nung shorts na hinubad ko sa mall kaya nabadtrip ako ng todo.
Nagpatuyo lang ako ng buhok at natulog na din agad dahil may flag ceremony pa bukas, ayoko namang ma-late at magsulat ng “I will not be late anymore” sa limang one whole paf paper at back-to-back pa.
At ang isa ko pang naalala ay si Maxine dahil pinagalitan siya.
Akalain mo yun? Yun pala yung mommy niya? Akala ko talaga yun yung yaya niya pramis! Ang layo kasi ng itsura!