Nakatunghay sa akin ang isang nakangiting Jose Mari pagdilat ko ng mga mata ko. His left hand is tangled with my messy hair and his right hand is caressing my cheek. Nailang ako sa ayos namin kaya tumikhim ako.
"Siguro gutom ka na. Nakakapagod kasi yung ginawa natin." tapos ngumisi na naman sya. Okay na sana yung intro, binasag naman nya sa huli. Itinulak ko sya mula sa harapan ko. Umupo ako at sumandal sa kama habang sinisigurong natatabunan ako ng kumot.
"Gutom na nga ako. May pagkain ka ba dyan?" I snapped at him.
Nagtaka man sya sa inasal ko ay nakabawi din sya agad. Bumangon sya sa kama at tinungo ang mini kitchen ng condo nya habang hubo't hubad. Take note! Hubo't hubad! Napakahaliparot talaga at hindi man lang nagdamit.
"Why aren't you wearing any clothes on?" sigaw ko sa kanya.
Bumalik sya na may dalang tray na puno ng pagkain. Parang pork steak ata ang nakikita ko, at broccoli with dressing. May kasama pang iced tea.
"Because you aren't wearing any as well." saka sya ngumisi sa harap ko sabay lapag ng tray ng pagkain. Inabot nya sa akin ang mga kubyertos. I rolled my eyes and he chuckled.
"Pwede ba? Wag mong ibandera yang katawan mo sa harap ng pagkain." saka ko inabot ang tray at sumubo ng chunk ng pork steak.
"Masarap ba? Nag-effort talaga akong ipagluto ka, para masuklian ko naman ang kindness ng family mo lalo na nung nagdinner ako sa inyo." sabi nya na nagkumot ng ibabang parte ng katawan nya at tumabi sa akin sa pagsandal sa headboard ng kama nya. "Remember when you 'accidentally' poured the juice on me?" ngumiti sya na ikinatawa ko ng malakas. Nag-qoute pa sya ng dalawang kamay nya sa salitang accidentally to give emphasis.
"That was priceless you know? How you reacted with the whole thing?" tumawa na naman ako. "If given the chance I'd do that again." saka ako ngumuya ng broccoli.
"You're cruel, you know?" paniningkit ng mata nya sa akin. "Tsaka hindi mo man lang ako makuhang ayain habang kumakain ka dyan."
Tiningnan ko naman sya na nakataas ang kilay, "Bakit? Hindi ka pa ba kumain? Eh parang kanina ka pa naman gising." ibinaling ko na ulit sa pagkain ang atensyon ko. In fairness to him, he is a good cook. Ang dami naman nyang alam, ba't ganon?
"Tapos na."
"Tapos naman na pala. Ano pang iniaarte arte mo dyan, eh ako tong gutom?" sabi ko sa kanya.
"Grabe ka naman. Matapos mo akong pagurin? Ganon nalang? Kahit maging courteous ka naman kahit sa pagkain lang." he said in a joking tone.
Dinuro ko sya ng tinidor na may chunk ng pork steak, "Sira ba yang tuktok mo? Hindi kita inutusan para magpasasa sa katawan ko. Wala akong ginawa sayo ha! Sabihin mo lang kung masakit sa kalooban mo habang kumakain ako ng luto mo. Plastic ka pala, nagbabait-baitan ka pa. Sayo na nga yang pagkain mo!" pagkatapos ay itinulak ko sa kanya ang tray ng pagkain. Sayang! Ang sarap sana! Pero okay lang, just to save my pride.
"Lilian naman. Joke lang yun, ano ka ba. Hindi pa talaga na-gets. Sige na, kumain ka na." pagkatapos ay ibinalik nya sa akin ang tray ng pagkain. Umalis na rin sya sa tabi ko at tumayo sa kama.
I was bothered that I may have offended him but I maintained my cover and never glanced at him once. Sumubo na lamang ako ng kanin at sinundan ko pa ng chunk ng pork steak.
"Alam ko naman gustong gusto mo ang luto ko. Tsaka, just to remind you, marami kang ginawa sa akin. Ang sarap nga eh." sabay tawa nya at mabilis na tumakbo sa restroom dahil binato ko sya ng unan.
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceShe is broken. Wounded. Desperate. Reckless. And one night she was stupid. Does she really hate that One Night of excitement?