"Susan, meet Gio. Your architect. And Gio, meet Susan. The owner of the building." pagpapakilala ko sa kanila ni Susan at Gio. Medyo busy ang cafe ni Susan kaya pinili na lamang naming magmeeting sa loob ng office nya. Mas maganda sana kung sa labas kasi presko ang hangin kesa dito na air conditioned room.
Nagkamay ang dalawa matapos magbatian. "Please sit down. I'm glad you accepted our proposal." sabi ni Susan na prenteng nakaupo sa swivel chair habang inaabot ang isang folder sa gilid ng table nya.
"Well, I can't say no to Lilian. She is kinda persuasive." biro ni Gio na sabay nilang pinagtawanan ni Susan. I rolled my eyes and smiled.
"Anyway, I have here the details that we want to be implemented in the building. I hope you can accomodate all the ideas." sabay abot ni Susan ng folder kay Gio na binuklat naman nito agad.
"Don't worry. Gagawan natin yan ng paraan." Gio said na naging interesado na sa laman ng folder na hawak nya. May apat na pahina lang naman yun ng kung anumang pinagdedemand ni Susan.
"Good! So, when can I expect the plan?" nakangiti at excited na tanong ni Susan kay Gio.
"Give me three days." sabi ni Gio na nag-angat na ng tingin kay Susan.
"Deal." muling inabot ni Susan ang kamay nya kay Gio.
***
"You know what? Ang cute ni Gio. Mabuti na lang at good-looking ang nahagilap mong architect." hindi naman halatang kilig na kilig si Susan habang ikinikwento nya ang admiration nya kay Gio. Kanina pa sya nangingisay pagkaalis na pagkaalis ni Gio sa cafe.
"For the nth time Susan. Loyal yun sa beauty queen nyang girlfriend." I said habang nag-aapply ng face powder. Hinahatid na nya ako pauwi pero baka kasi magpang-abot pa kami ni Chan. Mabuti nang maganda at presko ako sa paningin nya.
"Bakit? Wala naman akong sinabing susulutin ko sya ah. I'm just saying he's cute and very attractive. Gustong gusto ko pa yung pagkakahawak nya sa kamay ko kanina." kinikilig na naman si Susan.
"Para kang hindi businesswoman. Syempre pag may ginagawa kayong deal ng ka-business mo, firm ang hawak. Wag ka nga mag-ilusyon dyan!" kunot noong tiningnan ko sya. Sinipat nya din ako ng tingin habang nakasimangot.
"Wag ka ngang nega! Bitter ka lang eh!"
"Aba't!" akma ko syang batuhin ng hawak kong face powder nang medyo dinipensaan nya ang sarili nya.
"Hoy! Masakit yan ah! Sige ka, hindi kita ihahatid sa inyo!" sigaw sa akin ni Susan.
"Nang-blackmail ka pa talaga ah.." mahina kong sabi kay Susan nang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko yun sa shoulder bag ko at tiningnan ang caller ID.
Si Chan, tumatawag. Sasagutin ko ba habang nandito si Susan?
"Sagutin mo na. Alam ko namang si loverboy yan eh." sabi ni Susan.
"Tse!" saka ko sinagot ang tawag ni Chan habang humahagikhik si Susan. "Yes?"
"Hi my sweet. Nasaan ka na? Kasama mo pa rin ba si Susan?"
"Oo, bakit?"
"Aren't you coming home yet?"
"Hinahatid na ako ni Susan pauwi, bakit? Anong meron?"
"Namimiss na kasi kita. I'll wait for you."
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceShe is broken. Wounded. Desperate. Reckless. And one night she was stupid. Does she really hate that One Night of excitement?