"Wow ang galing. VIP tickets talaga?" sabi ko kay Chan habang sinisipat ko ang tickets na pinahawakan nya. Papasok na kasi kami sa coliseum.
"Syempre. VIP tayo eh. Halika na, pasok na tayo habang hindi pa masyadong nagsisiksikan," sabay hila nya sa kamay ko.
"Gusto ko sanang hintayin sila Susan eh. Kaya lang baka ma-late yun, hindi rin kasi nagtext. Para sana sabay-sabay na rin tayong pumasok."
"Doon na lang natin hintayin sa loob," giit ni Chan. Tumango na lamang ako at nagpahila na sa kanya papasok. "Sino bang kasama nya?"
"Yung pinsan nya galing Taiwan. Yung sinasabi ko sayo? Pareho siguro kayo ng organization, pero sabi nya ay hindi na daw sya active member," nakuha ko naman ang atensyon ni Chan dahil parang namangha syang pwede palang may kakilala rin ako na kapareha nya ng organization.
"Ah, ganon ba? Marami naman kaming members na hindi na active kasi nga may iba nang mga priorities."
Malapit na kami sa entrance at nakaka-excite dahil naririnig ko na ang mga sinasabi ng parokya ni edgar sa VTR na pini-play sa coliseum. Marami na akong nakikitang mga tao sa paligid, kalimitan ay mga teenager. Naalala ko tuloy noong kabataan ko, kapag may concert ang parokya ni edgar ay para akong hindi mapakali kapag hindi ako makapunta. Halos lahat pa ng kanta nila may kopya ako tapos pinapatugtog ko sa stereo namin ng paulit-ulit hanggang sa mapagalitan na ako ni mama kasi araw-araw na lang daw ay yun lagi ang naririnig nya at wala nang iba.
"Malaking event yata itong inorganize ninyo," sabi ko kay Chan nang makakita ako ng ilang foreigners pagkapasok namin. Mukhang mga organizers din yata kasi may mga nakasabit na IDs. Hindi ko man nakikita kung staff ba ang nakatatak sa IDs nila pero tingin ko ay staffs nga.
"Oo, malaking event talaga ito. Halika, dito yung seats natin." saka kami pumunta sa may malapit sa stage.
Tsi-neck ko naman ang phone ko pagkaupo namin ni Chan. Wala pa ring text galing kay Susan kaya tinext ko nalang kung nasaan na sila at sinabi kong nakapasok na ako kasama si Chan. Ni-replay naman ang VTR na napakinggan ko kanina sa labas kaya pinanood ko na muna iyon.
"Kukuha muna ako ng makakain natin, anong gusto mo?" tanong sa akin ni Chan.
"Kahit ano lang."
"Sige, okay ka lang ba dito?"
"Oo naman."
"Sige, saglit lang ako," sabi ni Chan saka umalis.
Ilang sandali habang nanonood ako sa piniplay na video ay nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko ang text galing kay Susan.
From: Susan
I'll be late kaya pinauna ko na si Danica. She is on the way already.Nagreply naman ako ng Ok at muling pinanood ang video hanggang sa matapos iyon at ulitin na naman. Nakita kong bumalik na si Chan dala ang hotdog sandwiches namin at dalawang coke in can. Iniabot nya sa akin yun pagkaupo nya.
"Wala pa rin ba si Susan?" tanong nya habang busy sa pagkuha ng sandwich at iabot sa akin iyon.
"Mahuhuli daw sya, pero si Danica daw on the way na. Ay! Ano ba yan!" sabi ko nang mabitawan ni Chan ang coke in can na abala nyang kinukuha para sana ay iabot nya sa akin. "Ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya habang hinahanap nya kung saan iyon bumagsak.
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceShe is broken. Wounded. Desperate. Reckless. And one night she was stupid. Does she really hate that One Night of excitement?