Chapter Ten

59 0 0
                                    

Dinala ako ni Chan sa isang mamihan para maibsan ang pagkalasing ko. Medyo lumalabas na rin si haring araw dahil kulay ginto na ang kalangitan. Naririnig ko na rin ang mga huni ng pang-umagang mga ibon na nagliliparan sa kalangitan.

"Ubusin mo na yang mami mo Lilian habang mainit pa." agaw pansin sa akin ni Chan. Napabaling ako ng tingin sa kanya.

"Anong oras na ba?"

Tiningnan nya ang relo nya, "5:23. You better hurry dahil ihahatid pa kita. Ano na lang ang sasabihin ng parents mo. Pinag-aalala mo ang mga matatanda."

Napataas ang kilay ko sa mga sinabi ni Chan, "Nanenermon ka ba? Excuse me ha, pero hindi na ako teenager para sermonan mo ng mga ganyang bagay." sabi ko sabay subo ng mami.

"Yeah you're not, but you act like one," kaswal na sabi nya lang. Binawi ko ang mga tingin sa kanya at sa halip ay tiningnan ang halos maliwanag nang kalangitan. "Come on Lilian. Finish your food already, we're going home."

A naughty idea entered my mind. Ngumisi ako sa kanya, "We're going home?" tumango naman sya na halos abot ang kilay. "To your place?" pagtatapos ko sa tanong ko sa kanya. Napapalatak ng tawa si Chan sa sinabi ko. Napalingon tuloy ang cashier sa amin.

"You'll regret why you asked Lilian. You'll scream your head off." ngisi sa akin ni Chan na itinukod sa mesa ang mga siko nya para matingnan ako ng malapitan. "On the other hand, please don't make your attraction towards me so obvious. I want challenge, and I don't want to lose the excitement."

Walanghiya! Ang hangin! Napahiya ako! Putek!

Sa hiya ko ay hindi ko kinayang makipagtitigan sa kanya. Nairita rin ako sa sagot nya. Nakakapang-insulto to the highest level. Nawalan na ako ng gana sa mami. Ibinaba ko na ang kutsara ko at nagpunas ng table napkin sa bibig ko. "Don't assume too much. Not because I asked would it mean that I'm head over heels on you. Ihatid mo na ako." Tumayo na ako at iniwan syang nakangisi sa mesa. Naglakad ako palabas habang sumusunod sya sa akin.

Nang maabutan nya ako na nakaharap sa sasakyan nya ay nilampasan nya ako at sumandal sya sa passenger's door para humarap sa akin. He even crossed his arms and his legs and looked at me mockingly. I raised my brow on him. "What?! Wag kang magpapogi dyan!" asik ko sa kanya at tumawa lang sya.

"You're defensive." saka sya tumalikod sa akin na nakangisi at binuksan ang pinto para makapasok ako. Nang makapasok ako at maisara na nya ang pinto ay nagsalita syang muli, "And funny." dagdag pa nya at umikot sa kabilang side para makasakay na rin.

"Wag mo kong ginagawang katatawanan ha! Besides, I only asked for safety measures." duro ko sa kanya nang makapasok na sya sa loob ng sasakyan at binuksan ang makina nito.

"What's that supposed to mean? You are guaranteed with your safety when you're with me." Nilingon lang nya ako para ngisihan pagkatapos ay nagdrive na. Nagpatugtog sya ng mahina sa stereo na naka-tune in sa isang love song. Pinili ko na lamang na manahimik.

Narelax naman ang katawan ko sa takbo ng sasakyan at sa background music. Maya-maya pa ay namigat na ang mga talukap ko. Ipinilig ko ang ulo ko at pumikit na habang para akong inuugoy sa duyan.

***

I woke up to the sound of running water in the shower. Inabsorb ko ang kapaligiran. Medyo dim ang paligid dahil hindi nakabukas ang ilaw at makapal ang kurtina sa bintana kaya hindi masyadong nakakapasok ang sinag ng araw. Kinabahan ako at baka kung ano na ang ginawa sa akin ni Chan. Mamaya pala ay nag-take advantage na sya sa akin habang tulog ako.

Tumayo ako sa kama at kinapkap ang switch ng ilaw. Nang bumaha ang liwanag sa paligid ay nalaman kong nasa condo pala ako ni Chan. Ibig sabihin, naliligo sya sa shower. I glimpsed on my reflection in the screen of his flat screened TV across me and I instantly inspected myself as I am wearing a man's shirt. Salamat na lamang at may mga undergarments pa ako. Agad kong tiningnan ang paligid para hanapin ang mga damit ko. Hindi pa man nagtatagal ay tumigil na ang tubig sa shower at ilang sandali pa ay iniluwal ng pinto ang isang bagong ligong Chan.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon