Chapter Eight

68 1 0
                                    

Nagpupuyos ang damdamin ko. Ang nangyayari na lamang sa amin ni Chan ay pawang lamangan. Kaya nga lang ay talagang lamang sya.

Magdamag na ang lumipas pero parang isang toneladang kape ang nahigop ko dahil hindi ako nakatulog. Paano ba naman akong makatulog kung sa pagpikit ko ay inirereplay ng utak ko ang ginawang halik sa akin ni Chan.

Walangya!

Nag-stock ata sya ng gayuma sa laway nya kaya ganito nalang ang epekto sa akin. Saglit lang ang halik na yun pero parang ibinuhos nya ang lahat ng effort kahit wala naman talagang ka-effort effort sa kanya yun. Ang nangyari tuloy ay nagising ang malanding pagkatao ko.

Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!

Sa sobrang inis ko ay itinuon ko na lamang sa pagtapos ng mga articles ang oras ko. Kapag aantukin ako ay pipikit ako, kaya lang sumusulpot sa utak ko ang nakakatakam nyang halik. Hay grabe! Ang nangyayari tuloy ay napapabalikwas ako ng bangon at hinaharap ang laptop ko. Nagmukha akong hardworking dahil nakatapos ako ng anim na articles.

Alas-singko na ng madaling araw. Mabigat na talaga actually ang mga talukap ng mata ko, caffeine naman sa diwa ko ang nangyaring kissing scene namin ni kumag.

Pumikit ako dahil kanina pa ako naghahabol ng tulog nang tumunog ang laptop ko. May nag-mail.

Tiningnan ko kung sino. At talagang nagising ang dugo ko nang makitang si Jose Mari Mendoza na naman iyon. Binuksan ko agad ang mail nya.

My Sweet,

Good morning. I still don't have your number so I can't contact you by any means but this.

I wish to kiss you today but I can't come. Please tell tito and tita I can't possibly visit for a week. I'll be attending a seminar.

I was informed late so I wasn't able to inform your parents.

Hungry for your kiss,

Chan

Parang nagpanting ang tenga ko. Kahit sa pagpapaalam nya malandi at haliparot pa rin sya.

Ahhhhhhhh!

Gusto kong sumigaw sa di malamang dahilan. May parte ng pagkatao ko na alam kong kinilig pero may parte ding naiirita. Nananaig ang takot sa sarili ko. Maaaring ginagawa nya lamang ang lahat ng ito dahil alam nyang kahit anong oras ay pwede akong bumigay sa kanya dahil malandi rin ako at minsan nang may nangyari sa amin.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon