Chapter Twenty Three

85 3 1
                                    

"Can you just tell me why? Hindi naman pwedeng basta basta mo nalang kami iiwan ni Danica sa ere," nagtitimpi sa galit sa akin si Susan. We talked over the phone that I am quiting the project kaya napalipad sya ng wala sa oras sa bahay para personal akong kausapin.

"I can't do it. I'll recommend someone else to do my job. Marami naman akong kakilala na magagaling. You can work with them," I said handing her the glass of juice.

Hindi nya tinanggap kaya inilapag ko na lang sa coffee table. Naglakad ako papalabas sa terrace. Mamaya ay marinig kami ni papa at magtanong kung anong nangyari. Sinundan naman ako ni Susan at tinapik ang braso ko para makuha ang atensyon ko.

"May usapan na tayo! Dont be unprofessional Lilian!" galit na talaga si Susan. Magkasalubong na ang mga kilay nya.

"I'm telling you I can't do it," giit ko sa kanya.

"At least tell me why!" sigaw sa akin ni Susan.

I sighed. Hindi ako nagsalita pero hinintay pa rin ako ni Susan na magpaliwanag. I looked at her and I moved my head from left to right to let her know I am not ready to tell her, but she is very persistent that I should tell her. Napababa ako ng tingin at nilaro ang mga daliri ko.

"Hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko kung kasama ko si Danica," I said and Susan suddenly grew restless and concerned.

"Bakit naman? You seemed to get along well. May problema ba?"

Napahikbi na ako. Parang nabutas ang lagayan ko ng kalungkutan pagkasabi ni Susan nun. "Si Chan."

"Oh? Ano na naman?" tanong ni Susan na nag-aalala na.

"Mahal ko na sya," lalo pa akong napahikbi.

Napangiti naman si Susan, pagkatapos ay humalakhak. "Anong problema dun? Sabi ko sayo mahuhulog ka din kay super papable Chan eh."

"Si Da-Danica..." I hiccupped.

"Ano namang kinalaman ni Danica sa pag-ibig mo kay Chan?" tanong ni Susan.

"Sya ang karelasyon ni Chan three years ago," sabi ko kay Susan na nagpatahimik sa kanya. "Noong araw ng unang meeting natin ni Danica, ang sabi nya, kung hi-hindi pa huli ang lahat... hahabulin nya yung lalaking iniwan nya kasi... kasi... yung taong yun pa rin daw hanggang ngayon."

"I had no idea. Wala naman kasing nakukwento sa akin si Danica. Besides, wala syang ipinakilalang kahit na sinong boyfriend," Susan said seriously. "Anong sabi ni Jose Mari? Kinonfront mo ba?"

Tumango ako. "Naguguluhan sya. Alam kong affected pa rin sya kay Danica. Noong gabi ng concert, nakita ko silang nag-uusap. Pagkatapos nun ay wala na sa sarili si Jose Mari."

I tried to stop my cries and calm myself. I wiped away my tears and watched Susan digest all the information I shared with her.

"I'm sorry Su. I just can't do it with Danica around. I'm so affected that I can't do my job well. Ayoko namang malagay sa alanganin ang ginagawa ko dahil lang dito sa nararamdaman ko," I said and I felt Susan's sympathy.

"Naiintindihan naman kita Lilian. Kaya lang, personally, gusto ko talaga na ikaw ang gumawa ng trabahong to kasi alam ko na kung paano ka kumilos. Please dont leave me hanging here. Kahit para sa akin man lang. You can work at home kung hindi ka talaga comfortable. Di kaya, I'll call you to come at the cafe if I'm sure na hindi makakapunta si Danica. Pero please, wag mo muna kaming iwanan ngayon. Just give me ample time to look for someone that can handle your job." pakiusap sa akin ni Susan.

Napabuntonghininga na lang ako. Syempre, ayoko din namang iwanan talaga ang trabahong to. Isa pa, ito lang ang tanging hiningi na pabor sa akin ni Susan. Kung tutuusin, sa dami ng mga panahong nandyan sya para sa akin, hindi pa ako bayad sa kanya. Though of course, she is not counting everything she does for me.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon