Chapter Nine

69 1 0
                                    

Panglimang araw na ng pagdurusa ko.

Ang dahilan ay ang reply sa in-email ko kay Edmund. Masyadong walang konsiderasyon ang mensahe nya sa akin, na para bang wala kaming pinagsamahan.

The exact words on my e-mail was,

Edmund,

You told me you fell out of love. Why? Is it because I'm boring?

And he replied.

Lilian,

I hope you can move on with your life. I just found myself inlove with another woman. I'm sorry.

Edmund

Natigagal ako nang mabasa ko ang mensahe nya apat na oras matapos akong makapagsend sa kanya. Sobrang gasgas na ng salitang sorry pagdating kay Edmund. Parang nawala ang halaga ng salitang yun. It's like he is saying sorry for me to get away from him and he is not really asking for an apology or forgiveness. He is saying sorry but I feel that it is equivalent to being irritated. That he is pissed everytime I communicate with him.

Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko pagkabasa ko sa mensahe nya. Parang hindi ako makahinga. Sumikip ang dibdib ko.

Masyadong masakit ang katotohanan.

Ang resulta ay ang magdamagan kong pag-gimik. Ibig sabihin, panglimang araw ko na rin itong tumatambay sa iba't-ibang bar. I know I'm pathetic but it's my way to cope up. To ease my pain.

"Lilian, come on. You're throwing up already! God!" si Susan na hinihimas ang likod ko. Actually, kanina pa ako sumusuka pero ngayon nya pa lang ako nahuli. Alas tres na ng madaling araw kaya malamang kanina pa ako lasing. "Iuuwi na kita. Let's go!" sabi ni Susan na nauubos na ang pasensya sa akin.

Pinunasan ko ng kamay ko ang bibig ko. Iwinagayway ko rin ang kamay ko sa mukha nya habang pilit na pilit akong tumayo at ibuka ang mga mata ko. "Kaya ko umuwi mag-isa. Iwanan mo na ako." sabi ko at naglakad na papunta sa dance floor.

Masyadong marami na ang sumasayaw sa dance floor kaya siksikan na ang mga tao. Nakisiksik ako at bahagyang sumasayaw habang nakataas ang dalawang kamay ko.

Hinablot naman ni Susan ang braso ko kaya nasiko ko ang isang babaeng nagsasayaw kaharap ang isang foreigner. Tiningnan ako ng masama ng babae. Itinaas ko ang isang kamay ko as a sign of my apology. Dinedma naman nya ako at niyakap nya ang kasayaw nyang foreigner at iginiling ang katawan nya dito. Hinarap ko si Susan na hindi na maipinta ang mukha.

Ibinuka nya ang bibig nya and I read "Let's go" on her lips. Umiling ako at binawi ang braso ko. Sumigaw ako sa kanyang mauna na sya. She stomped her foot as her irritation towards me grows.

Hindi nya kasi naiintindihan ang nadarama ko. Kung paano parang pinipiga ang dibdib ko ngayon. Kung paano ako nagpipigil ng iyak. Kung paano ako nagpapakatatag. Kung gaano ko gustong makalimot.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon