Chapter Thirty

38 1 3
                                    


Dalawang araw na ang lumipas magmula nang mailibing si papa. Dalawang araw na rin akong nagmumukmok. Kahit anong gawin kong pakonswelo sa sarili ko, ginagapi ako ng lungkot. Sa tingin ko ay kailangan ko nang magpatingin sa psychiatrist. Alam kong nakakabahala ang depression pero kung nasadlak ka na sa ganoong sitwasyon, hindi mo maiisip na magagawa mo nang umahon. Wala akong ganang kumain. Ayaw ko ring lumabas ng bahay. Pinupuntahan ako at tinatawagan ni Susan pero pagkatapos non, muli akong nasasadlak sa sobrang lungkot. Kahit si mama, nababahala na rin sa akin. Maya't-maya nya akong silipin sa kwarto.

Nanggaling na rin ako sa depresyon noong iwanan ako ni Edmund pero kakaibang klase ang nararamdaman ko ngayon. I think this is what they call emotional trauma. Pakiramdam ko ay punong-puno ang dibdib ko ng kung ano na nahihirapan akong huminga. Wala naman akong ginagawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Lagi akong natutulog. Kung walang kumakatok sa kwarto ko, halos buong araw akong natutulog. Mas gusto ko pang matulog nang matulog dahil pag nagising ako, andun na naman yung mabigat na pakiramdam. Ayaw kong makipag-usap. Ayaw kong makihalubilo. Ayaw kong lumabas. Ayokong gumalaw.

Pati mga trabaho ko ay naapektohan na. Maraming clients na ang nagsusungit sa akin dahil maraming errors ang gawa ko at hindi na rin daw ako productive. Dalawa sa mga clients ko ang nagwithdraw na. Pero wala akong pakialam. Parang nawalan ako ng pag-asa. Nawalan ako ng pananaw sa kinabukasan.

Ang masaklap pa, sa tuwing naaalala ko si papa o kaya si Chan, bigla na lang sumisikip ang dibdib ko at basta na lang ako iiyak. Aabutin yun ng ilang oras hanggang sa makatulog ako. Pakiramdam ko wala na akong halaga. Pakiramdam ko, wala nang halaga ang buhay ko. Gusto ko nalang pumikit ng walang hanggan.

Ewan ko kung anong oras na. Kanina pa ako nakatitig sa kadiliman. Hindi man lang ako gumagalaw. Mababaliw na yata ako. Narinig ko ang tunog ng sasakyang tumigil sa harapan ng bahay namin. Siguro bisita kasi nagdoorbell. Siguro si Susan. Hindi pa rin ako gumalaw. Ayokong gumalaw. Naulinigan ko ang mahinang pag-uusap sa sala at ang mahihinang yabag. Palapit nang palapit. Narinig ko ang katok sa pintuan ko. Hindi ako sumagot.

"Anak, may bisita ka. Bubuksan ko ang pinto ah." Si mama na binuksan ang pintuan ng kwarto ko pagkasabi non. "Anak? Tulog ka ba?" sabi ni mama saka binuksan ang ilaw. "Oh? Gising ka naman pala. Bakit hindi ka sumasagot?" sabi ni mama nang Makita nya akong nakatihaya at nakatingin lang sa kawalan.

Hindi ako umimik. Tiningnan ko lang sya. Nilingon ni mama ang kasama nya na nasa labas pa ng kwarto ko at di ko nakikita.

"Anak, nandito pala si Jose Mari." Saka pinalapit ni mama si Chan para pumasok sa kwarto. Hindi pa rin ako umimik. Sa halip, tumagilid ako patalikod sa kanila. Parang nakakapagod magsalita. "Maiwan ko muna kayo. Ikaw na munang bahala kay Lilian." Narinig kong sabi bi mama.

"Okay po tita. Thank you po." Ang sabi ni Chan.

Narinig ko nalang ang paghakbang ni mama palabas ng kwarto ko at ang pagsara nya sa pintuan. Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Chan sa gilid ng kama ko. Nandoon na naman yung pakiramdam na punong puno ang dibdib ko. Nagsisimula na naman akong hindi makahinga at nagsisimula na rin ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Gayunpaman, ayaw ko pa ring magsalita. Pagod na akong makipag-usap. Lalo na sa kanya.

Narinig ko ang buntunghininga nya at ang marahan nyang pagpihit.

"Lilian..." sambit nya sa pangalan ko. Hindi ako gumalaw.

Akala ko may sasabihin sya pero hindi sya nagsalita. Nagpapakiramdaman lang kaming dalawa. Ni hindi nya ako hinawakan. Nakaupo lang sya sa gilid ng kama ko at hinihintay akong gumalaw o umimik.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon