Chapter Fifteen

47 0 0
                                    

"Ikaw lang ba? Asan si manang?" tanong sa akin ni Chan na agad akong niyakap pagkabukas ko ng pinto sa sala. Tuwing umaga naman sya pumupunta ngayon sa bahay dahil nagbago na daw ang shift nya sa ospital. Walang nagbago sa relasyon namin ni Chan. Isang buwan na ang nakalipas ng pagkakamabutihan naming dalawa. Hindi na nya muling inulit pa ang tanong nya sa akin na maging girlfriend nya. Siguro ay kuntento na sya sa set up namin dahil walang commitments pero nakukuha nya ang gusto nya sa akin.

"Nandun lang sa kusina. Wag ka nang humirit at baka mahuli tayo." saka ako kumalas sa yakap nya at lumayo sa kanya para maupo sa sofa sa sala. Nanonood kasi ako ng morning show.

Mabuti nalang at lumayo ako kay Chan dahil lumabas na din mula sa kusina si manang na may dalang dust pan at walis. "Good morning po sir." bati ni manang kay Chan.

"Good morning din po manang." hindi na nag-atubili pa si Chan at umakyat na sa kwarto ni papa.

Malaki na ang improvement ni papa. Nakakalakad na sya ng maayos at di na kailangan pang alalayan. Sa totoo lang, pwede nang hindi pumunta sa Chan para sa sessions nila pero nagsisipag pa rin itong pumunta. Okay lang naman sa akin kung ako na ang magpapatuloy ng ginagawa ni Chan dahil okay naman na si papa. If I know, pumupunta lang sya sa bahay regularly dahil nakakanakaw sya ng ilang mga bawal na sandali sa akin.

Makalipas ang maikling panahon ay medyo okay na rin ako. Hindi ko na masyadong naiisip si Edmund. Marahil ay dahil din kay Chan. Nada-divert kasi ang atensyon ko sa kanya at sa mga lihim na sandali namin.

May improvement na din ang proposal ko para sa business nila ni Susan at ng pinsan nyang si Danica. Approved na ni Danica ang ginawa kong online ad na soon to be advertised para sa business nila. Pero syempre, may mga add-ons pa iyon dahil wala pa naman ang actual business. Good thing dahil binibigyan na ako ng partial payment nila Susan at Danica.

Inaabangan ko nga si Susan ngayon kasi may lakad kami. May gagawin daw syang research para sa complementary business na plano nila. Isasama daw nya ako para hindi naman daw ako ma-bored dito sa bahay, tutal daw ay binawasan ko na ang ginagawa kong editing online.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagbusina ng sasakyan ni Susan. Agad kong tinakbo ang kwarto ko para kunin ang shoulder bag ko. Pagkalabas ko ng kwarto at sumilip ako sa kwarto ni papa dahil nakaawang naman ang pinto. Agad na nakuha ko ang atensyon ni Chan dahil nakaharap sya sa pinto.

"Ahm, aalis muna ako. Andyan kasi si Susan." pagpapaalam ko sa kanilang dalawa ni papa pero nakatingin ako kay Chan dahil nakakunot ang kilay nya na parang sya ang dapat kong pagpaalaman. Gayunpaman ay hindi sya umimik at tinitigan lang ako.

"Sige anak. Ingat kayo." sabi ni papa na tinignan lang ako saglit. Pagkatapos ay ibinaling na agad ang atensyon sa kung anumang pinagkakaabalahan nila ni Chan.

"Okay pa." saka mabilis na akong tumakbo palabas. Nakita ko agad ang nakangiting Susan na pinasadahan ng tingin ang sasakyan ni Chan na nakapark sa unahan lang nya.

***

"Alam mo, napansin ko sa mga resto dito na may mga cakes and pastries, pare-pareho lang halos ang mga menu nila." sabi ni Susan sa akin matapos kaming magtingin-tingin sa anim na stalls sa mall. Busy pa rin sya kakatingin sa paligid dahil napunta kami sa pagwiwindow shopping.

"Oo nga, napansin ko din yun." sagot ko naman sa kanya habang busy ako sa pagtetext. Sumusunod lang ako actually kay Susan gamit ang peripheral view ko dahil sa naaaliw ako kay Chan. Kanina pa kasi nagtetext ng kung anu-ano hanggang umabot na sa naughty naughty ang topic namin.

From: Chan

Please don't be a bad girl. You're giving me a hard on. I'm facing your father, remember?

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon