Matapos ang 45 minutes na byahe ng barko mula sa Siquijor ay nakarating din ako ng Dumaguete. Dito na ako sasakay ng eroplano papuntang Manila. Mga 10 minutes ride lang ay nasa airport na ako.
Nakapara ako ng tricycle na deretso na sa airport. 50 pesos lang naman ang singil ng driver dahil may dalawa akong nakasabay na foreigners na papunta rin sa airport. Medyo mainit na dahil alas nuwebe na nang makarating kami sa seaport ng Dumaguete. Inagahan ko na ng alis at para maiwasan ang anumang delay. Alas dos pa naman ang flight ko.
Ilang sandali pa ay natanaw ko ang daanan papasok sa airport. Huminto ang sinasakyan naming tricycle sa harapan at tinulungan pa kami ng driver magbaba ng mga gamit namin. Nagpalinga-linga ako ng tingin sa mga kainan sa paligid. Napansin ko ang isang maaliwalas na kainan at dumeretso ako ng lakad doon. Mamaya pa naman ang check-in ko.
Pagkapasok ko ng kainan ay napansin ko agad ang mga foreigners at mga pinoy na mga byahero din. Ang ilan ay kumakain habang ang ilan ay nakatambay na lang.
Dumeretso ako sa counter para umorder ng snacks. Buti nalang at duffel bag lang ang dala ko nang maisipan kong magbakasyon. Hassle kasi kung ang laki ng travelling bag ko at wala akong ibang kasama. Kailangang bitbit ko ang bag ko kahit saan ako magpunta.
"Anong order nyo, ma'am?" tanong sa akin ng babaeng nasa counter.
"Isang slice ng blueberry cheesecake tapos isang cappuccino nalang." Sagot ko.
"Okay ma'am. Two hundred eighty nine lang po."
Binigay ko ang bayad at sinabing maghihintay nalang ako sa table sa corner.
Nang makaupo na ako sa napili kong pwesto, kinuha ko ang phone sa aking bulsa at binuksan iyon. Ilang minutong bukas pa lang ang phone ko ay nagring na agad iyon. Si Chan, tumatawag. I swiped my phone to answer his call.
"He-hello... Lilian?" he said on the other line.
"Yes..." I answered in a low, calm voice.
"I-I've been trying to call you. Where are you?" he sound desperate.
"I'm going home." I answered after a bit of silence.
"R-really? Do you want me to pick you up?" he asked again.
"Pick me at NAIA at 3 PM. We need to talk." I said.
"O-okay... I'll be there."
"Kay. Bye." I said and about to end the call when I heard him agitated on the other line not to end it yet.
"Wait wait wait! Don't hang up yet." He said.
"May sasabihin ka pa ba?" I asked.
"I missed you... and... I really am sorry for everything." He said.
My heart fluttered on how he sounded. Para syang isang batang nananabik sa nawalay na ina. Natigagal ako at hindi ko malaman kung ano ang sasabihin. Nablangko ang isipan ko. Napakagat-labi na lamang ako dahil sa mga salita nyang tumutunaw sa puso ko.
Nararamdaman ko ang sensiridad sa mga salita nya. Sa mga simpleng salitang iyon, naiparamdam nya sa akin na gusto nya akong makita at makasama. Na pinagsisihan nya ang nangyari.
Ngunit huli na. Nakapagpasya na ako.
"Be there at 3. I'll hang up now." I said and did not bother to hear his answer. I ended the call right away.
***
Nasa NAIA na ako at hinihintay ko nalang si Chan. Ang sabi nya ay kanina pa raw sya dito para sunduin ako. Ilang sandali pa, nakita ko na nga syang naglalakad papalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceShe is broken. Wounded. Desperate. Reckless. And one night she was stupid. Does she really hate that One Night of excitement?