Chapter Thirty One

24 1 0
                                    


"Paano nalaman ni Danica na pumupunta ako doon sa psychiatrist na nirekomenda mo? Sinabi mo ba sa kanya?" bungad ko kay Jose Mari pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto pagkarating sa bahay. Hindi naman malakas ang boses ko at baka mamaya ay marinig kami ni mama.

Hindi ko lubos maisip kung bakit kami magkakatagpo ni Danica sa ganoong klaseng lugar. Yes, she is a nurse pero sa pagkakaalam ko, hindi naman sya employed doon at hindi naman sya nag-aapply sa mga hospitals o clinics dito dahil busy silang dalawa ni Susan sa business nila na sa ngayon ay patok na patok sa mga young professionals dahil sa kakaibang interior design na ginawa ni Gio. Patok sa social media ang mukhang baliktad na itsura ng lugar dahil sa mga booshelves, mesa, silya at kung anu-ano pa na nakadikit patiwarik sa kisame.

Sa totoo lang, gustong gusto kong tanggalin ang nakakainis na pagmumukha ni Danica kanina. Kaya lamang, naisip kong magkakagulo sa lugar at ayaw ko namang mangyari ang nakakahiyang bagay na yun lalo pa at nasa labas lang naman ng building si mama.

Ang lakas ng loob nyang ipagmalaki na may sex video sila ni Chan?

"Isa pa, sinabi nya sa akin na may sex video kayong dalawa. Sa tingin nya ba interesado ako? Hindi pa ba sapat ang kataksilang nasaksihan ko nung araw na yun? Pare-pareho lang kayong makakapal ang mga pagmumukha. Pare-pareho lang kayong mga sinungaling! Manloloko!" diniinan ko ang mga salitang sinungaling at manloloko dahil para talaga yun kay Chan.

Malungkot ang mukha ni Chan nang lingunin ko sya. Wala akong pakialam. Kulang pa ang mga salitang iyon kumpara sa sakit na idinulot nya sa akin. Ewan ko ba sa sarili ko at pumapayag pa akong lapit-lapitan nya at pumupunta sya dito sa bahay.

"Pasensya ka na sa nangyari ngayong araw. Siguro ay sinabi ni Mila na nandoon ako. Common friend kasi namin sya ni Danica simula pa noong magkakasama kami sa hospital." Sabi ni Chan.

"Sino naman yang Milang yan?" naiirita kong tanong dahil pakiramdam ko may espiya sa akin.

"Yung nurse sa information." Sabi nya habang ibinababa sa side table ko ang shoulder bag ko na sya na ang nagbitbit simula pa kanina.

"Sabihin mo sa kanya na itikum ang bibig nya kung ayaw nyang tahiin ko. Napakachismosa naman! Kung ganyan din lang, hindi na ako babalik sa psychiatrist. Ano ba naman yung magmukmuk ako dito eh nakasanayan ko na rin naman yun! Saka umalis ka na nga! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo eh." Maldita kong sabi sa kanya saka bato ng tinanggal kong doll shoes sa sulok sa inis ko.

"Seeing your psychiatrist will do good for you. Alam mo yan. Wag kang mag-alala at pagsasabihan ko si Mila." Kalmado pa rin nyang sagot.

"I don't give a damn. Naintindihan mo?" sarkastiko at maldita kong tugon. "Umalis ka na nga! Pati ba naman yun, hindi mo maintindihan? Tanga ka ba?" inis kong sabi sa kanya.

"Pasensya ka na. Sige, aalis na ako. Magpahinga ka na. Wag mo kakalimutang kumain."

"Sa tingin mo ba makakalimutin ako? Naloko mo lang ako pero hindi ako makakalimutin!" asik ko sa kanya.

Walang imik nyang binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Pagkalabas nya ay marahan nya ring isinara iyon. Ilang sandali bago ko narinig ang mga yabag nya papalayo.

*****

"What?! Kaya pala sya nagmamadaling umalis kanina dito sa café ay pinuntahan ka pa pala sa mental hospital." Sabi ni Susan nang ikwento ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga.

"It turns out, common friend pala nilang dalawa ni Chan yung nurse sa information. Ano ba yang utak ng pinsan mo? May ipis ba at hindi makapag-isip ng maayos? O baka naman gumagawa lang sya ng paraan para mapabilis ang pagkabaliw ko?" sabi ko kay Susan. Nasa garden kami sa likod ng bahay habang nagmimeryenda. Dinalhan nya ako ng red velvet cake para marelax naman daw ang nervous system ko.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon