Habang pababa ako ng hagdan ay naririnig ko si mama na inuutusan si manang na kunin ang mga mangkok. Parang nagkukumahog pa si mama dahil nag-utos pa ulit na ilabas na ang eskabetche at mango float. Maliit lang ang bahay namin kaya pagkababa ko ng hagdan, malalantad na agad ang sala at ang dining table. Liliko lang ako ng konti sa may partition at kusina na.
"Anong meron ma?" sinilip ko ang mga putahe ni mama. May adobong manok at pansit. May chopsuey din. Bakit ang daming niluto?
Napatingin si mama sa akin, "Ay, mabuti at bumaba ka na. Oh eto, ilagay mo na sa table. Bilisan mo." sabay bigay sa akin ng bowl ng kanin na mainit na mainit pa.
Agad ko namang tinanggap iyon at inilagay sa dining table. Nakahilera na doon ang isang malaking isdang ineskabetche at dalawang bowl ng chopsuey. Nakaayos din ang mga pinggan at kubyertos. Inilalagay na ni Manang ang mango float at saging.
"Manang, pakialalayan naman si Sir mo pababa. Sasabay sya sa hapunan." utos ni mama kay manang. Saka naman nya inilapag ang mga baso sa mesa. "Anak, pakikuha naman nung juice."
Taka naman akong kinuha ang pitchel ng juice. Pagkabalik ko sa dining table nakita ko na si papa sa may hagdan na inalalayan ni Manang. Inilapag ko ang pitchel at tinulungan si Manang sa pag-alalay kay papa.
"Bakit naman hindi ka nagbihis anak? Ang bantot mo tingnan." ang sabi ni papa na nagpasimangot sa akin. Tumawa naman sya ng nakakaloko.
"Ano ba kasing meron? Ang daming pagkain. Hindi naman natin mauubos yan. Tsaka hindi naman kayo bumababa pag kakain Pa ah?" tanong ko kay Papa kasi hindi naman ako sinagot ni Mama kanina.
"Hindi mo ba alam? May bisita tayo." sabi ni Papa sa akin kasabay ng tunog ng doorbell.
"Ha? Sino?" tanong ko kay Papa. Si Mama naman excited na binuksan ang pinto para lumabas at papasukin ang bisita.
Nakababa na kami nang pumasok si Mama kasunod ang bisita.
Sheteng monggo!!
"Si Jose Mari ang ka-dinner date natin ngayon." sabi ni Mama na ngiting ngiti.
"Good evening po tito, Lilian." ngiting ngiti si kumag!
Nabuwisit ako. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng whole wide world. Bakit wala man lang pasintabi na kasama sa hapunan si kumag? Ayan tuloy nakakahiya ang ayos ko! Sana man lang may nag-tip sa akin na magbihis ako ng matino. Bakit naman ora-orada?
"Kailan ka pa invited sa hapunan?" tanong ko kay Chan.
Na-alarm naman sila mama at papa sa sinabi ko at sabay pa talaga akong nilingon. Si manang parang na-sense ang tensiyon kaya dahan-dahang umexit na kung maglakad ay parang alimango dahil pa-sideways ang direksyon.
Binulungan ako ni papa dahil katabi ko lang naman sya, "Wag ka naman sanang umasal ng ganyan sa harap ng bisita anak." saka pakunwari syang naubo.
"I-I mean, hindi ka man lang nagkwento kanina na dito ka maghahapunan." iniba ko ang tanong para hindi magmukhang rude. Timing naman na naglakad papunta sa dining table si papa kaya ako na lang ang nakatingin sa kanya. Tinaasan nya ako ng isang kilay kasabay ng isang nakakalokong ngiti.
He just shrugged his shoulders. Nakakainis ha! Ang presko ever!
"I invited him after he brought you home. Pumasok ka kasi agad sa kwarto mo kaya hindi mo narinig." mama explained in behalf of him. "Oh, Mari. Maupo ka na at baka gutom ka na." naupo na sila mama at papa sa harap ng hapag-kainan.
"Oo nga po tita. Napagod ako kanina eh." sabi nya na bago humakbang ay tiningnan pa ako ng makahulugan. Alam ko na tinutukoy nya ang eksena namin kaninang hapon. Feeler na feeler syang bahay nya to sa pagkakaupo nya sa harap ng parents ko. Parang ang tagal na nyang kumakain dito.
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceShe is broken. Wounded. Desperate. Reckless. And one night she was stupid. Does she really hate that One Night of excitement?