Hi guys! I hope makapagcomment and vote kayo sa story ni Lilian. Your comments and votes serves as my fuel and ink for writing. Godspeed!
---------------------------------------
I never thought that there would be greater pain from the pain I felt when Edmund left me. Parang ginawa lang na training ground ang sakit ng naging relasyon namin ni Edmund para sa mas malalang sakit na dulot ng relasyon namin ni Chan. Yes Edmund cheated on me, but what Chan did was like the highest level of intensity that shook my world.
Hindi ko maintindihan kung paanong sabay kong naramdaman ang paninigas, panlalamig, galit, at sakit. Halos hindi ko makayanang ihakbang ang mga paa ko palabas ng unit ni Chan. I would never forget how their legs were tangled, peeking from the sheets. How messy the bed and the place was. They might have fucked wildly kaya ganon na lang ang itsura ng unit at literally ng kama!
Hindi ko maipaliwanag kung paanong sakit ang nararamdaman ko sa dibdib ko. Sa sobrang sakit at sama ng loob, halos hindi na ako makahinga. Parang dinudurog ang buo kong pagkatao ng sakit na nararammdaman ko ngayon. Hindi na ako nagtagal pa sa unit ni Chan, agad na akong bumaba para makauwi na. Parang gustong gusto kong basagin ng paulit ulit ang mukha ni Chan para pakonswelo man lang. Shit this pain! Shit this feeling! Shit love!
Napahagulhol na ako ng iyak hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa sasakyan. Agad ko nang pinaandar ang sasakyan at mabilis na pinatakbo pauwi sa bahay.
Pakiramdam ko naman ay nakakaloko ang utak ko sa paulit ulit na pagpaflashback ng itsura nila ni Chan at Danica nang maabutan ko. Napapalo ako sa manibela sa sama ng loob sabay hagulhol ng malakas. I was caught in traffic and suddenly I felt all the emotions sink in. Halos hindi ko na makayanang tumahan kahit pilitin ko. Pasinok sinok na rin ako sa tagal ng iyak ko. Nagring ang phone ko kaya kinakalkal ko muna iyon sa bag. When I saw mama is calling, I tried hard to compose myself bago sinagot iyon.
"Hello ma?" Napatakip ako ng bibig nang mapasigok akong muli. Naiiyak na naman ako habang naiisip kong magsumbong kay mama.
"Nasaan ka ba?" Parang natataranta ang boses ni mama sa kabilang linya, bigla naman akong nag-alala.
"I'm on my way home. May nangyari ba?" Hindi ko na maramdaman ang kaba sa dibdib ko. I found myself honking the car before me.
Napabaling ako ng tingin sa phone ko nang marinig kong humikbi si mama. "Ma?" I asked.
"Si papa mo..." Those were enough to send me in a cliff. Tinakasan ako ng dugo sa katawan at agad akong kinabahan.
"Anong nangyari kay papa ma?" I horned successively now.
"I-inatake si papa mo...itinakbo na namin sa ospital." Tuluyan nang napaiyak si mama.
"What?" My sentence faded. Wala nang kahit anong kayang lumabas pang salita sa bibig ko. Sinabi sa akin ni mama ang pinagdalhang ospital, hindi ko na namalayang tinatahak ko na ang daan patungo doon.
Agad akong tumakbo papasok sa emergency room nang makarating ako sa ospital. Halos sabay ko nang tingnan ang mga tao sa loob doon sa pagkataranta. Nilingon ko ang kabilang side at nakita ko doon si manang kasama si mama na nakaupo sa silya at parang wala sa sarili. May pinapalanghap din na gamot si manang sa kanya. Agad ko silang nilapitan.
"Ma? Kumusta na si papa?" Ngunit wala akong nakuhang sagot mula kay mama. Tiningnan nya lang ako na parang kinikilala. Biglang kumawala ang mga luha sa mga mata nya. Napaiyak na rin ako. "Ma?! Ma? Asan si papa?" Hindi pa rin ako sinagot ni mama. Napatingin ako kay manang at naluluha rin sya. Umiwas sya ng tingin sa akin at muling inilapit ang cotton na may gamot sa ilong ni mama. "Manang--"
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceShe is broken. Wounded. Desperate. Reckless. And one night she was stupid. Does she really hate that One Night of excitement?