Chapter 5

282 8 2
                                    

Chapter 5
Hindi Pala ako ang May-Ari ng Kaharian ng mga Tanga

“Bago kita sermonan gusto ko lang malaman mo na- -“ di ko pa man naitutuloy ang dapat kong sabihin ay bigla siyang tumayo sabay sabi ng,

          

“Gusto mo lang na malaman ko na ano!”

          

“Na gus- -!“
          

Muntik na ako dun ah! Mali mali!
          

“Na ano?” linaw niya
          

“Na… wag kang mage-english! Pinapahirapan mo ako!” hinawakan ko siya sa balikat at ini-upo sa sofa muli. Muntik man akong madulas sa muntik ko ng sabihin sa kanya kanina hanggang bumalik ako sa inis ko sa kanya at kinausap ko siya na para bang iyon ang unang pagkakataon sa buong buhay ko na magiging matalino ako.
          

“Pabayaan mo nga ko! Who are you ba sa tingin mo para pigilan ako kung ano ang gusto kong gawin, I love PJ kaya pabayaan mo ko! I want to slap that slut one thousand times!” sigaw niya sakin
          

“Diba sabi ko sa iyo wag kang mage-english! Oo tanga ako, oo puro hangin laman ng kokote ko, oo kanina lang tayo nagkakilala, eh ano ngayon! Eh sa puntong 'to parang mas makitid pa nga ang utak mo sa akin eh.” Bago ko pa man ituloy ang mga sasabihin ko ay nagsimula ng dumilim ang mukha ni Maxine, pero di ko na ito gaano pinansin at itinuloy ang dapat kong sabihin.
          

“Siguro naman eh may pera naman 'yang mga magulang mo para ipa-tingin sa doktor 'yang mga mata mo noong bata ka pa! Diba nakita mo na 'yung kabulastugan ng syota mo tapos sasabihin mo mahal mo pa din siya. Sabihin na nga natin na mahal mo siya, eh siya, mahal ka ba niya? Hoy Maxine! Wag kang tanga! Alam kong wala ako sa posisyon para pagsabihan ka ng ganito pero please 'wag kang tanga!” Nagsimula ng tumulo ang luha niya bigla siyang tumayo sabay sabi ng…
          

“Shut up! Di mo alam kung gaano kalalim ang pagmamahalan namin, you don't have the fucking rights to talk to me that way!” sinabi niya ito habang humahagulgol at bigla niya akong itinulak at lumabas siya ng unit at pinuntahan ang hinayupak niyang syota.
          

Wow! Ang swerte nitong unggoy na PJ na 'to eh! Minsan talaga mabuti din na isipin na hindi pala ako ang tunay na may-ari ng kaharian ng mga tanga. Kung sino pa ang tumulong, siya pa ang mali, kung sino pang nagmamalasakit siya pa di mapagkakatiwalaan, %”&! “’!.
          

Ano pa nga bang gagawin ko pa dito? Edi umuwi na lang ako at nagkuskos na lang ng kubeta. Doon ko ibinuhos lahat ng inis k okay PJ at doon ko din ibinuhos ang emosyon ko para kay Maxine, hindi ko magawang sabihin sa kanya na kaya ako nagmamalasakit sa kanya ay dahil gusto ko siya, dahil wala pang isang araw kaming magka-kilala at baka mas lalo siyang lumayo sa akin. Pero hindi pa din ako susuko, she are not deserves the guy liking that!
          

Nak ng #&$! English! Pinagisipan ko yan!
          

Di ko namalayan na sa sobrang lakas ng pagkuskus ko sa inidoro ay lumubog ang kamay ko sa butas nito at ng hinila ko ito palabas ay naku po! Mas kadiri pa 'yung nakita kong nakadikit sa kamay ko kaysa sa inaakala mo.
          

Dali-dali akong naghugas ng kamay, di naman para mandiri pero pagkatapos kong maghugas ng kamay ay kumain agad ako, pritong isda ang ulam kaya kailangan mag-kamay. Badtrip! No choys nanaman! Di bale! Itatae ko din naman 'to eh.
           

Pagkatapos kong kumain ay alas nuebe na yata 'yun, total naman ay galing ako sa clinic kanina eh ekskyus ako sa assignment kaya maaga akong nakatulog at umaasang makausap ko si Maxine bukas kahit na hindi ko pa din alam kung paano ko siya lalapitan.
          

Matapos ang halos siyam na oras ng paghilik at pagulong-gulong sa kama at pati ang pagtulo ng laway ko sa unan ay nagising na ako para pumasok, iwas late siyempre at ngayon, bago na ang mejas ko at nag-toothbrush na ako.
          

Dumaan ako sa may tapat ng bahay nila Maxine, nagbabakasakali na pwede ko siyang makausap doon. Kaya lang wala na dun ang service ni Maxine.
          

Baka maaga siyang pumasok.
          

Kaya nagmadali na lang ako na pumasok sa school para kausapin si Maxine tungkol sa nangyari, sumakay na ako ng tricycle pero ngayon hindi na ako sa bubong umupo.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon