Chapter 14
Tita, Manang!Hinatid ko na nga si Maxine pauwi sa bahay nila at oo, naglalad kami ng naka-boxer's shorts lang ako na kulay pink, nga pala, para mas detalyado, polka dots nga pala ang boxer ko.
Kaya naman sa bawat liko namin sa bawat kanto…
“Pare ang cute ng shorts mo ah!”
“Pare pa-kiss!”
“Pare ang aga ng new year mo ah!”
Kahit papaano ay naaasar ako sa pinagsasabi nila pero di ko na lang pinansin para maka-iwas na din sa gulo samantalang itong si Maxine ay tinatawanan pa yata yung mga sinasabi ng dinadaanan namin.
“Tawa-tawa ka jan?”
“Am I laughing? Hindi naman ah?” sagot niya na halatang pinipigil niya ang tawa niya.
“Hindi daw, eh halatang-halata na nga! Oo! Alam ko! Dahil sa shorts ko?”
“You know naman pala eh!” sabay tawa ng malakas, “Pero by the way, thank you ah! You're so gentleman.”
“Sus, nag-thank you ka lang kasi para hindi magalit kasi pinagtatawanan mo yung shorts ko eh!”
“”Hindi ah! Thank you talaga!” sabay ngiti sa akin, “Uy! Nagalit siya! Joke lang! Eh kasi naman eh! Ba't ka nag-suot ng boxer na pink, AT POLKA DOTS PA!” sabay tawa pa ng mas malakas.
“Kasi ang tunay na lalaki nagsusuot ng pink!” at nagkunwari ako na nagagalit at nagtatampo sa kanya.
“O sige na nga! Galit ka na eh! Joke lang yun ano ka ba?”
“Anong joke joke? Walang joke!”
“Hala! Sorry na nga eh!”
“Wala! Walang sorry sorry! Eh kung merong sorry edi sana wala nang nakukulong!”
“Sus! Andami mong alam! Edi wag! Sorry na nga eh!” sabay binilisan ang lakad niya at nauna na siya sa akin.
“Uy! Uy! Uy! Sorry na! Joke lang eh! Di ka naman mabiro oh!”
“He! Akala ko ba walang joke joke?”
“Tampo ka naman agad? Kilitiin kita jan eh!”
“Subukan mo lang!” sabi niya na kunwari ay galit pa din siya.
“Anong susubukan? Gagawin ko talaga!”
Kiniliti ko siya sa tagiliran…
“Ano ba? Tumigil ka! Nasa daan tayo oh! Nakakahiya!”
“Eh diba sabi mo subukan ko? Yan”
Patuloy ko siyang kiniliti at tawa naman siya ng tawa.
“Tama na tama na!” sabi niya sa akin habang tumatawa at kinakapos siya sa hangin.
“Oh ano galit ka pa?”
“Hindi na hindi na! Please stop!”