Nasa kwarto ako ni papa. Ako muna ang bantay nya. Kahit na mild stroke lang ang sinapit nya, hirap pa rin syang kumilos. Medyo tumabingi din ang bibig nya. Gayunpaman maayos naman syang nakakapagsalita. Naigagalaw pa rin naman nya ang katawan nya pero pag babangon sya kailangan ng alalay kahit na ipinagpipilitan nyang kaya naman daw nya. Oo kaya nya pero aabutin ng siyam-siyam bago sya makabangon. Pag naglakad naman sya medyo hinihila na nya ang kanang paa nya. Naluluha ako kapag nakikita ko ang kondisyon ni papa, but knowing him alam kong ayaw nyang umiiyak ako. Ayaw nya rin na kinaaawaan sya. Kahit ngayon na alam kong naghihirap sya sa pagkikilos ay sinasabi nya pa ring malakas sya. He is one optimistic man.
May nilagay na TV si mama sa kwarto nila para malibang naman daw si papa. Magkasama kaming nanonood ng Animal Planet. Kanina pa nga ako tawa ng tawa dahil nag-feature sila ng mga behavior ng mga pusa. Hindi ito ang mga type na panoorin ni papa pero hindi na sya nagreklamo nang ito ang pinanood ko. Maka-FPJ kasi sya. Ang dami nga nyang collection ng mga movies ni FPJ. Memorized na nga nya ang plot ng mga kwento. Minsan pati mga dialogue. Naalala ko pa noong high school pa ako, nag-aacting actingan pa si papa na si FPJ sya pag bagong dating sya sa bahay at nilalambing si mama habang nagluluto. Yung lambing nya nagiging comedy dahil katawatawa sya umacting.
"Masaya ako anak bumalik ka na dito sa bahay. Sana hindi ka na umalis." Sabi ni papa. Alam ko kanina pa sya nangingiti habang pinagmamasdan ako na tumatawa.
"Oo naman pa. Malakas kayo sa akin eh." Saka ko sya niyakap.
Tumawa naman sya sa paglalambing ko. For a very long time ngayon ko lang uli ito nagawa. "Parang labas ata sa ilong ng pagkasabi mo."
"Hindi kaya." At isiniksik ko pa sa kilikili nya ang ulo ko at niyakap pa sya ng mahigpit kahit malaki ang tiyan nya.
"Ay sus. Kung high school ka lang iisipin ko may ipapabili ka na naman eh."
Napahagalpak ako ng tawa. "Grabe ka naman pa. Hindi naman ako palahingi noong high school ako ah."
"Kinakalimutan mo ata yung paghingi mo ng pambili ng device kay mama mo. Hindi ka binigyan kaya niyakap-yakap mo ko." Sabi ni papa. Napaisip naman ako kung anong device.
"Anong device pa? Hindi ko maalala."
"Ay nako. Mas ulyanin ka pa sa akin. Yung electronic device na ginagawa mong pet. Ano bang tawag dun? Parang tunog japanese yun eh."
Napatawa ako ulit. "Tamagutchi yun pa."
"Oo yun. Nakalimutan mo na? Para kang asong bubuntot buntot sa akin. Pinakintab mo pa ang sapatos ko nun. Yun pala may hihingin ka. Ang higpit ng yakap mo sa akin noon nak. Parang ganito din."
"Si papa naman."
"Sana nga high school ka nalang lagi. Hindi ka aalis at titira sa iba."
Sus ang tatay ko nagdrama. Natabig tuloy ang tear ducts ko.
Pinahid ko ang tumulong luha sa pisngi ko, "Hindi naman pwede yun pa. Nakakahiya na may anak kayong hindi kayang mag-graduate sa high school." Pabiro ko nalang na sabi kay papa kahit na alam ko ang tinutumbok nya. Noon pa man labag na sya sa idea na hindi ako umuwi sa bahay. Hindi daw sya mapapanatag kasi ang daming nagkalat na mga sira-ulo baka mapasama daw ako. Pero nangatwiran ako na mas makakatipid ako ng allowance at energy pati na rin time kung magboboarding house ako. Para mapapayag sya, pumayag ako sa mga kundisyon nya. Bawal magbulakbol. Pinaka-una sa listahan nya. Bawal magboyfriend. Mag-aral mabuti, dapat daw wala akong bagsak. Pag may isa akong nilabag uuwi ako sa bahay. Kaya ayun, nagpakabait ako hanggang sa makatapos.
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceShe is broken. Wounded. Desperate. Reckless. And one night she was stupid. Does she really hate that One Night of excitement?