Chapter 6
Now You Know
Tama lang ang dating ko na 6:30 sa school, may oras pa ako para hanapin si Maxine. Pero habang naglalakad ako sa hallway ng building ng mga 1st year ay nakita ko si Maxine na nakaupo sa railing, naka-yuko, parang umiiyak at tila malalim ang iniisip.
Di pa man ako masyadong nakakalapit ay tinawag ko na agad siya. Nilingon naman niya ako pero parang nagulat siya at pinunasan ang mga luha niya sabay takbo, pinlano kong habulin siya pero pinabayaan ko muna dahil baka iniisip niya pa din ang nagyari at sinabi ko sa kanya kahapon at isa pa, baka madapa pa ako, nakakahiya kaya!
Pagkalipas ng tatlong paboritong subject ko (Math, English at Values) ay recess na namin, at muli sinubukan kong hanapin si Maxine. Sinubukan kong tanungin ang mga classmate niya at ang sabi ay nasa may stage daw at ayaw din daw silang kausapin.
Pinuntahan ko si Maxine sa may stage pero sa likod ako dumaan para hindi niya ako agad makita. Agad ko siyang nilapitan at nagulat siya ng bigla kong hinawakan ng mahigpit ang mga braso niya at kinausap ko siya ng tutukan sa mukha.
“Wag! Wag kang tumakbo”
“Bitiwan mo ako!”
“Saglit lang kasi!”
Nasigawan ko siya ng di sinasadya, natulala siya atsaka ko itinuloy ang dapat kong sabihin.
“Alam ko sa sarili ko na wala akong dapat ipag-sorry sa nasabi ko kahapon pero sorry kung nasaktan ka man sa sinabi ko, concerned lang naman ako eh.”
“Bitiwan mo ako sabi eh!” nagpupumiglas siya na para bang ayaw niya akong marinig na magpaliwanag.
“Bitiwan mo ako sabi eh! Sisigaw ako!”
“Wala akong paki-alam ku- -“
Di ko pa man naitutuloy ang sasabihin ko eh tumili nga siya ng malakas sabay sipa sa aking (alam mo na kung ano 'yun). Napaluhod ako sa sakit at naka-wala siya sa pagkakahawak ko. At siguro dahil na din sa tili ni Maxine ay narinig yata ni PJ ito at tumakbo papalapit sa akin.
Pagka-lapit niya ay niyakap niya si Maxine pero nakita sa mukha ni Maxine na mejo ayaw niya na niyakap siya ni PJ, lumapit si PJ sa akin at itinago si Maxine sa likod niya.
“Umayos ka kung ayaw mong masaktan ah! Wag mo kong sinisiraan kay Maxine” sabay umamba na sasapakin ako buti na lang ay inawat si ni Maxine at…
“Tantanan mo na ako Jek-jek! You're not even my friend! PJ! Tara na.”
Umalis na silang dalawa at iniwan akong nakaluhod sa sahig buhat ng sipa ni Maxine sa akin. Pero hindi pa din ako sumuko, pumasok ako sa klase at nag antay ng uwian.
Ang uwian naming 2:00 pm talaga pero ang last subject teacher namin ay pinalabas kami ngayon ng 2:30 pm na,wala ng katao-tao sa campus maliban sa section namin! Ang una kong inisip ay baka naka-uwi na si Maxine, kaya tumakbo na ko palabas ng school para umuwi at hanapin si Maxine kaya lang pag-labas na pag-labas ko sa school ay nakita ko na sina PJ at mga kaibigan niya, biglang sinigawan ako ni PJ.
“Hoy! “
“Bakit?” Hinarap ko siya ng lakas loob.
“Ano bang problema mo? Paki-elamero ka din eh no!” onti-onti siyang lumalapit sa akin.
“Eh bakit? May tinatago ka ba? Eh ano yung nakita ko? Niloloko mo si Maxine!”
“Oh eh ano ngayon!”
“Niloloko mo nga siya?”
“Eh ano? Magsusumbong ka? Di maniniwala sayo yun! Mahal na mahal ako nun kaya kahit mambabae ako, o kaya eh mas mahalin ko pa tong mga tropa ko eh di ako hihiwalayan nun! Pasalamat nga siya eh, kahit papano eh napapakinabangan ko yung ganda niya!BOBO!” at lahat na sila ay lumapit sa akin.
“Anong napapakinabangan! Hayup ka! Minahal ka niya, pinagkatiwalaan ka niya tapos gaganyanan mo lang siya? Ilang beses ka ba dapat ipanganak ng nanay mo para malaman mo ang ibig sabihin ng pagpapahalaga! HAYUP KA!” umamba ako na sasapakin ko siya nang bigla itong sinalag ng kasama niya at sinimulan na nila akong bugbugin, mga lima silang magakakasama at ang mga nakaka-kitang residente ay parang natatakot din kaya di nila sila inaawat.
Suntok sa tiyan, mukha, sipa sa hita at marami pang iba, daig ko pa ang sumali sa fraternity. Nagsisimula ng tumulo ang dugo sa bibig ko at naglalabasan na din ang mga pasa.
“Bobo ka ba talaga at dapat ko pang ipaliwanag sa'yo yung salitang pinakinabangan ko yung ganda niya?! BOBO!Wag kang magus- -“ bago pa man ituloy ni PJ ang huling banta niya siya akin ay nagulat kaming lahat ng may Maxine na humahagulgol na tumatakbo papalapit sa amin.
“M-m-maxine… Kanina ka pa anjan?” kinakabahang salita ni PJ kay Maxine.
Sinampal ni Maxine si PJ ng ilang beses at itinulak niya ito pagkatapos ay lumapit siya sa akin upang alalayan ako. Nanghihina na ang buong katawan ko at parang mamamatay na ako. Narinig ko si PJ at Maxine na naguusap habang pinipingilan ko ang sarili na mawalan ng malay.
“I'll trusted you! I loved you! Naging martir ako sa'yo!” humahagulgol na bulyaw ni Maxine kay PJ.
“K-k-kanina ka pa anjan?” tanong ni PJ na parang mangiyak-ngiyak na.
“Ano sa tingin mo?”
“I can explain babe”
“Don't call my babe! That's it! How could you do this to me? There is nothing to explain! Alis! Alis!”
“Pero…”
Para mapaalis si PJ at ang mga kasama nito ay binato niya sila ng bato hanggang tuluyan na lang silang lumayo. At tuluyan nan gang ibinaling ni Maxine ang atensyon sa akin.
“Jek! Jek! Are you okay?”
“T-t-tingin mo ba okay ako? Buti na lang talaga eh di ako pinanganak nag g-g-ganun ka-gwap-p-po no? atleast di halatang nabugbog ako” sagot ko sa kanya na nauutal dahil sa sakin ng inabot ko.
“Nagawa mo pang mag-biro ah! By the way sorry! I should have listened to you! Ba't mo ba kasi ginagawa 'to?”
“(coughs) k-kasi k-k-kaibigan kita, k-k-kasi gu-gusto kita.”
Pinilit kong ngumiti s aka at naramdaman ko na pumatak ang luha ko hindi dahil sa sakin ng bugbog sa akin kundi ay dahil sa tuwa ko na nalaman niya ang totoo hanggang tuluyan na akong nawalan ng malay dulot ng sinapit ko at hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari.