Chapter 21

184 5 1
                                    

Chapter 21

Catcher!

Pumasok kami sa Math center at doon niya ako pinagpaliwanag.

“Ma'am- -“

“Bakit hindi ka pumasok sa subject ko?”

“Eh ka- -“

“Bakit nga!”

“Kasi ma- -“

“Sumagot ka!”

“Ma- -“

“Bakit!”

“Ka- -“

“Magsalita ka!”

“Eh kung subukan niyo kaya akong pag-salitain!” pasigaw kong angal sa kanya!

“Sinisigawan mo ako?”

“Hindi naman po!” sabay hina ng boses.

“O sige bakit ka hindi pumasok sa klase ko!”

“Ka- -“

“Magsalita ka!”

“Ano ba ma'am magsasalita ako o eepal ka na lang talaga!”

“Epal ako? Huh?”

“Eh ang kulit niyo kasi eh! Pwede na ako mag-paliwanag?” reklamko ko kay ma'am.

“Go!”

“Kasi po eh, uhm late na ako gumising eh kaya po na-late ako ngayon sorry po- -“

“And then?”

“'yun po tapos naka-tapak pa- -“

“Jek!”

Napa-simangot na lang ako nung may umepal nanaman nung nagpapaliwanag na ako kay ma'am, pero hindi si ma'am yung umepal, isang pamilyar na boses galing sa likod, kaya naman nilingon koi to at nakita ko si Maxine, naka-yuko at may kasama ding isang math teacher.

Nagtaka ako nung nakita ko siya at bigla siyang nagsalita uli.

“You don't have to lie!” sabi niya.

“Bakit ka nandito?”

“What is she saying?” naguguluhang tanong ni ma'am sa akin.

“Hay nako ma'am, itong transferee namin, hindi pumasok sa subject ko! Halika dito at maupo ka at magpaliwanag ka sa akin.”

Umupo yung teacher niya sa tabi ni ma'am at siya naman ay umupo sa may harapan ko.

“Teka ha, naguguluhan ako eh! Ano yung sinasabi niya na hindi mo na kailangang magsinunganling?” angal naman ng teacher ko.

“Hindi Maxine, kaya ko 'to! Akong bahala dito!” pabulong kong sinabi kay Maxine.

“No, Jek, you've done too much for me, let me handle this okay?” pabulong niya ding sagot sa akin.

“Ah hindi! Basta! Ako ang magpapaliwanag! Steady ka lang jan!”

“Anong pinaguusapan niyong dalawa? Pwede bang i-share niyo sa amin 'yan?” sabi ng teacher ko.

“Ma'am ganito po kasi, na-late po kasi ako ng gising, eh may antayan po kami, kaya po kami na-late kasalanan k- -“

Hinawi niya ako sabay singit, “No ma'am, it's my fault, hindi talaga siya late!”

“Hindi ma'am ako po ang nagsasabi ng totoo!”

“No ma'am listen to me! He helped me in my punishment!”

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon