Chapter 10

234 9 4
                                    

Chapter 10

Jingle Gay

Nagsimula na nga ang palabas at sabi ko nga kanina, tanggap ko na di ko talaga maiintindihan tong pinapanood namin.

Ihing-ihi na ako pero pinipigil ko lang, nahihiya kasi akong maglakad eh.

Para malibang manlang ako, ginawa ko na lang ang sinabi ko kanina, tinitigan at pinanood ko na lang si Maxine kung paano siya tumawa kahit na tunog daga yung tawa niya habang nilalaro ko ng kamay ang nakadikit na bubble gum sa ilalim na upuan ko.

Sa kalagitnaan ng panonood at pagtitig ko kay Maxine ay nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

“Why are you staring at me? Aren't you enjoying the movie?”

“Huh? Eh, hindi kita hinahagdan ah!”

“Anong hinahagdan?”

“Diba sabi mo, why me is staring at you?”

“Oo nga!”

“Eh diba ang tagalog ng staring ay hagdan?”

“Ay tanga! Stair yun! S-t-a-i-r! ang sabi ko, stare! S-t-a-r-e! ibig sabihin nun nakatitig!”

“Ah sabi ko nga!” sabay kamot sa ulo.

Na-tanga pa tuloy ako.

“Ba't ka nga nakatitig sa akin, di ka ba nageenjoy sa palabas?”

“Di ako nakatitig sa'yo ah! Excuse me!”

“Aba! Nahuli nga kita eh! Ume-excuse me ka pa ah!” sabay pala sakin ng pabiro.

“Ba't parang di ka nag-eenjoy sa movie?”

“Anong hindi? Nag-eenjoy ako no!”

At bigla ako tumawa ng malakas na kunwari ay nageenjoy at natatawa ako sa palabas. Maya-maya ay nagtinginan sa akin ang mga katabi ko at bumulong sa akin si Maxine.

“Ba't ka tumatawa?”

“Nag-eenjoy ako eh! Nakakatawa kaya!” sabay tawa ulit ako ng malakas.

“Huh? Ba't ka natatawa?”

“Eh comedy 'yung pinapanood natin diba?”

“Oo nga! Eh natutulog lang naman 'yung mga tao  sa scene na pinapakita ah? Anong nakakatawa dun?”

“Ah, eh… praktis lang!”

“Puro ka kalokohan!”

Bumalik na siya sa panonood at bumalik na din ako sa pagtitig kahit na sobra naiihi na ako. Lumingon siya ng biglaan sa akin at nahuli niya nanaman ako na nakatingin.

“Di pala tumititig ah!” sabay tawa ng mahina.

Biglang lingon ako sa screen na kunyari ay nanonood ako, maya-maya ay napansin ko na nilalamig si Maxine sa sobrang lakas ng aircon, total naman ay may sando ako sa loob ay hinubad ko ang long sleeves ko at isinuot sa kanya, nagulat siya pero napangiti din bigla sabay sabi ng…

“Sa-salamat!”

Ay naku po! Ngayong naka sando na lang ako, ako naman ngayon ang nilalamig at dahil sa lamig na to ay kinikilabutan na ako dahil sobrang naiihi na ako.

Pinipigil ko na lang ang ihi ko at sa sobrang lamig ay nakatulog ako sa sinehan.

Sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay nanaginip ako, ako daw ay nasa isang napakalaking bahay at sobrang dilim, hanggang napansin ko dawn a may humahabol sa akin na mga inidoro kaya tumakbo daw ako ng tumakbo hanggang nakulong daw ako sa isang maliit na kwarto ay may isang taong inidoro doon, sa sobrang takot ko daw ay naihi ako, maya-maya parang may nararamdaman akong mainit sa short ko at biglang may sumampal sa akin, nagising ako at nakita ko ang taong inidoro sa panaginip ko kaya sinapak ko siya, akala ko panaginip pa din yun pala ay totoong buhay na. Nakatingin sa akin ang maraming tao na nakatakip ng ilong at napagtanto ko na hindi pala yung taong inidoro ang nasapak ko kundi isang bakla! At napagtanto ko din na 'yung mainit na naramdaman ko ay naihi na pala ako sa shorts ko.

“Yuck!” nandidiri na natatawa na ewan na sinabi ni Maxine sa akin. Habang ang mga tao naman sa gilid ni Maxine ay tumatawa ng tumatawa.

“Kuya ba't mo ko sinapak? Inihian mo pa ako sa mukha!” sabi nung bakla.

“Huh? Inihian kita sa mukha?”

“Di ba halata! Basang basa ng ihi mo yung mukha ko!” At bigla siyang tumakbo papuntang banyo.

“Ano bang nangyari?” tanong ko kay Maxine

“Ang baho! Sa bahay ko na lang sasabihin! Tara na!” sabay hinila na ako ni Maxine palabas ng sinehan.

Paglabas ko ay nagtinginan sa akin lahat ng tao at nakita ko na basang basa nga ang shorts ko at tumutulo-tulo pa! Si Maxine naman ay tumatawa din, hinila ko siya at naghanap ng tindahan ng mga shorts, pumasok ako sa fitting at hinubad lahat ng pangbaba ko para isuot ang bagong shorts ko. Di ko namalayan na sa sobrang pagmamadali ko na pumunta sa fitting room ay hindi ko nai-lock ang pinto, kaya saktong-sakto na paghubad ko ng brief ay bumukas ang pinto, noong una ay di ko napansin na bukas na pala ang pinto kaya nag trip trip pa ako, umikot ikot ako saloob ng fitting room hanggang yun na nga, nalaman ko na bukas pala ang pinto ng napaharap ako sa salamin.

Nakita ko sa salamin na may nanay na di naman masyado matanda at anak niya yata ang kasama niya. Nagulat ako ng dumating si Maxine at napatingin na lang siya, tinakpan niya ang mata ng nanay at nagsalita yung bata…

  “Mommy! Worm!”

Pumikit na lang si Maxine at tinakpan din niya ang mata nung bata sabay sabi niya sa bata…

“No baby, it's a snake”

Biglang napatili si Maxine at sigaw sa akin ng, “Close the door!”

Nawala na ang gulat ko at hiya naman ang pumalit, agad-agad kong isinara ang pinto at isinuot ang bagong shorts at iniwan ko na ang basa ko pang-baba at binuksan ko na ang pinto at hinila ko na si Maxine para umuwi sa sobrang hiya ko, di pa man kami nakakalayo ay narinig ko ang bata na may sinabi sa mommy niya, “Mom, pets are not allowed inside the mall right?”

Natawa si Maxine at sumimangot ako sa kanya at sabi ni Maxine…

“Pasalamat ka nga at ginawa kong snake yung worm eh!” sabay tawa ng malakas.

“Ha-ha-ha salamat ha!” sagot ko na may halong hiya at konting insulto.

 Lumabas kami ng mall at sumakay agad ng jeep para umuwi.

Sa kalagitnaan ng daan ay napansin ko na humihipo sa tiyan si Maxine.

“Nagugutom ka?”

“Ah, hi-hindi!”

“We? Nagugutom ka eh! Sorry ah! Yung ipapangkain natin eh naipangbili ko na ng shorts. Bawi na lang ako next time.”

“Hindi okay lang, I had fun naman eh!” sabay tawa ng malakas na para bang naalala niya yung nangyari kanina, paglingon ko sa labas ay may nakita akong pag-asa.

“Manong sa tabi na lang po”

“Huh? Eh malayo pa tayo ah!” sabi ni Maxine.

“Basta!” itinabi ni manong ang ang jeep at bumaba kami.  

“Anong gagawin natin dito?”

“Basta! Relax ka lang! Akong bahala! I is can managing this!”

“Baka, I can manage this?”

“That are is what I is says!”

Nginitian ko siya at napakamot na lang siya ng ulo.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon