Chapter 19

191 4 1
                                    

Chapter 19

Isang Gabi sa Isang Bubong

“Ah eh Hi din, pero sino ka?”

“Ma, si Maxine pala, Maxine mama ko.”

“Ah oh siya, Ikaw anak ka ng tatay mo, saglit lang miss ah…” sabay pingot sa akin at hinila ako papunta sa kusina, “Anak ka ng tatay mo! Ba't di ka umuwi kagabi?”

“Aray! Aray!

“Saan ka nga galing kagabi?”

“Bakit ma? Na-miss mo ko? Uyyyy! Na-miss ako!” pang-asar kong sabi ko kay mama.

“Aba, loko-loko ka talaga! Eh sino ba 'yung kasama mo?”

“Si Maxine nga! Paulit-ulit!”

“Girlfriend mo? Anak ng! Sa itsura mong yan nakabingwit ka ng chicks!”

“Grabe naman kayo ma! Parang sinabi niyo naman na pangit ako! Eh kung ganun edi parang sinabi niyo na din na pangit ka!” sabay tawa at bigla akong binatukan ng mama ko.

“Puro ka kalokohan, ano nga? Atsaka ba't andami niyang dalang gamit ano yan? Maglilipat bahay?”

“Hindi ko siya girlfriend! Kaibigan ko siya. Ma, pwede dito muna siya tumuloy sa atin?”

“Huh? Bakit?”

“Nagkaproblema kasi sila ng mga magulang niya eh, eh hindi pa niya yata kayang humarap sa mga magulang niya kaya kung pwede dito muna siya, pansamantala lang naman eh, please!” sabay ngiti sa kanya para lang makumbinsi.

“O sige sige, kaya lang baka naman giyerahin tayo ng mga magulang niyan dito?”

“Hindi yan! Grabe naman kayo mag-isip!”

“Sige, dun muna siya sa kwarto mo.”

“Huh? Eh saan naman ako?”

“Eh diba gusto mo siya dito? Edi jan ka sa sofa matulog!”

“Andaya namaaaaaan, ikaw na lang sa sofa tapos ako na lang sa kwarto mo” sabay ngiti.

“Hayup ka! Akala mo mauutakan mo ako! Papasukin mo nga yung bisita mo! Hindi mo manlang pinapasok tukmol ka talaga!”

Binatukan niya uli ako at pumunta ako sa pinto at pinapasok ko si Maxine.

“Pasok ka, pasensya na eh hindi man kasing laki ng bahay niyo 'tong bahay namin, eh siguro pwede na din 'to sa'yo”

“Ah oo naman okay lang! Tita salamat po ah!” sabi niya sa mama ko.

“Ah okay lang yun hija, Oh Jek dalhin mo na si Maxine sa kwarto mo para maibaba niyo na yung mga gamit niya dun tapos tatawagin ko na lang kayo mamaya para sa tanghalian ha!”

“Sige ma!”

“Sige po tita!”

Binitbit ko na nga ang mga gamit ni Maxine at umakyat na kaming dalawa sa kwarto ko.

“Ito nga pala 'yung kwarto ko, dito ka muna ha, mejo masikip pero pagtiisan mo na lang.”

“Hindi ah! Okay lang 'to! Malinis naman eh tsaka salamat ah!”

“Wala 'yun!”

“Nga pala, eh saan ka matutulog kung dito ako sa kwarto mo?”

“Doon ako sa sofa sa may baba.”

“Huh? Hindi! Nakakahiya naman! Ako na lang doon sa sofa ta- -“ bago pa man matuloy ang sasabihin niya…

“Hindi, dito ka sa kwarto ko at doon ako sa sofa at hep! Walang tututol!” nangiti siya sa akin at ibinaba ko na ang gamit niya.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon