Chapter 4

355 10 1
                                    

Chapter 4

Huli Ka Balbon!

Sunrise Condominium room 6? 

'Di ko alam to ah, bayaan mo na, magtatanong na lang ako sa mga madadaanan ko, pero sana naman di sila galit sa di ka-gwapuhan kagaya sa skul.

Edi ano pa nga bang ginawa ko? Edi lumakad na agad ako, pagka-lipas ng ilang minuto ay napadpad na ko sa Mangga St.

Hindi ko na alam 'tong lugar na 'to, patay! 'Di bale, magtatanong na lang ako.

Sa 'di kalayuang kanto ay may nakita may nakita akong gasolinahan, tinakbo ko ito at nagtanong sa gasoline boy.

“Kuya, saan tong Sunrise Condominium?”

“Ay pasensya boy, bago lang ako dito eh, di ko pa alam yung mga lugar dito masyado.

“Ah sige kuya salamat.”

Okay lang, marami pa namang mapagtatanungan eh. Subukan ko magtanong dito sa may burger-ran.

“Ate pwede pong magtanong? Saan po ba 'yung Sunrise Condominium.”

“Di ko alam! May itatanong ka pa ba? Kung wala na eh umalis ka na! Nakaharang ka sa tindahan!”

“Ok!”

Sungit naman nitong bwisit na 'to! Nagtatanong lang eh!

Biglang may pumasok na katalinuhan sa utak ko.

Masungit kang babae ka ah! Itong sa'yo!

“Sa lahat po ng nakakarinig sa akin, wag po kayong bibili dito sa burger-ran na ito! May butete po ang patty nila at kinukuskos ng tindera yung tinapay sa kili-kili niya paminsan kapag naubusan sila ng mayonnaise!” sigaw ko sa lahat ng taong dumadaang tao sa harap ko, akala ko naka-bawi na ako.

'Di ko alam na may alagang demonyo si ate. Sa sobrang inis niya dahil sa sinabi ko eh nagpakawala siya ng aso, noong una eh natawa pa ako sa ginawa niya dahil mas malaki pa 'yung pusa namin sa bahay kaysa sa aso niya, kaya lang noong narinig ko ang kahol, ay NAKO! Parang katapusan na ng buhay ko, ano pa nga bang magagawa ko edi tumakbo!

Dumaan ako sa kanan, dahil sa kaliwa ay tawiran na, dinere-deretso ko na lang kung saan man ako dahlin ng paa ko. Di ko napansin na may papalapit palang malaking butas sa daraanan ko.

Yari na!

No choys nanaman, nilundag ko yung malaking butas para makalagpas dito. Pagkalapag ng mga paa ko ay tuloy pa di ako sa pagtakboagad pero lumingon pa rin ako sa likod para tignan kung nasaan 'yung aso. Pero pagtingin ko, wala na.

Buti na lang! Akala mong aso ka ah! Ninja yata 'to!

Akala ko tapos na ang kalbaryo sa pagahahanap ko ng condo, paglingon ko uli paharap kung saang direksyon ako tumatakbo eh may nakatayo palang malaking poste sa harapan ko. Masyado ng huli para maka-iwas ako. Humampas 'yung mukha ko sa poste at dahan-dahan akong napatumba at sa isa pang kamalasan, dahil nga poste ang binanggaan ko ay nagulat ako ng pagbagsak ko ay may naupuan akong basa na bandang huli ko na napagtanto na ihi pala iyon ng aso.

Jusko! Maghahanap lang ako ng condo nagkanda-leche-leche na ko! Bwisit!

Pero paminsan-minsan pala talaga ay may benepisyo ang pagigigng tanga, dahil paglingon ko sa kaliwa ay bumungad sa akin ang isang malaking building at may naka-paskil sa gate nito

“Sunrise Condominiun” hay salamat! Buti na lang pala tanga ako!

Tumayo agad ako, pumasok sa building at sumakay ng elevator para hanapin ang room 6. Nakakahiya mang aminin, lahat ng kasabay ko sa elevator ay nakatakip ng ilong dahil sa baho noong ihi ng aso na binagsakan ko! Buti nalang talaga ay sa first floor lang ako ako, makakalabas ako.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon