Chapter 24

157 3 0
                                    

Chapter 24
Love-nat

Sa kasarapan ng tulog at pagpapahinga ko ay nakaramdam ako na para bang may umuuga sa akin, pero hindi ko naman maaninag ng maayos dahil mejo malabo pa yung paningin ko.

“Hoy! Jek!” tawag sa akin ng parang galing sa isang babae, hindi ko pa din maaninag ng maayos ang mukha niya, “Hoy! Gumising ka! May Bisita ka.”

Hanggang sa napagtanto ko na si mama pala 'yung nagsasalita.

Bwisit naman oh! Nagpapahinga 'yung tao eh!

Hindi ko siya pinansin at nagkunwari na lang ako na walang narinig hanggang…

“Nasa baba si Maxine…”

Napamulat ako ng todo sa narinig ko at tila mejo nataranta ako.

“Bahala ka nga jan! Papaakyatin ko na lang siya dito, Maxine! Hija! Akyat ka na lang dito, masama din kasi pakiramdam ko eh.”

Napatingin ako sa orasan at nakita ko na mag-aalas-sais pa lang ng umaga, nagtaka ako kung bakit nasa bahay si Maxine nf ganto kaaga, pero agad akong tumayo at nagsuklay ng buhok ng onti para hindi naman ako magmukhang sisiw na bilasa.

Hanggang nakaakyat na nga si Maxine sa may kwarto ko at nakasuot na siya ng uniform.

“$%! %#! Buo na araw kooo!

“Jek?” pambungad na bati niya sa akin.

“Agh, *coughs* Max, ba't ka nandito? Ang aga pa ah!” sagot ko na man na kunwari ay sobrang hinang-hina ako.

“Oh! Jek! Okay ka lang?” agad siyang umupo sa tabi ko at hinawakan ang leeg ko para tignan niya kung mainit pa ako at nung umubo ulit ako eh hinaplos niya ang dibdib ko para mahimas-masan ako.

“$%! %#! Jackpot brad! Sana lagi akong may sakit!.

“Ah eh, oo okay lang ako!”

“Ang init mo ah! Wait lang, I'll just get warm water downstairs ah, wait for me.”

Tumayo na nga siya pero pagkatayon-pagkatayo niya ay hinawakan ko ang kamay niya at napatingin siya sa akin at nginitian ko siya, tinanggal ko ang pagkaka-kapit ko sa kanya at bumaba na nga siya at bumalik kaagad sa kwarto ko na may dalang maliit na palanggana at puting bimbo, umubo ulit siya sa tabi ko at inilapag ang maliit na palanggana sa may maliit na lamesa sa tabi ng kama ko.

Habang pinupusan ni Maxine ang mga braso at mukha ko ng maligamgam na tubig ay kinausap ko siya.

“Thank you ah!” sabay ngiti sa kanya.

“Wala 'yun, ano ka ba?”

“Eh ba't parang ang aga mo naman? Dahil sa akin maaga kang gumising, special talaga ako sa'yo eh!”

“Feelingero ka naman! Galing ako sa simbang gabi kaya naisipan ko na dumaan na din sa inyo!”

“Grabe naman!”

“Joke lang! Eto naman!”

“Hindi pala ako special sa'yo!” paawa kong sinabi sa kanya.

“Joke nga lang eh! Siyempre special ka no!” sabay ngiti sa akin at agad niyang dinugtungan yun ng isang tanong.

“Anong meron sa inyo ni Vin?”

“Huh? Anong meron sa amin?”

“I've noticed kasi na parang badtrip siya sa'yo eh!”

“Ah, oo, di ko nga din alam dun eh!”

“Imposible naman kung walang dahilan yun!”

“Ewan ko ba, ikaw, sa tingin mo? Bakit nga kaya?”

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon