"Ano itong sinabi sa akin ni papa mo na nagkagulo kayo dito sa bahay?" tanong ni mama sa akin nang mapagsolo kami sa kusina. Kakarating lang nya galing sa trabaho nang magsumbong sa kanya si papa. Kunyari silang dalawa lang ang nag-uusap pero dinig na dinig ko naman dahil halos sumisigaw na si papa habang nagsusumbong kay mama dala ng galit sa pangyayari.
"Lover's quarrel ma. Para namang hindi nyo alam yun." sabay ngiti ko sa "joke" ko.
"Hindi naman kami na-inform ng papa mo na may relasyon na pala kayo ni Jose Mari. Uso pa pala sa inyo ang secret love affair? Wala kaming kamuwang-muwang ng ama mo dito habang may namumuo na pala sa inyo." medyo nagtatampong sabi ni mama sa akin. Kasalukuyan nyang hinuhugasan ang lettuce para sa gagawin nyang salad.
"We're not sure about ourselves yet ma. M.U.M.U. lang naman kami." I said as I grab the cucumber and the peeler.
"Ano yun? High School? Tapos malalaman ko nalang na may suntukan at sampalang nangyari?" Hinarap ako ni mama sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa ng paulit-ulit at mabilisan. Bumalik na din agad sya sa paghuhugas ng lettuce.
Tumahimik na lang ako at binalatan na ang mga pipino.
"Hindi kita maintindihan na bata ka kung ano ba talaga ang gusto mo. Bakit naman kayo nagkapisikalan ni Jose Mari? I'm sure something happened. Hindi naman pwedeng mag-eskandalo ka lang dyan basta-basta, at hindi rin naman pupunta dito ang tao na ganon ang reaksyon kung wala lang." sabi ni mama na parang magha-hyperventilate na.
Biglang nagflashback ang utak ko sa dahilan ng pagpunta ni Jose Mari. All of a sudden I am doubtful to tell my mother why.
"Ano?!" asik ni mama na nagdedemand ng explanation.
Tumikhim ako bago sumagot. "He saw me with Edmund."
"Ano?!" sabi ni mama na gulat at galit. Sabay binitiwan nya ang lettuce at hinarap na naman ako. "Nasisiraan ka na ba talaga ng bait? Why would you do that?"
"Ma! Please! Accidental lang yun. Besides, we we're friends now." I shrugged my shoulders. "In fact, he invited me to his wedding."
Bigla akong pinalo ni mama sa braso. "Ma naman!" sabi ko.
"Anong ma naman!? Nang-iinsulto ba ang demonyong yun? Bakit ka naman nya iimbitahan? Wala talagang modo ang taong yun! Wag mo sabihin sa aking pumayag ka? Ikukulong talaga kita dito sa bahay!" mom said with brows almost touching each other in anger.
"Wag ka ngang OA ma! I said okay na kami. Besides, he apologized already. Tsaka hindi na naman ako hurting, kaya pumayag na ako pumunta. As a friend."
"Naku! Siguraduhin mo lang yan Lilian ha! Mamaya ipahiya ka doon makakapatay na talaga ako ng tao!" sabi ni mama.
"Why would he do that?"
"Ewan! Malay ko ba? Teka nga. Napapalayo na tayo. Ang sabi mo ay ang pagkikita nyo ni Edmund ang dahilan at ganoon ang inasta ni Jose Mari. Bakit?"
"Ma, sa amin na lang yun okay? Matanda na ang anak nyo, kaya ko na to."
"Kaya mo pala? Mamaya nyan iiyak-iyak ka na naman dyan, marami na namang domino effect yan."
"I'll take care of this. Kay?"
********
"Girl, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Susan habang piniprepare namin ang presentation ng menu nya na kukunan ng inirekomenda kong photographer sa kanya. Mabuti nalang at nagustuhan nya ang trabaho ni Seigfred and of course ang itsura nito nang matanggal ang mga dreadlocks.
"Nagkikita pa ba kayo ni Danica?" I asked.
"Actually simula nung incident sa mall madalang na kaming nagkikita. Wag kang ma-hurt ha, pero kwento nya magkasama daw sila ni Papa Chan." Susan said apologetically.
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceShe is broken. Wounded. Desperate. Reckless. And one night she was stupid. Does she really hate that One Night of excitement?