A part of me doesn't want to wake up. I feel like I'm turning into a puddle because of shame. Nahihiya ako dahil matapos kong magluksa, mawasak ang puso, magmuni-muni at magpakalayo, ganoon din pala ako karupok. Kaunting haplos-haplos at halik-halik lang, bumigay agad ako.
Kanina ko pa nauulinigan si Jose Mari sa kusina at kanina pa kumakalam ang sikmura ko sa bango ng kung anumang niluluto nya. Nangangalay na nga ako sa pagtatalukbong ng kumot dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Hindi ko malaman kung paano ako magsisimulang makipag-usap matapos ng nangyari. Nagmaldita pa ako yun naman pala, wa epek. Naiisip ko na ngang kurutin ang sarili ko sa singit dahil sa kaharutan at karupukan ko.
Why do I have to be so weak everytime I am near him? May kung anong oremus yata sa katawan ang lalaking ito at di ko mapigilan ang sarili ko.
"Alam ko kanina ka pa gising dyan. Magbihis ka na at handa na ang pagkain." I heard him say while setting the table. I can hear the clink and clank of the utensils.
Mas lalo pang nanigas ang katawan ko. Para akong tangang hindi gumagalaw at halos hindi na rin humihinga sa kakatalukbong eh halata rin pala ako.
"Come on. Bago lumamig ang pagkain. I have something to tell you." Sabi nya ulit.
Sa huli, wala rin akong choice. Nagdadabog akong tinanggal ang kumot sa mukha ko. At least to redeem my pride.
"That better be good." I murmured but I think he heard me because he glanced my way.
I hurriedly get myself dressed. I did not bother comb my hair and just tied it to a bun. When he noticed that I'm ready for food, he stood up and pulled the chair across him. I sat down and pulled the plate towards me.
Walang imikan kaming dalawa habang nagsasandok ng pagkain. Pati pagsubo at pagnguya ko halos discreet na dahil ayaw kong may kahit anong tunog na manggaling sa akin.
When we were halfway done eating, he cleared his throat to get my attention. Agad na napalipad ang tingin ko sa kanya.
"About that something that I needed to tell you." Pagsisimula ni Jose Mari.
I did not answer. Instead, I keep silent para matapos na ang kung anumang gusto nyang sabihin.
"Abount Danica." He said.
Bigla akong kinabahan at napahigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor. What is it this time?
"I know what I did was painful and that I am a useless jerk because of what happened. I'm really sorry that I was so careless and trusted her that easy." Pag-iintro nya.
"Just get to the point. Alam naman nating lahat na gago ka." Sagot ko sa kanya dahil sa umusbong na pagkairita sa akin.
He fell silent a few seconds but managed to continue. "Danica planned it all out. That day. When...when you saw us..." he trailed off and seemed uncomfortable finishing whatever he has to say. Instantly, bumalik sa isipan ko ang naabutan ko dito mismo sa condo nya. Malamang yun ang tinutukoy nya.
"Ah, nung makita ko kayong hubo't hubad dito? Yun ba ang tinutukoy mo? Ngayon ka pa ba mahihiya?" pang-iinsulto ko sa kanya.
He blushed and I bet nahiya nga sya. Malamang natumpak ko kaagad ang gusto nyang pag-usapan namin.
"Just... just hear me out... okay?" pakiusap nya.
Nanahimik ako at senyales iyon para magpatuloy sya sa kung anumang gusto nyang sabihin.
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceShe is broken. Wounded. Desperate. Reckless. And one night she was stupid. Does she really hate that One Night of excitement?