Chapter Three

139 2 0
                                    

"Akala ko ba ma nurse yun? Bakit sya nagte-theraphy kay papa?" Tanong ko kay mama habang kumakain kami.

Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang engkwentro namin ni Jose Mari.

Sa hapon sya pumupunta sa bahay dahil umaga daw ang duty nya sa hospital. Pagkatapos nya doon ay dumideretso sya sa bahay para i-theraphy si papa. Tinatandaan ko na kung anong oras sya pumupunta sa bahay. Nagtutulog-tulugan ako sa kwarto at nagbibingi-bingihan kapag kumakatok si mama dahil magpapatulong sa paggawa ng meryenda para sa matikas na nurse. Sana lang hindi ako karmahin sa pag-aacting actingan ko.

"Physical therapist din kasi yun. Ang hilig kasi nun mag-aral lalo na tungkol sa iba't-ibang field ng medicine. Malay mo sa susunod maging dentist sya. Di kaya Physician. O baka orthopedic o opthalmologist. Who knows?" Sabi ni mama sabay kagat sa karahay na niluto namin kanina. Sayang, paborito pa naman to ni papa.

"Ah, ganon ba?" Sabi ko nalang.

"Ikaw ha. Napapansin ko masyado kang aloof kay Jose Mari. Hindi mo pinapakiharapan pag nandito sa bahay. You should be grateful kasi ang baba ng singil nya para sa theraphy ng papa mo. Kung ibang tao pa yun baka namulubi na tayo. Not to mention na pumupunta pa sya dito. Nasa kabilang town pa kaya ang tinitirhan nun." Sabi ni mama na dinuro pa ako ng tinidor nya.

Si mama talaga, nawawalan ng manners kapag kami ang magkaharap.

Ayaw kong sumagot kaya uminom ako ng juice.

"Wag mo kong dinadaan-daan sa paglagok mo ng juice dyan." Sabi ni mama. Obvious pala ang actions ko.

Napaubo tuloy ako. "Si mama naman. Im just not comfortable around him. Thats all." Dahilan ko. Totoo din namang hindi ako makagalaw ng matino kapag nandyan sya. Naaalala ko kasi ang kalandian namin.

"Anak. Naiintindihan kita kung maging man-hater ka, but Jose Mari doesnt deserve that kind of treatment. At least be civil to him out of courtesy. Ganon ba."

Okay na sana ma at inisip mong man-hater ako kaya hindi ko sya pinapansin. Bakit kailangang ipagpilitan pa? Ang sakit sa bangs!

"Okay ma. But dont expect me to be so friendly with him. Hindi ko feel makipag chit chat sa kanya." Saka ko na itinuon ang atensyon ko sa pagkain.

Mabuti na lamang at hindi na ipinagpilitan pa ni mama ang usapan tungkol kay Jose Mari. Kapag kaharap ko siya ang perfect ng spelling ko sa AWKWARD. Lalo pa at hinahagisan nya ako ng mga ngiti at tingin na akala mo anumang oras may ipa-plug sya.

Hindi ko inisip na magtatagpong muli ang landas namin. Malayo kasi yung bar na ginimikan namin ni Susan. Gusto ko kasing magwala pero ayaw kong may makakilala sa akin. Nakakahiya naman kung maeskandalo ako at malaman ng parents ko. They are hurt enough.

What happened between us was pure lust. Nung gabing yun nalanghap ko ang lahat ng pheromones na itinapon nya sa hangin kaya lumandi ako. I reasoned out na kung kaya lumandi ni Edmund, pwes kaya ko din. Kapansin pansin naman talaga sya sa bar. Bukod sa nag-iisa lang sya ay pa-mysterious pa ang aura nya. Nakakahatak masyado. Syempre nung inatake ko sya ng malalanding ngiti at haplos ay pumatol din sya. Makaraan ng ilang harutan namin ay agad akong nagsabi ng "Sure" nang i-suggest nya ang "My place?".

Nag-iinit talaga ako kapag naaalala ko ang gabing yun. Alam na alam nya kung pano humawak at saan hahawak. Timing ang lahat. Pakiramdam ko may halaga ako. Na sensitibo ako kaya ingat na ingat sya.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon