Chapter 23

185 6 4
                                    

Chapter 23

Kris Kringle

Ugh! Bwiset! 6:30 na ng umaga pero parang hindi maganda ang pakiramdam ko.

Pinilit kong bumangon sa higaan ko kahit na masakit ang likod ko at pakiramdam ko talaga ay sobrang hina ko at ramdam ko ang init ng katawan ko.

Samahan pa ng sipon kong pilit kong sinisinghot at nangangatog kong tuhod.

Hindi pwedeng hindi ako pumasok! Malay ko ba! Mamaya kinukulit nanaman ni PJ si Maxine, atsaka sabi kasi ng adviser namin na ngayon daw magbubunutan para sa exchange gift para sa Christmas Party.

No choys nanaman! Ano pa nga bang ginawa ko? Imaginine mo na lang! Bumaba ako ng hagdan ng pasuray-suray, pabangga-bangga sa pader at di ko namamalayan tumutulo nanaman sipon ko! Siyempre, singhot nanaman dahil nakalimutan kong kumuha ng panyo sa kwarto.

Sa huling hakbang ko pababa sa hagdan eh muntik pa akong mahulog! Anak ng “%#! Kung minamalas nga naman oh!

Pagpasok ko sa kusina ay bumungad sa akin ang salamin na malapit sa may ref. “%&! “&! Natakot ako! Mas pangit pala ako pag may sakit! Analaki ng eye bags, namumulang mata pero para pasimplehin ang lahat, mukha akong buteteng bilasa, ang lala no!

Mabalik tayo sa kwento! Naupo na ako sa upuan para mag-almusal pero nung simubo ako ng kanin eh niluwa ko din! Pwe! Walang lasa eh! At dahil jan, umakyat na lang ulit ako, kagaya ng kanina, pasuray-suray akong umakyat ng hagdan pero mas mahirap na ngayon kasi paakyat.

Bwiset nilalamig na din ako!

Maliligo ba ako o hindi? Nilalamig talaga ako eh! Ano sa tingin mo? Maliligo pa kaya ako? Napatingin ako sa relo ko at… “$&! “%! 6:45 naaaaaaaaaaa!

Wala ng anu-ano at nagsuot na agad ako ng uniform at dinampot ang bag ko at kumaripas ng takbo papunta sa skul na parang wala akong sakit, kasi may test kami ngayon sa first subject! Hindi pwedeng ma-late!

Hindi ko na namalayan ay nakaralit na ako sa tapat ng skul ng saktong 6:55, lumabas nanaman sa mukha ko ang ngiting tagumpay ko kahit na nararamdaman kong tumutulo na ang pawis ko, hindi lang sa mukha at likod ko, nararamdaman ko na din ang pawis na tumutulo galing sa kili-kili ko!

Ay bahala na nga! Ngayon lang naman eh!

Pumasok na ako sa loob ng skul at una kong nakita si Vin at Chie na magkasamang naglalakad, kahit mejo nakakaramdam na ako na hindi maganda ang pakikisama sa akin ni Vin nitong mga nakaraang araw eh tinawag pa din silang dalawa para may kasabay akong pumasok at para may kakapitan din ako, kasi parang mas lalo akong nanghina sa ginawa kong pagtakbo kanina.

“Chie! Vin!”

“Oh pre!” bati naman sa akin ni Chie pero napansin ko naman na biglang hindi gumanda ang mood ang Vin pero hindi ko na lang pinansin at lumapit at umakbay na lang ako kay Chie.

“Oh pre! Parang ang init ng kamay mo ah!” puna sa akin ni Chie habang naglalakad kami papunta sa room.

“Oo, pre! Di maganda pakiramdam ko ngayon eh!”

“Ba't pumasok ka pang unggoy ka!”

“Tukmol ka ba! May test tayo sa math ngayon bungol!”

“Ay oo nga pala!”

Nagpatuloy kami sa paglalakad at pasimple kong inaaral yung mukha ni Vin, maya-maya ay nagulat ako ng nakita niya ako na nakatingin sa kanya at mejo nataranta ako kaya binaling ko na lang ang atensyon ko sa pakikipag-usap kay Chie.

“6:30 na nga ako nagising eh!”

“Oh? Talaga? Buti umabot ka pa?”

Gaya nga ng sinabi ko dati, sa aming magkakakibigan, siya ang pinaka-isip bata at pinaka hindi pa gaano nagmamamture kaya…

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon