Chapter 16
Wee-wee Part II
Sinilip-silip ko si Vin kung naka-alis na nga siya, nang maka-sigurado ako ng wala na nga ay bigla akong napangiti at…
“#&%! “&! Tama ba 'yung nalaman ko kanina! May gusto din sa akin si Maxine?” hindi ko napigilan ang sarili ko na mapasigaw sa sobrang tuwa ko, ako lang yata ang nag-iisang tao sa madaling araw na 'yun na mukhang tanga na nagtatatalon at kung anu-ano ang ginagawa ko dahil sa sobrang tuwa ko sa mismong tapat ng skul.
Dumating pa nga sa punto na dahil medaling araw at walang mga kotse dumadaan ay sa sobra kilig at tuwa ko ay nahiga ako mismo sa gitna ng kalsada at nakaharap ako sa kaliwang bahagi ng isang building ng skul.
Maya-maya habang feel na feel ko ang paghiga sa kalsada ay inakala ko tulog na lahat ng girl scout dahil nakapatay na halos ng ilaw sa building hanggang ng napalingon ako sa may bandang kanan ay may nakita akong isang kwarto na naka-bukas ang ilaw nagulat ako at tinignan ko itong maiigi dahil mejo nanlalabo na ang paningin ko dahil mejo inaantok na ako at may nakita akong dalawang babaeng naka-itim, sa puntong 'yun ay natakot ako at napatayo sa pagkakahiga, hindi ako makatakbo sa sobrang kaba, takot at nerbyos, halos na-iihi na ako sa shorts ko kaya tinakpan ko na lang ang mga mata ko, nanginginig na 'yung mga tuhod ko at hindi ko na alam ang gagawim.
Maya-maya ay may narinig ako tunog ng makina na tila papalapit sa akin, napalingon ako sa pinanggagalingan ng tunog at nakita ko ang isang kotse, hindi ko alam kung anong klaseng kotse dahil sa sobrang liwanag ng head lights nito ay nasilaw ako hanggang ng marinig ko ang napakalakas nitong busina ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at oo, tama ka, naihi na nga ako sa shorts ko…nanaman.
Narinig ko ang malakas na preno ng kotse at narinig ko din na bumukas ang pinto nito at pakarimdam ko ay bumaba ang driver nito.
Naka-stock up pa din ako sa posisyon ko na naka-takip ang dalawang kamay ko sa mukha ko habang tumutulo naman ang shorts ko.
“Hoy! Ano bang ginagawa mo at nakatayo sa gitna ng kalsada sa dis oras ng gabi?” sigaw sa akin ng driver.
Tinanggal ko ang mga kamay ko na naka-harang sa mukha ko at tinignan ko ang driver at may nakita ako sa pwitan niya na oblong na bagay at dahil madilim…
“Eh ba't po kayo, tumatae habang nagda-drive at dis oras ng gabi!” palokong sagot ko naman.
“Aba gago 'to anong tumatae? May patunay ka?”
“Opo!”
“Asaan?”
“Ayun oh! Oblong pa nga eh!” sabay turo sa may pwitan niya.
“Eto ba?!” dumukot siya sa bulsa niya, “Bobo! Face towel 'to!”
“Ay face towel po ba? Akala ko di kayo nakapagpigil eh!” sagot ko sa kanya na napapakamot ako sa ulo ko.
“Ano ba kasing ginagawa mo jan?” pagkasabi niya ay nanumbalik ang takot ko.
Tumuro ako sa kwarto na may bukas na ilaw pero hindi ko na ito nilingon pa dahil baka andum pa yung dalawang multong naka-itim.
“May multo po kasi dun!”
“Saan?”
“Bobo ka ba kuya? Tinuturo ko na nga eh!”
“Eh tanga nga pala eh! Wala naman eh! Umuwi ka na lang! Iwas droga boy!” tumingin ako sa kwarto at nakita ko na wala na nga doon yung mga multong naka-itim.
Habang nagpapaliwanag ako kay kuya ay biglang lumabas ng skul sila JC at si Maxine.
“Max! JC! Anong ginagawa niyo dito? Akala ko ba tulog na kayo!”
“Ikaw dapat ang tanungin namin niyan! Anong ginagawa mo dito?” sabi ni Maxine.
“W-w-wag kayong papasok dun sa kwartong may ilaw, m-may multo dun!” sabay turo sa kwarto.
“Anong multo pinagsasabi mo? Kaming dalawa yun?”
“Kayong dalawa? Yung naka-itim?”
“Oo! Kami yun!”
“Kita mo boy! Sinasabi ko sa'yo iwas droga ka! Tabi nga kayo jan at aalis na ako!” hirit naman ni manong, gumilid kaming tatlo, sumakay si manong sa kotse niya at umalis na siya.
“K-ka-kayong dalawa yung nasa bintana kanina?”
“Oo nga! Paulit-ulit?”
“K-ka-nina p-pa kayo dun?”
“Oo! Kaninang-kanina pa!” sabay nilang sinabi sa akin na may kasamang ngiting parang nange-ewan.
“Kanina pa? M-mga gano katagal?”
“Mga simula nung pinauna mong umuwi si Vin? Tama ba Maxine?” sabi naman ni JC.
]“Ah, o-oo!” sagot naman ni Maxine na nakayukong nakangiti sabay hinawi ang buhok sa may tenga.
Kinakabahan ako dahil baka nakita at narinig nila yung mga ginawa at pinagsisi-sigaw ko.
“N-n-nakita niyo yung ginawa ko?”
“Oo!” sagot ni JC.
“Lahat?”
“Lahat!”
“Edi narinig niyo din yung mga sinisigaw ko?” at nagsimula na akong tagak-takan ng pawis kahit na malamig ang hangin.
“Bakit? Ano ba yung mga sinisigaw mo?” tanong sa akin ni JC na mas kasamang ngiti na para bang nangiinsulto samantalang si Maxine naman ay nakayuko at nakangiti ba pa din at sumusimple lang ng tingin sa akin.
“Ah. Eh. Wala! Wala akong sinisigaw ah! Antahimik ko nga dito kasi baka magising yung mga tao eh!” nag-deny ako na umaasang makakalusot ako…pero hindi pala.
“Max, wala daw siyang sinisigaw!” at sabay silang tumawa at ako naman ay nahihiya na!
“Wala talaga! Promise!”
“Wala daw! Sige i-push mo yan!” at lalo pang lumakas ang tawa ni JC pero si Maxine ay nakangiti lang at panay ang hawi sa buhok niya.
Hindi ko napansin na sa kakatawa ni JC ay napalingonsiya sa shorts at nakita niyang basa at tumutulo ito.
“Jek, did you pee on your shorts?”
Napa-tingin ako sa shorts ko at agad ko itong tinakpan, “Ikaw JC kung saan-saan tumitingin ah!”
“Eh ba't ikaw? Kung saan-saan ka umiihi ah!”
“Jek, again?” natatawang sinabi ni Maxine.
“What do you mean Max?” tanong ni JC, pero hindi siya sinagot ni Maxine, mejo nahiya ako nung una pero bandang huli at natawa na lang kami pareho ni Maxine at nagtataka si JC kung bakit kami tumatawa.
Di nagtagal ay bumalik na silang dalawa ni JC sa loob ng skul. Nang nasa may gate na silang dalawa at tumakbo pa-balik sa akin si Maxine at hinalikan ako sa pisngi, sabay bulong ng “Good Night” sa akin at bumalik kaagad kay JC.
Hindi na ako naka-imik pa, sa halip ay napangiti na lang.
“Ayieee hindi pala nanliligaw ah!” pahabol ni JC.
“Tumahimik ka nga! Hindi naman talaga eh! Good night kiss lang yun! Puro ka kalokohan! Let's go na nga!” sabay tinulak ni Maxine si JC at pumasok na silang dalawa.
Pagka-pasok na pagka-pasok nilang dalawa ay hindi ko napigilan ang sarili ko at napasigaw ako ng…
“ITO ANG PINAKA GOOD SA LAHAT NG NIGHT WOHOOOOOO!”
Matapos kong mapakalma ang sarili ko uuwi na sana ako ng maalala ko na mag-aalas-kwatro na at kung umuwi pa ako ngayon ay malamang mapapagalitan lang ako.
May nakita akong sako sa may gilid ng gate ng skul. At dahil inaantok na ako, doon na lang ako matutulog at magpapa-abot ng umaga.